6

37 23 0
                                    

Olivia's Point of View

Kakaiba ang kilos ngayon ni je. Nakakainis na nga't hindi niya pa ako kinakausap mula kanina pa, kanina ko pa tinatawag ayaw naman mamansin, tila malalim ang iniisip nito. Nagulat na lang ako ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko.

"Olivia!!!" tawag nito kung kaya't hinanap-hanap ko ito mula sa paligid. Nang mahagip ng mga mata ko kung sino yun ay bigla akong napangiti.

Si Elaine! My old best friend!

"Olivia! hi!!!" Sabi pa nito.

"Elaine!" tawag ko rin sakaniya at tumakbo papalapit sakanya, ganun rin siya sa'kin.

"Olivia! hahaha! ahhh~ oliviaaaa!" huni nito sa pangalan ko habang tumatakbo papalapit sa'kin. Nang makalapit na kami sa isa't isa ay nagyakapan kaming dalawa.

Matagal-tagal ko rin siyang hindi nakita dahil lumuwas sila papuntang states. Actually magkakilala din ang mga parents namin kaya naging mag bestfriends din kami dati.

"Hay nako! how are you na?!" Masayang tanong niya sa'kin, napabungisngis naman ako.

"Eto, teka akala ko ba sa states na kayo nakatira?" tanong ko dito.

"Oo, pero you know naman my parents no, tipong papalit-palit ng isip no." sabi niya, natawa naman ako sa pagiging conyo niya. "Ewan ko ba sakanila, basta ako I'm so so so glad to be back home! tamang-tama ang pagkikita natin no?" sabi niya, natawa naman ako.

Halata agad ang kagandahan niyang taglay, kasabay ng pag-hawi nito sa magkabilang buhok niya. parang dati lang ang liit-liit pa namin.

"Actually.. I'm supposed to meet Margaret and Odessa here now, parating na'yon. Oh ano sama ka! labas tayo!" sabi niya pa ngunit tila wala akong oras ngayon dahil syempre marami pa akong aasikasuhin, kaylangan ko pang mag-aral.

"Uhmm.. kasi uh... may lakad pa kami eh." sabi ko kung kaya't nag iba naman ang reaksyon niya, bigla namang lumapit sa'min si je. "Uhmm.. oo nga pala! si-" hindi ko na natuloy pa ang pagpapakilala sakanilang dalawa ng bigla na akong unahan ni je.

"Hi, I'm Jeremiah Theo Baltazar." pakilala ni je kay elaine at inabot pa ang kamay nito sakaniya, abot langit pa ang ngiti ni je dito.

"Oh hi! ahm.. Elaine Cora Monte." pakilala din ni elaine kay je at tinanggap ang kamay nito at nag-shake hands sila, napabungisngis pa si elaine. Ako naman itong na sa gitna ng pagitan nilang dalawa kung kaya't medyo nakaramdam ako ng tensyon.

"Elaine! let's go!" biglang may tumawag kay elaine at yun na pala ang mga bago niyang kaibigan.

"Oh! ayun oh, there's margaret and odessa! oh, papano olivia? tawagan nalang tayo?" masayang sabi sa'kin ni ellaine, tumango-tango nalang ako sakaniya. "Same number?" tanong niya. "Yah!" ngiting sagot ko dito bago ito nag-paalam sa'min ni je.

"Okay! bye~" paalam ni elaine at kumaway nalang ako sakaniya.

"Bye.." rinig ko pang sabi ni je, kung kaya't napatingin ako sakaniya dahil sa hindi parin matanggal-tanggal na ngiti nito sa mga labi niya kung kaya't napakunot ang noo ko.

Napa cross-arms nalang ako at pinipigilan ang kung anong pumapasok sa isip ko na dapat hindi naman. napahinga nalang ako ng malalim at pinilit na mawala ito.

---

Papauwi na kami ngayon ni je ng hindi ko inaasahang kukulitin ako nito tungkol kay elaine. "Uy oleng! Pano ba kayo naging mag-kaibigan nun ha?" pilit na tanong sa'kin ni je ngunit hindi ko ito pinapansin at patuloy lang ang paglakad.

Starting Over Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon