Untitled Part 2

17 0 0
                                    

"Sure ka bang 'yan na lahat ang mga gamit mo, Ivy?" Tanong ni tita Therese. Pinsan siya ng mama ko na nakatira sa Manila kasama ang pamilya niya. Bitbit ko ang duffle bag ko na damit ang laman at ang backpack kong gutay gutay na sa katandaan. Kay papa pa kasi 'to, lagi niyang ginagamit noong nagtatrabaho pa siya bilang magsasaka. Pero ngayong wala na si papa, ginamit ko na 'yong bag. Ngayong wala na sila ni mama..

"Opo 'ta, tutal 'onti lang naman po natira na damit sa akin, 'tsaka puwede naman po akong maglaba ng damit para maisuot ko po ulit," Nahihiya kong tugon sa kanya. Tumango na lamang siya kaya ngumiti na lang ako at pumunta na sa trunk ng sasakyan para ilagay ang mga gamit ko.

Pag kasara ko ng trunk, sumakay na ako sa backseat ng sasakyan. Si tito Gavin na asawa ni Tita Therese ang nag dadrive ng sasakyan habang nasa passenger seat naman si Tita. 

Tumingin ako sa bahay namin na wala ng bubong at halos mga natumbang kahoy lang ang makikita. Ang bahay kung saan ako lumaki, nasermonan ni mama dahil ginawa kong pamunas ang telang tinatahi niya sa kambing ni papa, at napalo naman ng sinturon ni papa noong pinalabas ko ang mga manok niya na nagtago sa kapit bahay. 

Pinikit ko na lamang ang mga mata ko at sa pag pikit ko ng mata, doon na tumulo ang mga luha ko.


Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa pag pikit ko kanina. Nagising na lamang ako ng nakahinto ang sasakyan at kami nalang ni Tita ang nasa loob ng sasakyan. Tumingin ako sa bintana at kitang nakapark pala kami dito sa isang Jollibee. Mukhang makakakain pa yata ako ng Jubilie.   

Umayos ako ng upo dahil nangawit ako kanina sa paghiga ko. "Gising ka na, Ivy?" nakalingon pala 'to si Tita sa akin.

"Opo, kagigising ko nga lang po." Ngumiti ako ng maliit kaso sumakit bigla 'yong ilong ko nung ngumiti ako. Hinawakan ko 'yong ilong ko at nahawakan ko ang natuyo kong sipon at kulangot kanina! Pinunasan ko agad iyon at umiwas ng tingin kay tita. 

Sakto namang bumukas ang pintuan ng sasakyan at sumalubong sa akin ang amoy ng chiken! Omg! minsan ko lang maamoy 'to kaya sulitin ko na ang pagaamoy dahil mamaya mawawala an 'yon.

"Sakto ang gising mo, Ivy. Malapit naman na tayo sa bahay. Bumili lang kami ng Hapunan dahil tinatamad na ang tita mo mag luto," Sabi ni tito habang inaayos ang pag lagay ng mga plastic ng pagkain. Tumango na lang ako at ngumiti.

Nakadungaw nanaman ako ngayon sa bintana habang nakasandal ang ulo ko habang tinatanaw ang mga dinadaanan. Hay... Namimiss ko na sila Daoming Si na masungit, Huaze Lei na nagsisilbing alarm clock ko sa umaga, Ximen Yan na walang pakielam sa buhay, Feng Meizuo naman na paborito ni papa dahil madalas siyang nanalo sa cockfighting e ang FENGet niya dahil marumi ang kulay nito. At si Shancai naman na ang prinsesa ng apat. Ang manok ko. 

"Oo nga pala, Ivy mag shashare pala kayo ng kwarto ng bunso kong anak na mas matanda sa iyo. Ayaw kasi ni Alliee na mag share kayo, kaya kay Sonya ka makikishare ng room. Mabait naman 'yong dalawang yon, masyado ko lang yata pinag lihi si Allie sa sama ng loob kaya pag pasenysahan mo na kung may masabi siya nayo na hindi maganda," Biglang sabi ni tita. "Nga pala Ivy, ilan taon ka na ulit? Balita ko kasi nahinto ka raw sa pag aaral."

Natahimik ako bigla. Hindi pala ako nakatapos ng college, kasi kulang ang tuition tsaka hindi rin nakapag scholarship dahil bumagsak ako. Hindi naman kasi ako masipag mag aral, dinadalaw lang talaga ako ng katamaran. O sadyang bobo lang talaga ako. "Ah 21 po ako tita. Tama po kayo, nahinto ako sa pag aaral, hindi kasi kinaya nila mama ang tuition ko pang college. Kalahating sem lang po natapos ko." 

"Bakit hindi ka kumuha ng scholarship, Hija?" Tanong ni tito. Sabi ko na nga ba ito ang tatanungin nila. Akala nila matalino ako dahil nanggaling ako sa probinsya, nako very wrong sila sa part na 'yun. Dahil puro kabulastugan ako nung highschool. Ano nga bang katarantaduhan kong ginawa sa mga classmates ko noon?

oh yesWhere stories live. Discover now