Jess's POV.
"Dad, buntis po si Nona, at pananagutan ko po ang nangyari sa amin," wika ni Josh habang nasa harapan ni Don Steve.
"Anong kalokohan nanaman to Josh!? Wala ka na ba talaga sa katinuan!?" galit na tanong ni Don Steve.
"Hindi po ito kalokohan Dad, mahal ko po si Nona, at bubuo ako ng pamilyang kasama siya," pagmamatigas ni Josh.
"Hindi pwede! isang kahihiyan 'yan sa pamilya natin!" sigaw ni Don Steve.
"Aalis na lang kami Dad, at magpapakalayo-layo, para hindi mo na kailangan pa kaming ikahiya." Wika ni Josh at naglakad na sila ni Nona paalis.
Ako naman ay walang magawa kundi manood lang sa kanila.
Pero hindi pa man nakakalayo sina Josh, at Nona, ay nakarinig na ako ng sunod-sunod na putok.
Nakita ko na lang na duguan at wala ng buhay sina Josh at Nona.
At nang tignan ko kung saan nanggaling ang putok ay nakita ko si Don Steve.
Bigla akong napasigaw ng malakas at napatayo sa aking kinahihigaan.
"Masamang panaginip," bulong ko sa isipan ko.
Hinihingal ako habang tagaktak ang pawis. Bigla akong inuhaw kaya nagpunta ako ng kusina.
Niyaya pa akong kumain ni Mang Paeng, pero tumanggi ako at dumiretso na lang sa Training grounds.
Bigla kong naalala ang nangyari kagabi at ang panaginip ko, kaya naman walang sawa kong pinaputukan ang target hanggang sa makuntento ako.
Aalis na sana ako nang makita ko si Jena sa likuran ko.
"Hmm, Jess, pwede ba tayong mag usap?" Nakangiti nitong tanong sa akin.
"Sige, tungkol naman saan?" balik tanong ko.
"Mamaya ko na lang sasabihin, magkita tayo sa amusement park mamaya," sagot niya.
"Hindi ba pwede rito?" tanong ko.
"Hindi pwede eh, masyadong komplikado," sagot niya.
"Sige magkita tayo mamaya, anong oras ba?" tanong ko.
"10:00am," sagot niya.
Pagkatapos ay lumakad na siya paalis.
Didiretso sana ako sa Gym, kaso nakita ko sina Josh at Kuya Jay na palapit sa akin.
"Jess, pwede ba tayong mag usap?" tanong ni Josh.
Pero hindi na ako sumagot, pumunta na lang ako sa tinutuluyan kong bahay para maligo at iniwanan silang dalawa.
Ayaw ko pa talagang kausapin si Josh, Masakit pa para sa akin ang mga nangyari, at hindi madaling magpatawad.
Siguro kailangan ko munang magpahinga.
Pagkatapos kong maligo ay pumunta na ako sa mga pasugalan ni Don Steve, para mangoleksyon. Binilisan ko para hindi ako mahuli sa lakad namin ni Jena, nakakahiya naman kasi lalake ako tapos ako ang mahuhuli.
9:30 na akong nakarating sa amusement park, mas maaga sa pinag usapan namin, kaya naupo muna ako habang hinihintay ko siya.
Ilang sandali pa ay biglang may Taxi na huminto sa harapan ko, Napatitig ako sa pinto para makita kung sino ang bababa.
Nagulat ako sa aking nakita, si Jena.
Si Jena nga, pero parang kakaiba siya. Nakasuot siya ng puting sando, na pinarisan ng itim na leather jacket. Itim din ang sout niyang pantalon. puting medyas, at itim na sapatos. Naka shades siya at nakabagsak ang buhok.
Napakasexy niyang tignan ngayon, malayong malayo sa hitsura niya kapag nagkikita at lumalabas kaming magkakaibigan.
Habang papalapit siya sa akin ay lumalakas ang tibok ng puso ko. Para akong napako sa aking kinauupuan, at hindi ako makagalaw.
"Kanina ka pa ba?" taning niya sa akin.
"Hindi, kararating ko lang din," halos mautal ko pang sagot.
"Bakit parang nauutal ka? parang hindi ikaw yan?" tanong niya sa akin.
Sasabihin ko sanang parang hindi rin siya ang nasa harapan ko dahil kakaiba ang hitsura niya ngayon. Pero baka isipin niyang may gusto ako sa kaniya kaya nag isip ako ng ibang sasabihin.
