jinx\ˈjiŋ(k)s\
noun
someone or something that causes bad lucko(〃^▽^〃)o
Hindi naman ako troublemaker na tao eh, sadya nga lang talagang kakambal ko ang gulo. Kapag kasi nandyan ako sa tabi-tabi ay may gulong nagaganap. Hindi ko alam kung coincidence nga lang ba o sadyang najijinx sila sa presence ko. Laging may away. Halos nga lahat nang malaking away sa school ay na witness ko na. Either kasi nandun ako sa lugar na pinangyarihan or kasali ako sa gulo. Alam nyo naman ako, reyna ng kamalasan. Dahil laging ganito ang sitwasyon, inienjoy ko nalang ang scene na nangyayari sa harap ko
"Hoy, Cams!" Bigla akong pinalo ni Kathryn sa likuran. "Pangiti-ngiti ka dyan eh halos nagpapatayan na mga kaklase mo oh." Tinuro ni Kath ang dalawang grupo ng mga kababaihan na nagsasabunutan malapit sa may school fountain.
"Hayaan mo sila hahahaha" tinawanan ko lang ang kaibigan ko at pinagpatuloy ang panonood sa mga babaeng nagsasabunutan. Mga kaklase ko kasi ang ilan sa kanila kaya nageenjoy akong manood. Warfreaks eh. Parang action movie lang ang nagaganap ngayon. Si Gwyneth, ang lider ng isang grupo, ay halos matatanggalan na ng anit dahil sa lakas ng pagsabunot ng isang myembro ng kabilang grupo sa kaniya. Same scenario goes to the other girls na halos ay gumulong na sa pathway dahil sa walang tigil nilang paghila sa mga buhok ng bawat isa. Oh diba, action scene.
"Ano nanaman ba ang pinagaawayan ng mga iyan?" Tanong ni Kathryn while opening her bottle of pepsi drink.
"I heard tungkol nanaman sa isang lalaki ha-ha-ha, mga desperada." I answered without looking away at the action scene I am witnessing.
"Hoy, Camille ano nanaman ba ang binulong mo sa hangin at may away nanaman?" I followed that voice and it went straight to my other friend's mouth.
"Isang Hoy pa galing sa inyo, isasali ko kayo dun sa mga nagpapatayan" I muttered. I really hate it when someones 'hoy-ing' me or psst-ing me. Parang wala naman akong pangalan nyan. Aso lang?
"Scary." Kathryn commented.
"Anong away nanaman ang nagaganap?." Victoria said.
"As usual." I shrugged. Nilagok ko ang coke, na kanina pa nakapatong sa mesa ko, habang pinapanood ko ang mga babae."Anyway, sa next week na simula ng training ng COCC." Panimula ni Victoria. We gathered around the table. Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa kung ano mang topic ang meron kami ngayon. Sa background, naririnig ko parin ang sigawan ng mga chaka. Vacant period naming tatlo tuwing alas dos ng hapon. Ang saya nga eh kasi kahit di na kami magkaklaseng tatlo, nagsasama parin kami. Sayang wala yung isa ko pang kaibigan, si Alyannah.
"Torture yan ha." Kathryne said.
"Okay lang hahahaha officer nanaman na ako." Victoria said proudly. Oo nga pala, Victoria is a 4th year highschool student na myembro ng ACP or Aerospace Cadets of the Philippines. Oh ha. Laysho (sosyal) ang sinalihang club ni Victoria. Si Kathryne naman ay 4th year student din, myembro sya ng Supreme Student Government, secretary ata sya. Ako? Ako ay 4th year student na, sana kaso bad girl.
Sa gitna ng aming chikahan ay nakaramdam ako ng basa sa likuran ko at sumunod ang sticky feeling na tumutulo sa leeg ko na nagmula naman sa buhok ko. Have I told you na I just enjoy watching a fight scene, basta ba di ako kasali o di ako nasasaktan? Kasi pag nangyari ang isa sa mga yan tyak, majijinx talaga ang buong school. I looked around and the canteen felt dead silent. Every pair of eyes was on me. Tiyak ina abangan nila kung ano ang mangyayari. May lumapit saking babae na para bang nahuli ng awtoridad na may ginawang masama kaya nanginginig sa kaba
BINABASA MO ANG
Mind, heart and eyes.
General Fictionsometimes iniisip natin na hindi tayo capable of loving kasi may mali sa ating pagkatao but sometimes we already feel the love, we are just too afraid of accepting it because we want to see first an evidence of loving.