“Paps, ano tinitingnan mo diyan?”
“Ha?? Ah…wala…wala…halika na, tinatawag na tayo ni Coach!”
Hinatak ko naman na palayo si Fort. Sayang, patawid pa lang siya ng kalsada! Wrong timing talaga kahit kalian itong si Fort.
Sino siya? Sige na nga…
Siya si Hannah Lizette V. Mercado. Nursing. Batch 2014.
Kumpleto ba masyado? Hindi naman. Nakita ko lang kasi yung nameplate niya.
Matagal ko nang crush si Iz. Two months na siguro. Paano ko ba naman siya hindi magugustuhan eh halos lahat na yata ng gusto ko sa isang babae nasa kanya. Stalker ba masyado? Hindi naman……crush ko lang talaga. May magagawa ba ako kung si destiny na mismo ang naglalapit sa aming dalawa?
Una kaming nagkita sa volleyball game niya. Nursing vs Commerce para sa Thomasian Goodwill games. Si Iz yung open spiker ng Nursing. Ang galing galing niya! Once, nag spike siya tapos baon na baon kaya nagbounce papunta dun sa inuupuan ko.
Lumapit siya sa akin ng naka kunot ang ulo tapos sabi niya, “Um…Jeric Teng, right? Sorry…napalakas ata.”
See…kilala din niya ako! I’m sure stalker ko siya…sana.
Pangalawang beses na nakita ko siya nung dalawin naming ni Aljon si Kayesha. Nagulat ako nung nakita ko siya. May hawak kasi siyang violin at kasama ng mga music majors. Suot suot pa rin niya yung nursing uniform niya kaya nag stand out siya sa may hallway. Tapos bigla silang tumugtog. Siyempre, wala akong alam sa music pero ang galing niya! Nakapikit yung mga mata niya habang tumutugtog. Bawat galaw ng mga daliri niya sinusundan ko. Kapag siya ang tumutugtog pakiramdam ko ang gaan gaan ng pakiramdam ko.
Nagmumuka na ba akong fanboy? Jeric Teng the fanboy? Pangit pakinggan pero siguro nga totoo.
I can’t get enough of her.
-------------
“Izzy, may problema tayo!”
“Ano yun, Sam?”
“Kailangan daw nating mag interview ng athlete para sa Orthopedic rotation natin. Yung nagka injury na. May kilala ka ba?”
“Ah, sige, may friend ako na basketball player. Hindi ko lang sure kung na injure na siya. Pero baka may kilala siya. Ako na bahala.”
“Thanks, Izzy. Una na ako. Text mo na lang pag mayroon na tayong pwedeng ma interview. Kami na lang ang gagawa nun.”
Nauna nang umalis si Sam. Yung kapatid ko naman na tiga Med mamaya pa ang uwi so kailangan ko pang hintayin dahil ayaw ko namang mag commute. Tawagan ko na kaya si Paulo?
“Hello, Pau…favor naman. Kailangan ko ng mai-interview. Nagka sports related injury ka na ba? Hindi sprain ah! Si Aljon? Ay oo nga pala. Tumigil ng one year? Oo, pwede na yun! Ha…ngayon na? Sige, sige…papunta na ako.”
Lagot…hindi ako ready. Sabi ni Pau, ngayon ko na raw simulan yung interview dahil kakatapos lang ng practice nila at wala silang ginagawa. Bahala na nga…magtatanong na lang ako ng kung anu-ano.
Nagmadali naman akong pumunta sa may Q. Pav. Ayaw pa nga akong papasukin ng guard dahil ayaw niyang maniwala na may interview talaga ako…buti na lang nakita ako ni Fortuna.
“Uy, ikaw ba yung mag i-interview kay Aljon?” tanong niya sabay subo ng fries mula sa KFC.
“Ako nga! See, kuya, may interview talaga ako.”
“Eh kasi naman ang dami niyong ginagawang palusot hindi ko na malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo. Oh sige, pumasok ka na.”
“Thanks pala,… Jeric?...Fortuna?” hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanya. Dalawa kasi silang Jeric sa team at parang ang pangit naman kung surname ang itatawag ko sa kanya.
Tumawa siya nung nakita niya akong naguguluhan kung ano ang itatawag ko sa kanya, “ Fort na lang. Si Teng ang Jeric dito. “
“Ah…okay! Thanks, Fort.”
“No problem…ano nga pala name mo?”
“Ah…Lizette. Pero, Izzy na lang.”
“Izzy? Ang haba pa rin. Iz na lang tawag ko sa iyo, ok?”
“Bahala ka na nga kung ano itawag mo sa akin.”
“Ako talaga bahala? Eh kung tawagin kitang bff?”
“bff agad? Pwede rin…ikaw nga bahala.”
“eh kung tawagin kitang lovey?”
“ano gusto mong isagot ko….dovey?”
Tumawa uli si Fort ng malakas. Sakto nakapasok na rin kami sa may court. Si Jeric Teng, este, Jeric na lang yung nag shoot ng bola. Todo concentrate siya kasi siya lang ang hindi napatingin sa malakas na tawa ni dovey, este, Fort.
“Uy, mga paps! Tingnan niyo kung sino ang nakita ko sa labas….si Lovey.”
Wait, sineryoso niya???
“Fort naman…akala ko joke lang.” bulong ko sa kanya.
“Lovey naman, nahurt ako. Dapat pag tinawag mo ako…Dovey.” Bulong niya pabalik.
“Fort?”
“Uy, paps! Busy ka sa pag shoot ah. Nga pala si Lovey.” Turo sa akin ni Fort.
Napatingin naman sa akin si Jeric. Tapos tumngin uli siya kay Fort.
“Lovey?”
“Ah, Izzy pangalan niya pero siya si Lovey ko. Diba Lovey?” tanong sa akin ni Fort.
Ako ba pinagtitripan ng lalaking to? Masyadong maloko. Pero sige, makiki ride na lang muna ako. Wala namang masama.
“Yes Dovey!” sagot ko habang nakasmile pero sa totoo lang kinukurot ko na yung tagiliran ni Fort, este Dovey, este, Fort!!!
Arrgh! Ang gulo na tuloy.
“Lovey? Dovey? Lovey –Dovey?” tanong ni Jeric.
Tumango naman si Fort.
Binaba ni Jeric yung bola sabay walk out.
Anong problema nun?

BINABASA MO ANG
Rule Number One
FanficWhat is your ideal girl? Do you look at the personality? Do you go for looks? Both are important but they’re not rule number one.