Chapter Sixteen
"Erin? Are you done?"
"Almost Ianna, just a second." Sagot niya habang inaayos ang buhok.
May beach party ngayon sa Belladona at pinilit siya ng mga kaibigang pumunta para daw matuon sa iba ang atensyon niya."Woah! Smokin' hot in that two piece bikini girl." Saad ni Ianna. "C'mon let's get going. Naghihintay na iyong iba, sabay-sabay daw tayong pumunta sa sea shore. Grand entrance daw ang peg."
"Hulaan ko idea na naman yan ng triplets." Natatawang iling niya. Palabas na sila ng botique ni Therine dito sa Belladona. Napagtripan kasi nilang isuot ang bagong summer collection ni Therine na ilalabas pa lang dapat this April pero eto at nauna na silang magsuot.
"Oh there you are!" Salubong ni Key. "Tara na, i'm excited to party!" Hiyaw nito.
"Yeah right, we're going to party hard tonight." Saad naman ni Autumn.
"Like we own the place." Dagdag ni Fall na agad ding pinilig ang ulo sa nasabi. "Actually we really own the place, I mean one of us own the place."
Nagtawanan sila habang sabay-sabay na naglakad patungo sa party na nagsimula na. Dinig na ang tugtog mula sa dj na nagreremix ng mga kanta, merong make shift stage na itinayo sa buhanginan. Mayroon ding mga fire dancers. The beach front is really alive.
"Seems like madaming guest ngayon ang Belladona huh?" Lj asked Sierra.
"Yeah, March nadin kasi. Nagsisimula na ang summer but don't worry most of the guest were foreigner so it's safe to get wild tonight. No one knows who you really are." Sierra said with a smirk.
Napahiyaw sila sa sinabi nito.
"Remember we are here to enjoy." Saad ni Leian. Malapit na sila sa party kaya tanaw na nila ang mga kumpulan ng taong sumasayaw.
"So let's get the night goin'!" Sigaw ni Winter.
"Our goal for tonight, ihanap ng hot guy si Erin!" Biro ni Key.
"Dapat pati si Therine, tignan niyo nanahimik na naman."
And they continued teasing Therine hanggang sa sumali na sila sa crowd.
Pagdating na pagdating ay hard drink agad ang nilagok niya para madali siyang malasing, pangpakapal ng mukha. The hell she care anyway. Maglalasing siya ngayong gabi, she will forget all the pain, just for tonight. She and her friends started dancing while having their drinks. Pinagsunod-sunod niya ang mga hard drinks.
Maya-maya pa nararamdaman na niya ang epekto ng alak sa sistema niya. But that doesn't stop her from dancing with some guys.
"Grabe tong si Erin, pinangatawanan talaga ang pag-e-enjoy." Saad ni Lj. Tumigil na muna sila sa pagsasayaw at naupo sa buhanginan medyo malayo sa party.
Hinayaan niyang mabasa ng tubig dagat ang mga paa niya. She chuckled lightly. "Naman, para makalimutan ko naman kahit papano iyong pesteng Keenan na 'yon." Halata sa tono niyang nakainom na siya.
"Teka nga, nakailang shot ka na ba ng alak? You look tipsy." Tanong ni Leian.
Ipinilig niya ang ulo para mag-isip. "Uhm...Five tequilla? Then four Jack Daniels then another two whiskey. Oh wait, I think I also drink some beer? Aah basta, I lost count already."
"No wonder pag pinabalik niyo pa to sa dance floor lalabas ang wildness niya. Nakarami na eh." Naiiling na saad ni Key.
"Bayaan na natin, sa bigat ng dinadala niyan."
"H-hey! You're talking like I'm not her huh? I can hear you guys." Sabat niya ng nakangiti. "Mabuti pa let's dance. Gago ung Keenan na yon eh, pero umasa din kasi ako." Tumawa siya ng mahina.
BINABASA MO ANG
Chasing The Superstar (Bachelorette Series 1)
RomanceBook One of Bachelorette Series ✔️COMPLETED Sanay ako na ako ang hinahabol ng mga babae, pero bakit pagdating sayo ganito? Hindi ko matanggap na ako 'yong hinahabol mo. So stop chasing me Erin... let me be the one to chase you instead.