"Hindi kasi ako nakatulog," tanging sagot ko.
"Bakit? dahil ba sa nangyari kagabi?" tanong niya.
Di na ako sumagot at tumango na lang.
"Ahh, by the way, tungkol din diyan ang pag uusapan natin, pero pumasok muna tayo," pagyayaya niya sa akin.
Hindi pa rin ako makagalay sa kinatatayuan ko, at hindi ko alam kung bakit.
Napatingin siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nakapakalambot ng kamay niya. Ito ang unang beses na nakahawak ako ng kamay ng babae, dahil hindi ko pa nahahawakan ang kamay ni Nona.
"Halika na, bilisan mo at sayang ang oras." Wika niya habang hinihila ako papasok ng amusement park.
"Bakit ka nga pala nag Taxi?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami.
"Hindi ko kasi pwedeng dalhin ang kotse ko, baka kasi may makakita," sagot niya.
"Tungkol nga pala saan ang pag uusapan natin?" tanong ko.
Napahinto naman siya sa paglalakad at humarap sa akin.
"Tungkol kay Josh at Nona," sagot niya.
"Ano naman ang pag uusapan natin tungkol sa kanila?" tanong ko.
Tumalikod siya sa akin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Bata pa lang kaming tatlo nang mamasukan sa amin si Aling Delia bilang isang kasambahay, Nakiusap siya na sa bahay na lang siya titira kasama ang anak niyang si Nona.
"Pumayag naman si Daddy, para may makalaro din kami ni Josh, hindi kasi kami makalabas ng mansyon dahil masyadong mahigpit si Daddy. Patay na rin kasi ang Mommy namin kaya walang ibang mag aalaga sa amin kung sakaling lalabas kami.
"At dahil nga walang ibang kaibigan ay naging sobrang close sina Josh at Nona. Mas pinapanigan pa nga ni Josh si Nona kesa sa akin kapag nagtatalo kami.
"Lumipas pa ang mga araw, at napapansin kong may iba na sa pakikitungo nila sa isat-isa. Para bang may namumuong pagtitinginan. Pero dahil mga bata pa sila, at magkaiba ang estado mg pamumuhay, ay hindi nila ito mailabas.
"Naikwento sa akin noon ni Josh, na kapag tumungtong na sila sa taman edad ay liligawan niya si Nona. Pero dumating ka, at kabago-bago mo pa lang ay sinabi mo na agad na may gusto ka kay Nona.
"Alang-alang sa pagkakaibigan niyo ay nagparaya si Josh, at hinayaan ka niyang manligay kay Nona nang tumungtong na siya sa hustong gulang. Pero dahil si Josh ang gusto ni Nona, kaya puro busted ka.
"Nitong mga nagdaang araw ay napansin ni Josh na hindi ka na nagpaparamdam kay Nona, akala niyang sumuko ka na, kaya nagtapat siya kay Nona. At si Nona naman ay hindi na rin nakapagpigil. Inamin na rin niya kay Josh ang nararamdaman niya.
"Kahapon lang naging sila, at hindi nila inaasahang inaabangan ni Daddy ang pagdating nila kaya ayun, napalayas si Nona ng wala sa oras.
"Pero, huwag kang mag alala, kasi nasa maayos namang kalagayan si Nona, nandoon sila ni Aling Delia sa hideout.
"Alam kong hindi mo pa agad mapapatawad si Josh, Dahil sa tingin mo ah tinraydor ka niya. Pero pag isipan mo muna ng mabuti, huwag mong itapon ang pagkakaibigan niyo dahil lang sa love rivalry."
Mahabang salaysay ni Jena.
Maayos lang akong nakikinig sa kwento niya, naiintindihan ko naman kahit papaano, pero hindi pa akong handang patawarin si Josh, hindi pa sa ngayon.
"Sige, pag iisipan ko," tanging sagot ko.
"Mabuti yan, halika at samahan mo akong sumakay sa roller coasters." Pagkatapos ay hinila ako papunta sa ticket booth.
BINABASA MO ANG
A bullet to your heart
RomanceJess Fernandez, a gangster who joined a mafia group that operates illegal businesses like: illegal d**gs, selling smuggled weapons, and illegal gambling around metro manila. He have a tattoo all over his body, he's an outlaw who fear no one. He can...