Abril 30, 2022
Tatlong Linggo ko na siyang gusto kausapin. Tatlong araw ko na siyang iniiwasan na hindi ko manlang alam kung bakit. Bakit nga ba...? Dinownload ko nga ang Left 4 Dead 2 na laro para makalaro ko siya pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba sa t'wing iniisip ko iyong bagay na iyon. Halos limang taon ang agwat ng edad namin kaya hindi ko alam kung anong gagwin ko para lang makausap siya. Sino bang hindi kakabahan kapag ganoon kalaki ang age gap namin? At isa pa, hindi ako sanay kumuusap ng ibang tao maliban lang sa dadalawa kong matagal ng kaibigan.
Alam kong hindi tama itong nararamdaman ko para sa iyo. Kung kaya't nais ko pa rin ilihim itong nararamdaman ko para sa iyo. Wala akong pinagsabihan kahit sa kaibigan ko ang paghanga ko sa'yo.
Gusto kong sumulat ng liham tungkol rito upang dito ko na lamang ibuhos itong sakit na dinadamdam ko patungo sa iyo dahil lubos na nasasaktan ako sa tuwing inaalala ka. Hindi ko maiwasan na tignan ang applikasyon para matignan ko kung online ka ba o kung ano ang iyong nilalaro.
Ano ba ang nais kong gawin para makausap ka ulit? Tila walang araw na lumipas na hindi kita naaalala.
Nagdadalawang isip,
Kaelyn
Agad kong pinindot 'yung save pagkatapos kong magdrama sa notes ko. Gawain kong mag sulat sa diary ko pag gusto ko lang naman. Agad rin kasi akong dinadalaw ng katamaran sa tuwing hawak hawak ko na ang cellphone ko o kaya 'yung laptop.
Siya nanaman ang laman ng diary ko ngayon. Puro nalang siya. Siya lang naman ang taong nakilala ko sa internet matapos ko siyang makalaro sa isang video game.
Bumuntong hininga ako pag katapos kong i-close 'yung laptop ko. Heto nanaman 'yung feeling na may gusto kang gawin kahit na maraming naghihintay na activities sa'yo.
Tumayo ako sa inuupuan ko at agad na nagsuot ng lilac floral skirt at simpleng blouse. Kinuha ko 'yung susi ng dorm kasama 'yung saddlebag ko.
Lumabas ako ng dorm kasabay ng pag labas ng lalaki sa tapat ng pintuan ko. Sabay kaming naghintay sa tapat ng elevator. Habang hinihintay 'yung elevator, napatingin naman ako sa lalaking kasabay ko kanina. Tinatapik tapik nito ang sapatos na suot niya kaya gumagawa ito ng ingay.
Tinignan ko ito mula paa hanggang ulo. Nakasuot ito ng black and lavender na striped shirt na mahaba ang manggas at white sweatpants. May nakasabit rin na cinch bag sa kanyang balikat. Hindi ko maiwasang mamangha nang mapatingin ako sa kanyang maamong mukha. Makapal ang kilay neto habang parang inaantok 'yung kanyang mata at matangos rin 'yung ilong. Binasa niya ang kanyang mapula pulang labi.
Grabe naman pormahan netong lalaking 'to! Ang bango bango pa niya, amoy baby na bagong ligo! Huwaa! Nahiya tuloy ako sa itsura kong hindi pa naliligo hanggang ngayon. Pasimple kong inamoy sarili ko nang patagilid. Hindi naman siguro halata, 'tsaka hindi naman ako pinagpawisan. Buong araw naman ako naka aircon.
Binalik ko naman tingin ko sa lalaking katabi ko at napataas ang kilay ko nang mapagtanto na nakatingin ito sa akin. Agad siyang umiwas ng tingin nang mahuli ko siyang nakatingin sa'kin. Sakto namang bumukas 'yung elevator. Kanina pa kaya siya nakatingin sa'kin?
Papasok na sana ako sa loob nang matapilok sa rubber metal sa loob ng elevator. Basa kasi ito tsaka may butas butas pa ito! huhuhu.