Entry 7 - falling to kwangmin

466 11 3
                                    

JESSELYN'S POV

Nakakatakot nga pala talaga si Devon dahil biglang lumamig ang likod ko.

"Ayy sorry!!" Ha?! May tao sa likod ko... Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Kwangmin na pinipigilan ang tawa habang kinakamot ang ulo niya. May hawak hawak siyang ice cream cone.

"Kwangmin?!" Sigaw ko.

"Haha!! Sorry hindi kasi ako tumingin sa dinadaanan ko. PEACE!!" ^_____^V

"Ha?!" Hinawakan ko ang likod ko. "EWWWWWWWW!!!!! ANG LAGKIT!!" May ice cream sa likod ko. "Ang sama mo!! Bakit mo ba ako palagi tinataponan ng malagkit?!" Galit na sabi ko sa kanya.

 "Sorry, hindi ko sinasadya. Gusto mo bilhan na lang kita ulit ng damit." ^___________^

"Naku! Wag na! Mag hiram na lang ako ng damit sa clinic." Tumalikod na ako patungo sa clinic.

"Wait! Bilhan na kita ng damit." Hinila niya ang kamay ko at lumabas sa skul. Hinila niya ako papunta sa isang sasakyan. Binuksan niya ang pinto nito at tinulak ako sa loob.

"Wait!! Saan mo ba ako dalhin?!" Galit na tanong ko.

"Bibilhan nga kita ng damit." ^__________^ *smiles* OMG!! Killer smile talaga. Hindi na ako naka imik dahil nahihiya ako. Oo!! Marunong din ako mahiya anoh!! 

"Ahh... oo nga pala." Tinangal niya ang jacket na suot suot niya at pinasuot niya sa akin. KILIG na akey!! YIEEE!!

Wala kami nag salita sa isa't isa hanggang dumating kami sa isang korean shop. Dito nanaman? Paborito talaga niya dito ahh.. Nag simula na siyang pumili ng damit. Umupo nalang ako sa upuan na nandoon. 

Naglaro ako sa cellphone ko ng games. 

"Suotin mo yan." Tinapon niya sa akin ang isang damit. Hinila niya ang kamay ko at tinulak papunta sa dressing room.

Tiningnan tingnan ko ang damit na ibinigay niya sa akin. WOAH!! Bakit masyadong formal ang dress na ito? Maitim siya na mini dress. Fluffy skirt and tube lang. 

"Hoy!! Bakit ito ang ipapa suot mo sa akin?" Reklamo ko.

"Basta!!" 

"Anong basta? Ayaw ko pala!!" Reklamo ko ulit.

"Bahala ka!! Mag suot ka ng damit na madumi!!" 

"Tch!! Sige na nga!!" Grabe kung maka utos wagas. Oo sikat siya pero wala siyang karapatan para utos utasan ako no.

Sinuot ko nalang ang dress at lumabas na sa dressing room. "Masaya kana?" Sabi ko sana sa kanya ngunit wala na siya. Asan kaya yun pumunta?

"Miss, come this way please." Nag salita ang isang sales lady at hinila niya ako.

"Wait!! Pero si Kw- ay yung kasama ko kanina?" 

"Makikita mo lang siya mamaya. For now, come with me." Sabi pa sa miss. Sumabay na lang din ako sa kanya. 

Pinaupo niya ako sa isang upuan at inayusan ako ng buhok sa isang hairstylist. Mahaba ang buhok ko at straight. Pinakulot ito sa hairstylist at nilagyan ng bangs. 

Nilagyan naman din ako ng make up ng makeup artist. Sabi daw niya light make up lang daw para mag bagay ito sa akin. Sabi nga daw niya na kasing ganda daw ako ni Khim Chiu. Hahaha, flattered naman din ako.

Pag katapos ako inayusan hinatid ako ng saleslady sa isang room. Sa room na ito may naka upo na isang lalaki na naka itim. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya. 

Iniwan ako ng sales lady doon. Lumapit ako sa lalaki. "KWANGMIN?" Tanong ko.

Lumingon ito sa akin.

DUDUG 

Parang nag slow mo ang pag ikot niya sa ulo niya habang naglakad ako palapit sa kanya.

1

2

3

BOOOMMMMMMM!!!!!!

Aray! Natapilok ako! Walang hiyang heels. Bakit kasi ang taas neto. Buti na lang nasalo niya ako at dahil dun nagtama ang mga mata namin. Nagkatitigan lang kami. Ngayon ko lang namasdan na ang guwapo pala niya. Anubeyen!! Kala ko Youngmin lang ako! Pero parang mas lumalamang na ata si Kwangmin sa puso ko.

-------------------------------------------------------------

VOTE or COMMENT PLEASE

Will you be my BOYFRIEND? (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon