PROLOGUE

2 0 0
                                    

I eat shawarma at seven eleven while listening to music.

My eyebrows immediately met when the music I was listening to stopped because there was a nuisance calling.

Inis na kinuha ko ang selpon na nasa mesa.

Ng makita ang pangalan ng tumatawag ay dahilan ng paginit ng dugo ko na nag si akyatan na ata lahat papunta sa ulo ko. geez meron pa naman akong menstruation today kapag ito talaga bumulwak kakalbuhin ko talaga ang babae na yun.

"What do you need." bungad ko rito ng sagutin ko ang tawag.

"And if possible pwedeng pakibilisan at may ginagawa ako istorbo ka eh." pahabol na sabi ko.

"A‐ah uhmmm ate ano k-kasi." I rolled my eyes.

"Ate hindi ko sinasadya—"  saad nito sa kabilang linya at humagulgol ng iyak.

"Why, what happened and u-uh what do you mean sa hindi mo sinasadya." naguguluhang tanong ko rito na nakakunot ang noo.

"I-I didn’t mean to push her sa hagdan, please help me ate I don't know what to do kailangan kita." Humihikbi at halata ang pagsisisi sa tono ng pananalita nito.

Although I was still confused by what was happening I immediately asked her kung nasaan siya ng mapuntahan ko ang kinaroroonan niya.

Pagkasabi niya ng lugar kung nasaan siya ay nag mamadali kong sinubo ang kinakain sa bibig at tumayo sa kinauupuan.

Dumiretso muna ako sa bahay na malapit lang sa seven eleven upang makapag palit dahil hanggang ngayon ay suot ko parin ang damit na pantulog.

Ng makapanik sa taas ay agad kong hinalukay ang lalagyanan ng damit upang humanap ng maisusuot. Ang napili ko ay ang oversized shirt na kulay puti at may tatak na skeleton sa harapan na pinartneran ko ng maong short. Ng matapos mag bihis ay nagmamadali akong bumaba sa hagdan.

"Good morning iha, have you had breakfast yet." bungad saakin ng step mother ko na may nakaguhit na ngiti sa labi.

I ignored it gaya ng ginagawa ko palagi kapag nag tatanong ito o di kaya'y kapag sinusubukan ako nitong kausapin.

At ng makababa sa hagdan ay nilagpasan ko nalamang ito at nag patuloy na sa paglalakad.

Nakita ko naman si manong na nag kakape habang nakasandal sa pintuan.

"Oh ih—" hindi niya na natuloy ang sasabihin ng masamid ito at agad akong hinabol dahil kinuha ko sa bulsa niya ang susi ng kotse.

Dahil nga sa matanda na ito ay mabagal na itong tumakbo.

Agad kong binuksan ang pinto ng kotse at sumakay sa loob saka pinaandar.

Nakita ko pa si manong sa side mirror na sapo ang dalawang tuhod na mukhang hinihingal dahil sa ginawang pagtakbo. Atleast naka pag exercise siya diba.

"Oh ma'am saan po ang punta niyo." Paguusisa ng tagabantay sa gate. Ng may tumawag dito na agad naman nitong sinagot na paniguradong si manong. Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon at agad na inihanda ang sarili 'sorry dad, I have to do it' kagat ang labing saad sa isipan at agad na pinaharurot ang kotse.

Dahilan ng pagbukas ng malaking pinto at ang pagkapipi ng harapan ng kotse. Huhu lagot nanaman ako kay dad nito panigurado mercedes pa naman ang tatak nitong kotse at paniguradong nagkakahalaga ito ng walong milyon o baka higit pa.

Halos maluha luha ako at iniisip kung ano ang pwedeng magawa saakin ni dad baka palayasin niya na ako nito at itakwil.

Humanda talaga sakin ang babaeng yun at kakalbuhin ko talaga siya.

Ng makarating sa sinabing lugar ay agad akong bumaba.

Iginala ko ang paningin at baka sakaling mahagip ko ang kinaroroonan niya hindi naman ako nabigo dahil agad ko siyang nakita. Ngunit ang kaninang umiiyak sa kabilang linya ay kabaligtaran ang aking nakita tumatawa ito habang nakikipag kwentuhan sa lalaki hindi ko mawari kung sino ito sapagkat nakatalikod ang lalaki.

Lumapit ako sa kinaroroonan nila at nag pekeng ubo upang maagaw ang kanilang atensyon.

Hindi naman ako nabigo dahil agad na napatigil ang dalawa sa pagtatawanan.

Agad na nagkislapan ang mga mata ng kapatid ko ng makita ako.

"Ate." saad nito at tumakbo papalapit saakin upang yakapin.

Tinaasan ko naman ito ng kilay dahilan upang hindi niya maituloy ang nais gawin at bahagyang napahinto.

Hanggang ngayon ay nakatalikod pa rin ang lalaki at tila isa itong istatwa dahil hindi gumagalaw sa kinatatayuan ni humarap man lang hindi magawa pero nung marinig ko ang tawa niya kanina ay parang hindi na ito bago saaking pandinig.

Para bang, geez hindi ko alam basta parang kilala ko ang damuhong lalaki na ito dahil pamilyar ang paraan ng pagtawa nito.

I took a deep breath and crossed my arms. "Mukhang ayos ka naman na nagagawa mo na ngang tumawa." I said sarcastically at akmang maglalakad na paalis.

"Can we talk." Ang akmang pag hakbang ko ay nagpahinto saakin ng marinig ang boses niya na sinusubukan ko ng kalimutan.

Dahan dahan akong humarap sa pinanggalingan ng nag salita. Nakita ko ang kapatid ko na nakayuko na at pinaglalaruan ang diliri. Ng mapadako ang tingin ko sa lalaking kanina ay nakatalikod ngayon ay nakaharap na.

When I saw his face it was as if I was going to cry at gusto siyang paghahampasin sa dibdib ng mailabas ang lahat ng hinanakit. Pero pinigilan ko ang sarili na gawin ang bagay na iyon.

I smiled bitterly "Can we talk." panggagaya ko sa sinabi nito at umaktong parang natatawa.

I raised my middle finger "Can we talk mo mukha mo uy wala na tayong dapat pag usapan gago." at akmang tatalikod na upang maglakad paalis.

Ngunit agad ding napahinto ng hawakan niya ang braso ko sinusubukan ko namang tanggalin ang pagkakahawak nito ngunit mas lalo niya pang hinigpitan dahilan upang mapadaing ako "Ano ba let me go nasasaktan ako gago." maiyak  iyak na sabi ko rito.

"Kuya tama na nasasaktan si ate." Pagsingit ng kapatid ko at hiniwakan pa ang kamay nito upang alisin ang pagkakahawak sa braso ko.

Pinanlisikan ko ito ng mata saka bumaling sa lalaki at sinipa sa kanyang pagkalalaki. Dahilan upang mabitawan nito ang braso ko't mapaluhod wala na akong inaksayang oras at nag mamadaling lumakad para lisanin ang lugar.

"Ah f-fuck." Narinig ko pang daing nito.
-------------
Good day everyone! I'm Navi, ito po ang unang kwento na isinulat ko. Sana po ay suportahan po ninyo ako. Please bare with me po, expect some grammatical and typographical error.


DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

We All Have ScarsWhere stories live. Discover now