It was six in the morning when I woke up. It is Friday, but I do not have plans to go to school. Hindi lang ako mag-eenjoy.
I went down immediately after I washed my face and brushed my hair. Nadatnan ko si Mama na nag-aayos, papuntang school.
Bumungad agad ang bibig ni Mama. "Ikaw, kanina pa kita ginising, bakit hindi ka tumayo? Talagang wala kang balak pumasok?!"
"Ma, naman, e. Akala ko ba ayos lang? Nag-usap na tayo kagabi. Hindi papasok mga kaibigan ko, magiging loner lang ako sa room." kabado akong sumagot habang nakatayo lang sa last step ng hagdan.
"Bakit kasi makikigaya ka sa kanila? Imbes maka-perfect attendance ka, wala na." hindi na sa amin mahalaga 'yun. Tapos na kami sa phase namin na pati sa Perfect Attendance uhaw na uhaw kami.
Nagtungo na lang ako kusina para magtimpla ng kape.
Wala rin namang gagawin masyado dahil half day lang ang pasok namin every Friday. Isa pa, Edukasyon Sa Pagpapakatao lang ang subject ngayon. Two hours lang 'yon and after 'non, pwede na naming gawin lahat ng gusto naming gawin.
Nagsimula na akong kumain. May tira na itlog, tocino, at fried rice. Pagkatapos ko, pinakain ko si Pico na kanina pa tahol ng tahol sa kulungan niya.
"Maliligo ka mamaya, huh?" paalala ko sa kanya habang hinihimas katawan niya.
"Alis na ako, Aminah. Lock all doors, especially the gate. Kumain sa tamang oras. Nagluto ako diyan ng adobo, hanggang dinner na natin 'yan. Huwag pumunta kung saan-saan, huh? Ibibilin kita kay Nana Yolly."
"Opo, Ma. Ingat."
Galit na hindi ako papasok pero ready na ang pagkain ko
I locked the gate and front door. Pagpasok ko sa loob, naglinis ako. I also washed the dishes.
Sandali akong humiga sa sofa dito sa sala para magbukas ng social media ko. Magcha-chat rin ako sa group chat namin ng mga kaibigan ko.
Aminah Gayle(Feb.10): What's the plan? Dapat may ganap, mga ses. Sayang, hindi pa naman tayo pumasok. I don't have anything to do here all day.
Celestina(Jan1): I played all night. Matutulog lang ako ngayon.
Aminah Gayle(Feb.10): Coffee Shop sana. Mga 1 pm later. G?
Nishaia Loiree(June 22): G ako.
Celestina(Jan1): I'll try. Inform ko kayo later kung makasama ako.
Aminah Gayle(Feb.10): Hay, mga pasaway.
Nag haha react na lang sila sa chat ko, naintindihan nila ibig kong sabihin.
It was only 7:00 o'clock so I got up to pick up Pico. We will take a walk outside. Kina-kawag kawag naman niya buntot niya senyales na tuwang tuwa siya makawala. Sandali ko siyang kinarga at niyakap.
"Ang cute ng Pico ko. You're growing too fast." kinabit ko na ang tali niya.
Nilibot namin buong Baranggay namin. Paminsa'y minsan humihinto kami para magmano ako sa mga kakilala ni Mama na nakakasalubong o nadadaanan namin. Si Pico naman, halatang nage-enjoy dahil tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Matatag talaga sa lakaran 'tong si Pico.
I decided to rest first on a farm we came across. After removing Pico's rope from his neck, I let him play around.
I took a deep breath and stretched my body. I let the sun warm my skin. Healthy pa naman ang araw sa mga oras na ito. Napakasariwa ng hangin. Napakaganda ng tanawin. Nakakawala ng stress.
Well, hindi naman ako totally stressed. Nage-enjoy ako sa buhay na meron ako. Wala ako problema sa school. Wala akong problema sa bahay. Minsan, overwhelmed lang ako sa school works. Pero wala akong magawa, choice ko naman na late simulan. It's my choice not to review during exams or quizzes. Hindi ako ganon kasipag mag-aral pero hindi ko naman pinapabayaan. Masasabi kong I am able to manage my teenage life and my studies well. Balanced pareho.
I took a picture of the view. I also took a picture of Pico happily playing in the grass. Pati na rin picture na karga karga ko si Pico. Napagpasyahan ko ng umuwi nang mag alas nuebe na. Liliguan ko pa si Pico.
Nang makarating kami sa gate, I saw a familiar man walking towards me. He's wearing a face mask. Half pants na color khaki. Nakapolo shirt na color navy blue and Nike Air Zoom Pegasus shoes.
"Hi, Aminah. Nandiyan ba si Ma'am?"
Oh, naka Maserati Ghibli.
I did not respond. I just stared at him, recognizing him.
Nahalata niya na hindi ko siya makilala. "Ciev." tumawa siya ng mahina. " Kuya Ciev ito, Aminah." He removed his face mask and smiled.
Cievilo De Real?! Hindi ko nakilala! Ang laki pinagbago.
Naabutan ko pang Grade 12 si Kuya Ciev noong mag Grade 7 ako. Grade 9 ako ngayon, graduating na siya ngayon ngayon.
"H-hala, sorry po. Kuya Ciev pala...Wala po si Mama dito, nasa school."
Tumango tango siya. "I just passed by to check if your mom was here...Thank you, Minah." Ngumiti ako at nagbow konti. Tumalikod na siya at naglakad paalis.
Pumasok na kami ni Pico. Narinig kong umalis si Kuya Ciev.
When I got done taking a bath and feeding Pico, I also took a shower. I spend my time watching a movie. Mag-aalas dose na pero wala pa rin silang chat.
Nang matapos ko ang movie, nagtanong ako sa group chat ng section namin tungkol sa tinalakay nilang lesson ngayong araw. Magbabasa na lang ako at magsasagot ngayong hapon kung hindi kami matutuloy lumabas ng mga kaibigan ko.
Mabilis natapos ang hapon. Ilang minuto na lang, pauwi na si Mama. Hindi kami natuloy ng mga kaibigan ko lumabas kaya inaral ko na lang sa lesson na binigay sa akin ng mga kaklase ko. Nagreview din ako para sa Quiz namin sa Science sa Monday.
I lay down on the sofa. I close my eyes for a moment to rest my eyes.
"Huwag na magtanggal ng sapatos!" Agad akong napatingin sa pinto.
Nag-unat ako katawan. Kasabay naman no'n ang pagpasok ng students ni Mama... old students.
Sunod sunod pumasok ang tatlong babae at dalawang lalaki. Si Kuya Ciev ang pinakahuling pumasok. They are all looking at me.
Tumayo ako agad at saka pinaupo sila. "Upo po kayo." I smiled as I held my left hand to the sofa. Umupo na silang lima.
Nakakahiya, hindi man lang ako ginising muna ni Mama.
"Saan ka galing, Aminah?" Tanong ni Mama na galing kusina.
"Nakatulog po ako dito sa sofa. Hindi mo ako napansin." Naghalf smile lang si Mama. Tinulungan ko siyang maghanda ng merienda ng students niya.
Ang isang kasama nilang naka-uniform pang Senior High School ay nakangisi akin.
Siya 'yung palaging hinaharangan dadaan ako sa bawat pagkakataon na makakasalubong ko siya. Dasmein ang name nito, naririnig ko lang.
Nang matapos, umupo na rin si Mama. Nagkwentuhan lang sila. Rather than do anything, I decided to stay in Mama's Work Room, which I often use.
Nilibang ko ang sarili ko sa pagsu-surf sa Facebook habang nakikinig ng music. Habang nags-scroll ako, biglang tumunog ang laptop, hudyat na may new notifications ako.
Dasmien De Real sent you a friend request
Agad akong napatingin sa sliding door na natatanaw si Mama at mga bisita niya mula sa sala. I raised an eyebrow on him.