Paper Airplane (One Shot)

188 1 0
                                    

-- Ms. Jam (awtor)

"Hearts Day na bukas!! Mie, may ka-date ka ba? " si Faye, kaibigan ko. aba anung meron sakanya? ngiting-ngiti siya ngayon parang ganito :D kulang pa yang ilustrasyon ng ngiti niya, halos umabot na hanggang tainga ung ngiti niya e.

 

 

 

"Huwag mo na ngang ipaalala yan, ordinaryong araw lang naman yan para sa atin, diba? tapos tinatanong mo pa ako kung may makaka-date ako?! E, alam mo namang wala!", ako..nabulyawan ko na tuloy siya..

Tsktsk, totoo naman kasi e, wala kaming ka-date. Sanay na ako dyan, wala nga akong boyfriend e simula nang ipinanganak ako. Bitter na kung Bitter. Pero itong kaibigan ko, hirap ispellengin. Masaya pa siya ah.

 

 

"Ang sungit mo na naman, lagi ka na lang ganyan tuwing magba-Valentines Day, buti na lang may ka-date ako". ibinulong niya ung huli niyang sinabi, kaya di ko masyadong narinig.

"Anong sabi mo?", may narinig kasi akong salitang "date" dun sa sinabi niya.

 

 

 

"Ah, wala. Mie, may pupuntahan pala ako mamayang uwian, kaya hindi ako makakasabay sayo umuwi", sabi niya, sabay yakap sakin, tapos umalis na. Nakangiti pa rin siya. Anu kayang meron dun? Haay.. naiwan tuloy akong mag-isa rito sa Canteen. Kain kain lang. 

 

 

 

10 mins na ako dito nang.....

 

 

 

Pumasok sa Canteen yung grupo nila Trevin Reyes. Lahat sila kasali sa basketball team ng school. Halos lahat ng tao napatingin sa kanila. Spell S-I-K-A-T?

 

 

 

"Ampogi talaga ni Trevin!!" girl with a red lipstick

"Mas pogi si Zeke!" girl with a red bag, inirapan niya si girl with a red lipstick.

"Hindi! Mas pogi si Ivan!" girl with a red stilletos, sabay kurot kay girl with a red bag.

Naku ah!! Nakakahiya itong mga babaeng to, mas mabuti sana kung binulong lang nila ung mga sinabi nila eh, ayun halos narinig na ng lahat ng tao sa Canteen ung mga sinabi nila. Mabuti at tumigil na sila, nakaramdam din na pinagtinginan sila ng mga tao, pati na rin ang grupo nila Trevin. Nakita kong napangiti pa si Trevin, aba gusto niya pa ung narinig niya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paper Airplane (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon