"Riya!!!!." Kinakabahang sigaw ko ng makitang marami itong sugat habang tumatakbo palapit sa akin. Gusot ang mga damit nito gayon din ang kanyang buhok may pasa ito sa kanyang mga mukha.
"Sofia.....tulungan mo ako....lumayo na tayo dito papatayin ako ni tito....Sofia natatakot ako...Sofiaaa." nanginginig ang kamay nito habang yakap ako. Nanginginig na rin ako dahil sa sinabi niya. Hinila ako nito papaalis sa lugar na iyon at iika-ika itong naglalakad.
Naiintindihan ko na ngayon. Sinasaktan ni tito Jonas si Riya at ngayon ay sigurado akong pinagtangkahan niya itong gasahain. Napapaiyak na lamang ako habang pababa kami sa hagdan ng bahay nila.
"At san kayo pupunta ha?." Gulat kaming napalingon ni Riya ng marinig ang boses ni tito Jonas. Mabilis kaming humakbang upang makatakas kahit na nahihirapan si Riya ay pilit itong tumatakbo upang makatakas.
Nakalabas kami ng bahay nila tiyo at naghanap kami ng pwedeng mataguhan. Nagtago kami sa likod ng maliit na bodega nila tiyo. Dahil nanghihina na si Riya. Lupaypay kaming napaupo sa sahig habang impit kaming humihikbi.
"Riya, bat hindi mo agad sinabi sa akin na sinasaktan ka pala ng stepfather mo? Dapat ay nagsumbong ka sa police." Tumingin ito sa akin at paulit ulit na umiling. "Papatayin niya si Mommy at ikaw na rin....alam mo namang ikaw at si mommy na lang ang natitirang pamilya ko diba." Tipid itong ngumiti dahil sa sugat sa kanyang bibig.
Napapikit ako sa sinabi niya. Kaibigan ko si Riya mula pagkabata dahil magkaibigan rin ang nanay namin. Maaga siyang nawalan ng ama at kalaunan ay nag asawa ulit ang nanay nito.
YOU ARE READING
HIS PLAYFUL REVENGE (Del Lazaro Series #1)
RomanceAn innocent Sofia Castro is convicted because of a reverse case. She was punished and blame because of a lie.... Del Lazaro series..... Mattheo Del Lazaro #S1 Aixiee Del Lazaro #S2 Axel Del Lazaro #S3