Some of people are saying that being thirdweel is fun. Why? Kasi kasama daw sila sa libre pag may date ang mag partner. Hahaha.
But there's a lot of reasons kung bakit nagkakaroon ng thirdweel sa mga mag partner.
Pwedeng ginawa silang photographer or pwede rin na nahihiya pa yung isa sa magpartner kaya nagsama sya ng kaibigan. Kung sa mga legal naman ay pwedeng hindi hinahayaan ng mga parents nila na silang dalawa lang ang magkasama kaya may pinapasama sila para na rin magbantay sa dalawa.
But, do you think that being thirdweel is always going to be fun?
Do you think that being thirdweel is still fun once you already realized that you are inlove sa isa sa mag partner na lagi mong sinasamahan?
__
"Chloe!" sabay na tawag saakin ng mag partner na sina Kian at Ashley.Nakaupo lang ako dito sa bench at pinapanood silang masayang tumatakbo papalapit saakin. Mukang alam ko na kung ano ang kailangan nila.
"Magpapa ilaw daw ngayon sa plaza, pwede mo ba kaming samahan?" tanong ni Kian saakin.
Hindi naman ako makasagot agad dahil alam kong papahirapan ko na naman ang sarili ko kapag pumayag ulit ako. Hindi naman sa pinapahirapan nila ako, they are my girl and boy bestfriend kaya hindi naman ako na a-out of place tuwing kasama ko sila at hindi rin problema saakin na maging thirdweel nila.
The problem is my feelings for Kian. And yes, I'm inlove with him. At habang tumatagal ang pagsama ko sakanila ay lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya.
I don't want to confess my feelings for him because it can ruin our friendship and Ashely might get mad at me. So I'd rather choose to hide it and keep silent.
"Sige na Chloe, Please? Saglit lang naman toh promise." pagmamakaawa saakin ni Ashley.
"Ililibre ka naman namin tulad ng dati eh" dagdag ni Kian.
"Haysss, sige na nga." napangiti naman sila dahil sa sagot ko. "May libre eh, tatanggihan ko ba yun?" dagdag ko. Napatawa naman sila dahil doon.
Nandito na kami ngayon sa plaza at hinihintay na magpa ilaw. Maya- maya ay nakarinig kami ng nagka-countdown.
"10! 9! 8! 7! 6! 5! 4! 3! 2! 1!"
At biglang nagliwanag ang buong plaza. Rinig na rinig ko ang pagka mangha ng mga taong nandito dahil sa ganda at makulay na ilaw dito sa plaza. Nakakamangha naman talaga kasi ang ganda.
"Chloe, pa picture na saamin. Please?" sabay abot nila ng camera saakin. Kinuha ko naman iyon at kinuhanan sila ng litrato.
"Tayong tatlo naman" saad ni Kian sabay kuha saakin ng camera.
"1,2,3, smile!"
Pagtapos naming mag picture ay nilibot namin ang buong plaza. Syempre hindi mawawala ang pag pa picture nila sa kada sulok ng plaza na madadaanan namin.
Maya- maya ay nagyaya na si Ashely na kumain. Street foods lang naman ang kinain namin dahil yun ang paborito naming kainin. Habang kumakain ay biglang nag ring ang cellphone ni Ashley. Bahagya pa syang lumayo saamin bago sinagot ang tawag.
"Pano ba yan, Mauna na ko sainyo. Tumawag si Mama, kailangan ko na daw umuwi dahil aalis sya at walang magbabantay sa kapatid ko" malungkot na sabi ni Ashley pagbalik nya saamin.
"Ah ganon ba? Ihatid na kita" saad ni Kian kay Ashley.
"Sige na, mauna na kayong dalawa. Ihatid mo na si Ashely at baka pagalitan pa yan" nakangiting sabi ko sa kanila.
"Sigurado ka? Pwede namang sumabay ka na saamin." si Kian.
"Hindi na. Ayos lang ako dito. Masyado pa kong nagagandahan dito sa plaza kaya maya maya na ko uuwi." sagot ko sa kanila.
"Osige mag- iingat ka ha? Bye!" Paalam nila saakin.
___
Nandito ako sa park at nakaupo sa ilalim ng puno habang nagbabasa ng libro. Maya- maya ay naramdaman kong may tumabi saakin. Nilingon ko naman iyon at nakita ko si Kian na parang may gustong sabihin. Tiningnan ko sya ng nagtataka dahil hindi sya nagsasalita."I know you want to say something. Spill it."
He took a deep breath bago nagsalita."Next week na kasi ang 1st anniversary namin ni Ashley. I want to surprise her and I need your help. Pwede mo ba kong tulungan?"
Hindi agad ako nakasagot sa sinabi nya. Gusto kong tumanggi dahil magiging labag lang sa loob ko ang pagtulong dahil masasaktan ako. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko matatanggihan ang bagay na ito lalo na't alam kong para ito sa mga kaibigan ko.
"Chloe?" nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang pangalan ko. "Kung hindi mo ko matutulungan, ayo-"
"No--I mean yes! Tutulungan kita." mabilis kong sabi sa kanya.
"Really?" Tumango na lang ako. "Yes! Thank you Chloe!" Literal akong nagulat ng bigla nya akong niyakap.
"Ahmm..."
Mabilis naman syang humiwalay sa yakap at halata sa mukha nya na nagulat din sya.
"I'm sorry"
Nginitian ko na lang sya para sabihing ayos lang.
"So, ano bang plano mo?"
Sinimulan nyang iexplain ang mga gagawin namin. This whole one week ay lagi kaming magkasama para makapag prepare sa gagawin nyang surprise para kay Ashley. Alam kong mahirap para sakin na gawin toh pero wala akong magagawa dahil ayoko namang tanggihan si Kian. Besides para din ito sa kaibigan ko.
Bukas na ang 1st Anniversary nila kaya tinatapos na namin ngayon ang disenyo dito sa lugar kung saan gaganapin ang surprise.
"Finally, we're done. Thank you Chloe"
___
Masaya naming pinapanood ang dalawa naming kaibigan na sumasayaw sa gitna. Hanggang ngayon ay hindi matigil si Ashely sa pag-iyak dahil sa sayang nararamdaman. You can see in their eyes and smile how they really love each other.Pinagmasdan ko si Kian. He can't stop smiling. You can see in his smile how he really love his girl. I must say that my friend Ashely is one of the luckiest girl I've ever know. I can't stop my tears from falling while staring at him. I'm happy for the both of them. I really am. But I know that this is not just a tears of joy. This is also a tears of thinking that I am not the girl of the man I really love.
And now I realized that being THIRDWEEL is not always FUN.
___
Sorry for the wrong grammar.
Thanks for reading!