Mine for two days (One-Shot)

31 1 0
                                    

            “Honey!!”

            Potek. Boses palang alam ko nang ikaw ‘yan. Binuksan ko na yung pinto. Nakakahiya sa mga kapitbahay. Badtrip ako sa ingay mo, pero nakangiti pa rin ako pagbungad ko sa ‘yo. “Oh, napadpad ka dito?” Ngumiti ka lang at dire-diretsong pumasok sa apartment namin. Ayos, parang apartment mo na rin kasi ‘tong apartment namin.

            Umupo na rin ako sa sofa katapat mo. Nakangiti ka pa rin sa ‘kin. Mukhang alam ko na kung bakit ka nakangiti. “Gusto mong juice?”

            “Sige! Salamat, Hon!”

            Sus. Kinilig naman daw ako dun.. Sige na nga, sasarapan ko na nga ‘tong juice mo. Pumunta na ako sa kusina, sumunod ka pa sa akin. “Oh, upo ka na lang dun..”

            “Tulungan na kita. May cookies pa kayo? Penge ako!” Patay-gutom. XD

            “Nasa taas, gitnang cupboard.”

            Narinig kong binuksan at sinara mo yung cupboard. “Ang sarap talaga ng cookies na ‘to.” Yumakap ka pa sa ‘kin habang nakatalikod ako. Shet. Ang sweet natin. Bumulong ka, “Sabihin mo kay Ate Kate, bumili siya ng maraming-maraming ganyan..”

            “Kelangan talagang mangyakap pag may ipapabili?”

            “Hmm.. Ang sarap mong yakapin, Hon..”

            Shet.. ‘Yan na naman ang tinawag mo sa ‘kin. Buti na lang talaga—

            *Honey Allena Cunanan delos Santos! May nagtext!~

            Napabitaw ka sa ‘kin. Kainis naman ‘tong nagtext na ‘to.. “Oh, Miko. Eto na juice mo.” Tiningnan ko na yung nagtext. Kainis. Gm lang naman pala.

            “Hon?! Nasa’n yung remote?!”

            “Anjan lang ‘yan..!” Potek. Kainis naman ‘tong batang ‘to. Hon nang hon, kinikilig tuloy ako. Buti na lang talaga Honey pangalan ang ko. Kahit ang corny corny, ang sarap pakinggan kapag ikaw yung nagsasabi.

            Bumalik na ako sa sofa at nakikain sa cookies mo. Nakangiti ka na naman sa akin. Haay.. “Oh, may development na naman sa inyo ni Jessica..” Statement yan, hindi tanong. Alam ko na ‘yang ngiting yan.. Si Jessica lang naman nakakapagpangiti jan na halos magmukha na siyang clown eh.

            “Grabe.. Ang bait kasi talaga ni Jessica.. She’s—”

            “Alam ko, alam ko.. She’s sugar, spice, and everything nice..” Ginaya ko pa yung dreamy voice niya kapag si Jessica na yung pinag-uusapan. “Eh bakit ba kasi hindi mo pa sabihin sa kanya yang feelings mo. Hindi yung mukha kang timang jan na kinikilig, di ka naman dumadamubs. Sige ka, mabingwit pa ‘yan ng iba.”

            Binatukan mo ‘ko sabay sabing, “Ginawa mo pang isda si Jessica..!”

            Kinamot ko yung ulo kong binatukan mo. “Eh ang tagal mo naman kasi dumamubs! Matatapos na first sem oh!”

            “Ehhh… Masaya pa naman ako sa kung anong meron eh.. Saka alam mo naman, bagong break lang siya..”

            “Heh. Nababakla ka na naman..!”

            Binato mo yung throw pillow sa tabi mo sa akin. “Sinong bakla?!” At nagbatuhan na tayo ng mga unan habang tumatawa nang tumatawa.

            “Oy, kayong lovebirds jan! Nagkalat na naman kayo!” Dumating na pala si Jen.

            Binato mo yung isang unan kay Jen. “Lovebirds ka jan?! Best—“

Mine for two days (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon