Haayyy. Natapos nalang yung movie na napanood namin ni Apphy ANG BORING PARIN T.T Ano bang gagawin namin?
"Pst! Paty uwi na tayo." Sabi ni Apphia na talagang bored rin.
"Cge but daan muna tayo sa park. Pahangin ng konti tapos uwi na. Game?" Tanong ko sakanya.
"Okay okay fine fine." Sabi lang niya.
----------
Andito na kami ni Apphy sa park.
Lakad lakad lang kami tapos may nakasalubong kaming pulubi.
"Bata halika sama ka sa ami-" pinutol ko yung sasabihin ni Apphia.
"Sasama siya saatin?! Are you crazy Apphia?!" Sigaw ko sakanya.
"Tutulungan lang natin yung bata Patricia wag kang oa. Kawawa oh." Sabi niya at turo dun sa bata.
Napatingin naman ako sa batang babae na pulubi. Oo nga. Kawawa pero- ang dungis niya.
Dinala namin yung bata sa mall. Yeah bumalik kami doon. Pinagtitinginan nga kami ng mga tao eh. Paano ba naman?! Magagandang mga babae kasama ang isang pulubi sa mall?! -.- ano ba kasi tong naisip ni Apphy huehue.
Pinakain namin yung bata. Kami hindi na kasi tapos na naman kaming kumain.
Nasa table kami ngayon, yung kinakainan ng pulubi.
"Bakit po hindi kayo nag sasalita?" Tanong nung bata.
"Hmm kumakain kapa kasi auh- ano nga palang pangalan mo?" Nahihiya kong tanong sa bata.
"Wala po akong pangalan eh." Sagot nito.
"What?! Eh sinong nag aalaga sayo? Wala kang pamilya?" Gulat na tanong ni Apphia.
"Wala pong nag aalaga saakin at wala rin akong pamilya." Sagot ng bata.
"Kawawa ka naman talaga. Oh sge kain kapa." Sabi ko nalang. Na awa tuloy ako sa bata. Parang gusto kong ampunin. Joke haha.
"Paty ayusan kaya natin siya?" Tanong ni Apphia saakin.
"Oh sge. Hati tayo sa babayaran." Sabi ko nalang.
Napaisip ako, wala naman akong kasama sa bahay, pwede kaya siya doon? Kaso, kakakilala palang namin sa bata eh
"Uhm wala ka ring bahay?" Tanong ko ulit sa bata.
"Sa kalye lang po ako natutulog." Sagot ng bata habang patuloy sa pagkain.
"Kung okay lang sayo uhm pwede ka sa bahay namin." Nakangiti kong sabi sa bata.
"Talaga po?!" Gulat na tanong ng bata.
"Yes of course. Wala naman akong kasama dun eh. Apat lang kami sa bahay. Ako, yung katulong, cook namin at yung guard. Wala rin kasi akong pamilya at kapatid." Sabi ko dun sa bata.
"Sigurado ka ba diyan Paty?" Tanong ni Apphy saakin.
"Yeah." Matipid kong sagot.
"Oh tapos kana bang kumain? Tara let's do the make over." Sabi ko dun sa bata.
"Ano po ba ang make over?" Nagtatakang tanong nung bata saakin.
"Basta. Kami ang bahala sayo. *wink*" sabi ni Apphia.
----------
A/N: Nagustuhan niyo po yung update ko ngayon? :D hihi. Wag kalimutan iclick yung vote button before going to the next chapter ^_^
BINABASA MO ANG
Separated by Distance
Teen FictionHindi lahat ng relasyon PERPEKTO. Yung iba nag hihiwalay dahil sa mga pambabae ng mga lalake, lalo na kung long distance relationship. Paano kung isang araw mag ka boyfriend ka ulit na malayo sayo, in short SEPARATED BY DISTANCE ano kaya ang mangyay...