Chapter 1

42 1 0
                                    

"Paparating na siya! Pagbuksan niyo siya ng pinto."

Binuksan ng tatlong kalalakihan ang double door.

"Papasok na siya. Ang babaeng kung makasuot ng short eh talagang inaboso ang katagang "short". Oh edi siya na!"

"Narinig ko yun. Kasalanan ko bang biniyayaan ako ng magandang legs at makinis na balat?"

"Excuse me? Kung sino ka man, hindi ikaw ang pinaguusapan namin? Siya"

Biglang turo sa babaeng naka short at nakasuot ng oversized black pullovers. Sumasabay sa galaw ng mga kamay niya ang dangling cross earings niya. Malakas ang ihip ng hangin sa wavey black and light blue obré hair niya na feel niya namang i-flip to the left to the right.

"Wag niyo ngang iharap ang electric fan sa akin. Hindi ito photoshoot." Ang sabi ng babae.

Inilayo ng grupo nang mga kalalakihan ang electric fan sa kaniya. Agad naman siyang pumunta sa front desk at kinausap siya ng lalaki.

"Good afternoon Miss Aqua. Handa na ang lahat." Sagot ng host nang program.

"Good. Where will I seat?" Sagot ng babae na ang pangalan ay sinisigaw ng mga kalalakihan.

"Aqua! I love you!"

"I love you agad? Kilala ba kita?" Sagot niya.

"Seat #1, Miss Aqua. As you want it to be."

"Thank you Steph. Simulan na natin ito."

Biglang dumilim ang silid. Nakatutok ang spotlight sa host.

"Good Afternoon ladies and gentlemen. Welcome. May we have a good time and may the best team win."

At lumiwanag ulit ang silid. Oras ng umpisahan ang lahat. Umupo si Aqua sa kaniyang silya. Kinuha ang pusot sa hand bag niya at nag ponytail ng buhok. Kita ang kislap sa buhok niyang light blue na animoy naka glitter.

Katabi niya ang babaeng blonde at maiksi ang buhok. Kinausap niya ito.

"Lauren, you know what to do. Kailangan nating manalo."

"I know. Wag kang kabahan Aqua, dinig ko natalo sila last time. Dapat mong pagsabihan si Krix, siya ang di maka focus."

Sabay baling ng tingin kay Krix. Naka braid ang itim niyang buhok at nakatingin sa baba.

"Krix, mag focus ka kasi. Alam kong mabilis kang ma distract." Paalala ni Aqua.

"Hindi ah!" Deny ni Krix

"Uy Gwapo!" Sabi ng babaeng naka beanie, naka glasses na bilog. Then she blows her bubblegum.

"Asan! Nasaan Alicia?!" Tarantang sabi ni Krix

Tumawa na lang si Alicia ng nagsalita ang katabi niyang may super straight na buhok na parang kaka-rebond lang. Itim rin ang buhok nito pero may pink na highlights sa luob.

"Oh edi talo na." Sabi ni Daena.

Tumigil ang pagkukulitan ng limang kababaihan ng may lumapit na lalaki.

"Hi!"

Sabi ng lalaking matipuno, kulay brown ang nakatayong buhok. Lag-lag butiki patay! Black round neck plain shirt at naka ripped jeans.

"Hello!" Sagot ni Aqua.

"Supportive kayong lima sa boyfriend niyo ha?"

Mag sasalita na sana si Lauren ng tumayo ang host...

"Let the game... BEGIN!" Sigaw ng host para mag umpisa.

Umupo ang lahat. Bumalot ang tensyon at katahimikan sa luob ng hall. Nag background naman ang isang kanta na puro beat at WEE PAW PAW WEE BOW TATATA at bigla maingay na ulit.

Talking About LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon