"Napa..daan..lang po.ako" nauutal kong sinabi. Kinakabahan.
Mas lalong nakakapag pakaba sa akin ang kanyang ekspresyon. This old man looks stern. Masungit itong nakatingin sa'kin. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Sampung minuto ka nang nakatayo, hija" mahinahon ngunit mariin niyang sinabi
Napalunok ako ng napagtanto ang sinabi niya.
Pinapanood niya ako mula sa loob?? Inilibot ko ang paningin sa paligid para maghanap ng cctv..and then...hello there!? Nakatutok sa akin ang cctv.
Napanganga ako. Sinong mag aakalang may cctv pala ang lumang mansion na 'to? Hindi ko kailanman naisip ito, o ng mga kaibigan dahil matagal na nga itong abandonado.
"Nakita ka ni sir, sa cctv, na kanina pa nakatayo diyan" sabay turo niya sa kung saan ako nakatayo ngayon" kaya pinapuntahan ka niya sa akin. May kailangan ka hija?" Mas lalong nalaglag ang panga ko sa sumunod niyang sinabi... Mula sa cctv, ibinaling kong muli ang tingin sa matanda.
Kunot ang kanyang noo nang tumingin ako
Sir? Hindi lamang siya ang tao dito? Posibleng.. ang nakita ko kahapon ay ang sir na tinutukoy niya?
"I'm.just-uhm"Shit! Halos hindi ako makapag salita sa kaba. He's probably watching me right now" namamangha lang po ako sa ganda ng mansion, lo" dire-diretso kong sinabi. Kahit na ang totoo, kanina ko pa inaabangan kong lalabas ba iyong lalaki kahapon.
Tumango tango ito."Gusto mo bang pumasok sa loob?" Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko sa alok niya..
Mabilis akong umiling" Hindi na po. Aalis na rin po ako. May pasok pa po ako e" sabay tingin sa aking orasan..
Shemmsss! Isang oras na pala akong nakatayo rito.
"Pasensya na po. kung naabala ko kayo." Mabilis akong tumakbo palayo. Hindi na inantay ang sasabihin ng matanda..
Hinihingal pa ako ng umupo ako sa upuan. Isinandal ko ang aking katawan sa sandalan at pumukit
Iniisip kong mabuti ang nangyari kanina. It was real. There is no Ghost, aswang, or what so ever is that kind of living things. Mali ang haka haka nila tungkol sa mansion na 'yon!
O, baka naman kwentong barbero lamang iyon, para takutin kaming mga kabataan upang umuwi kami ng maaga pagkagaling sa eskwela!
Umayos ako ng upo nang matanaw ang dalawa kong kaibigan na pumapasok sa room. Matalim ang tingin nila sa akin.
Nginitian ko sila. Alam ko na magagalit ang mga ito sa pang iiwan ko, kaya inihanda ko na ang sarili ko para mag paliwanag.
"Really?" Hindi makapaniwalang tanong ni Elly.
Tumango ako.
Pagkatapos ng klase ay dumiretso kami sa tambayan. Nakahiga kami rooftop nitong building. Mabuti nalang at hapon na. Papalubog na ang haring araw kaya malaya kaming nakakahiga ng hindi iniinda ang init ng araw.
Ikinuwento ko sa kanila ang nakita ko kahapon at ang nangyari kanina. Hindi sila makapaniwala. Sino nga bang maniniwala, e, halos ituring na ngang misteryo ang mansion na 'yon. Tapos ngayon biglang magkakaroon ng tao?
"Bakit naman hindi mo agad sinabi kahapon?" Si Samantha.
"I want to make sure, kung tama ano ba talaga ang nakita ko kahapon. Kung sinabi ko kaagad na may nakita akong multo, o aswang. Baka kumalat agad 'yon sa buong nayon. Mas lalong dadami ang haka haka. Kasalanan ko pa kapag sinugod iyong mansion at ipasunog" paliwanag ko.
Tumango tango ang dalawa. Sinasang ayunan ang mg sinabi ko.
It's true. Sapat na ang mga kwentong kumalat noon na hindi naman totoo. Dahil sa nangyari ay awtomatikong nawala ang takot at kaba ko. Pero ngayon wala nang dahilan para matakot sa tuwing dadaan doon.
YOU ARE READING
A Beautiful Nightmare
RomanceHave you ever dreamed? dream that you will never want to wake up again. When have you been afraid to wake up in a dream? Ang sabi nila kabaliktaran daw ang paniginip. Hinihiling natin na sana hindi magkatotoo ang atin napapanaginipan lalo na kung it...