SA ILALIM NG KARAGATAN, sa pusod ng pinakamalalim na bahagi ng dagat- Pasipiko, dito nakatayo ang palasyo ni Haring Nerod, isa sa mga tagapagmanang apo ni Neptuno. Sa kasalukuyan ay nahahati sa apat na kaharian ang buong karagatan, at si Nerod, ang pinakabatang hari ang namamahala sa palasyong ito.Makulay at kumikinang ang palasyo ni Haring Nerod. May nakabantay na sundalong siyokoy sa bawat sulok nito. Maraming naggagandahang sirena ang umaaligid sa kaniya. Silang lahat ay nakahandang ibigay ang bawat naisin ng kanilang matikas na hari.
Sa araw na ito ay may piging sa palasyo. Ipinatawag kasi ni Haring Nerod ang kaniyang pitong anak na lalaki.
Nang nagsidatingan ang kaniyang mga anak na sireno ay agad na tumunog ang trumpeta.
Nagbigay-galang sa kanilang
Amang Hari ang mga nagbibinatang mga anak na lalaki."Salamat naman at dumating na kayo. Maupo na kayo."
Nang nakapuwesto na ang mga bagong dating ay pumaimbulog ang isang masayang musika. Rumaragasang pumagitna sa kanilang harapan ang mga mananayaw na sirena. Nanghahalina ang mga ngiti nila at magagaslaw silang sumayaw. Isa-isa nilang hinarap sa mapang-akit nilang sayaw ang hari.
Nang tinanguan sila ng hari ay ang mga anak naman nito ang nilapitan nila at sinayawan. Natutuwa naman ang mga prinsipe. Nasiyahan si haring Nerod sa nakikitang katuwaan ng kaniyang mga anak.
Sunod na nagpakitang-gilas ay ang isang nagdadalagang sirenang may matingkad na buntot na kulay asul. Nagpamalas ito ng isang madamdaming awitin. Napakaganda ng boses ng sirena. Tila hinehele sa pagtulog ang mga naroroon.
Sumenyas ang hari kaya mabilis na pinahinto ng dalawang bantay na siyokoy ang sirenang hindi pa tapos sa pag-awit.
"Teka, hindi pa ako tapos."
"Ssshh! Huwag ka nang magsalita, inaantok ang mga prinsipe sa awitin mo." Pabulong iyong winika ng isang siyokoy.
Muling pinasayaw ni Haring Nerod ang mga mananayaw na sirena. Bigay-todo ang mga ito sa maharot nilang pagsayaw.
Pinagmamasdan ni Haring Nerod ang reaksyon ng kaniyang mga anak sa naturang palabas. Hindi siya nakukuntento sa nakikitang pagngiti ng mga ito kaya tuwing natatapos ang tugtog ay sumesenyas siya uli kaya sumasayaw uli ang mga sirena. Paulit-ulit silang sumasayaw hanggang sa sumakit na ang kanilang katawan. Halos hindi na sila makakilos sa sobrang pagod kaya pinahinto na sila sa pagsasayaw.
"Hindi ko nakikita ang kinang sa mga mata ng anak ko habang nagsasayaw kayo! Hindi ninyo sila napaligaya! Dahil hindi ninyo ito pinaghandaan, mananatili kayo sa ibabaw. Panoorin ninyo ang mga nilalang doon kung paano sila sumayaw!"
Matapos itong bigkasin ng hari ay may kidlat na lumabas mula sa kaniyang hawak na malaking batutang puno ng kapangyarihan.Agad na naging starfish ang naturang mga mananayaw. Isa-isa silang lumutang paibabaw hanggang sa hindi na sila makita sa ilalim ng karagatan.
Nagsiyuko naman ang mga alipin. Ayaw nilang madamay sa pagkainis ng kanilang hari.
Nang mahimasmasan sa pagkainis ay niyaya ni Haring Nerod ang mga anak. Dumulog sila sa hapag-kainan. Umaapaw ang pagkain sa dulang.
Nagsilbi sa mga prinsipe ang isang grupo ng magagandang sirena. Nang mabusog ay sinenyasan ng hari ang mga tagasilbi. Yumuko naman sila at isa-isang niyaya ang mga prinsipe patungo sa kabilang dako ng palasyo.
"Ama, saan po kami pupunta?" Ang panganay ang nagtanong sa hari.
"Kakain lang kayo."
"Ngunit kakakain lang po namin," wika ng pangalawa.
BINABASA MO ANG
The Naughty Tail
RomanceHinahanap ni Leila ang nawawalang kapangyarihan ng kaniyang ninunong hari ng karagatan. Ayon sa hula ay makikita niya ito sa isang lalaking may batuta na nakatira sa lupa. Paano makikita ni Leila ang hinahanap na kapangyarihan? Ilang lalaking may ba...