Muntik Na

3 0 0
                                    

Para sa mga taong may mga pagkakataon na napapasabi nang sayang, muntik na, kaunti na lang nakuha ko na sana... 

Gusto kong sabihin sa inyo na...

May pag-asa pa, at 'yung "Muntik Na", magiging "Nakuha ko na".


--- 

Ayan na ang pangarap ko

Pangarap kong inaasam

Nasa harapan ko na siya

Ano, kukunin ko na ba?


Gustong-gusto ko rin naman

Matagal ring naghahanda

Sa pagtanggap ng biyaya

O handa na ba talaga?


Baka hindi pa talaga

O may mangyaring masama

O ako lang 'tong balisa

So self, ano ba talaga?


Handa nga ba o 'di handa?

Sugod ba o aatras na?

Kunin ba o hayaan na?

Magpasya habang andyan pa


Kaunting oras na lang daw

Ako'y mamili na lang daw

Gusto ko daw ba o ayaw?

Kaso, biglang may umagaw...


Dumarating sa sitwasyon

Na ako'y nagsusumamo

Pwede bang maulit muli,

Sitwasyong gustong mangyari?


Muntikan ko nang maabot

Pagkakataong dumayo

Parang hangin ang pagdapo

Sa kamay na magsasalo


Ayan, mag-aalangan pa

Nasa harapan na nga

Abot-kamay ko na nga

Pinakawalan pa bigla


Ano ngayon, pagsisisi?

'Di nagpasya ng maigi?

Ngayo'y para kang inapi?

Sino ba kasi'ng bumawi?


Mabigat ang pakiramdam

Sana'y di pinakawalan

Mukhang suntok na sa buwan

Ano pa bang aasahan?


Buhay nga naman ay ganyan

Madali'y hinihirapan

Pilit na nilalabanan

Lungkot na nasa isipan


Palipasin na lang muna

May next time pa naman, di'ba?

Next time, uunahan ko na

Next time, kukunin ko na


Next time, tatatagan ko na

Next time, tatapangan ko na

Next time, 'di na manghihina

Dahil next time, sa akin na


Tutuloy na may tiwala

Takot ay hindi uubra

Ang muntik ko nang makuha

Sa susunod, nasa 'kin na.


orihinal na akda ni ellamakulet

ika-tatlo ng mayo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Untold PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon