Luicita: In Barcelona (Prologue)

9 1 0
                                    

" HOY GIRL. SURE ka ba talaga diyan ha?" tanong ng matalik na kaibigan ni Luicita na si Lyn sa kabilang linya.

Nakavideo call siya rito habang nagbibihis siya ng napakaseksing damit na galing sa Anasthasia Clothing Line, isa sa mga sikat na kompanya sa industriya nito. Kurbang-kurba ang kanyang medyo kalakihang dibdib, maliit na bewang at malaking balakang sa kulay puti and silk na damit. Pumaikot muna siya sa harap ng salamin bago hinarap ang cellphone niya at nginitian ng makahulugan ang kaibigan.

"Matagal ko ng plano to, diba?" Umupo siya sa harap ng vanity mirror at kumuha ng red lipstick sa rack ng mga make-up na kaninang umaga palang niya binili. Ngumiti siya ng nakakaakit sa harap ng salamin at narinig niyang bumuntong-hinga ang kaibigan niya. "Ano?"

"Ikaw bahala, malaki ka na. Di na tayo yung mga batang tumutulo pa ang sipon habang naglalaro sa sapa nuon." Ngumiti siya nang maalala ang mga alaala nila nuon ng bata pa silang dalawa sa bukid nila. "Di ka ba natatakot sa lola mo? Anong masasabi ng mga kapatid mo, ni Himari? Close na close kayo tapos may sekreto ka pala sa kanya. Alam mo naman, handa kang ipagtanggol nun."

"Pinapakonsensya mo ba ako?" Tumawa siya ng peke at pilit na hindi niya inisip ang pwedeng maging reaksyon ni Himari. Sa anim nilang magkakapatid ay ito ang lagi niyang karamay, isang tawag lang ay agad na naroon kung nasaan siya ata handa siyang damayan sa ano mang oras. "Thirty na ako, ano ka ba? Tapos si lola, wala namang pake sa akin yun. Ayaw nga sa akin nun eh. Di pa nga niya nakakalimutan maliit na kasalanan ko sa kanya."

"Basta kahit anong mangyari nandito lang ako. At tsaka bumalik ka na rito sa Pilipinas, ako ang natatambakan sa trabaho eh!" Napangiti siya sinabi ng kaibigan at nag-flying kiss siya ng tatlong beses rito. Magkapartner sila sa kanyang kompanya at ito muna pinapamahala niya sa dalawang linggo niyang bakasyon sa Barcelona.

Isa sa pinakamalaking kompanya ng gardening industry ang Mi Amore Luicita at sa edad na kiyensi ay nagsimula siya sa maliit na flower shop at garden nila sa bukidnon.

Tinulungan siya ng kanyang lola na si Donya Anasthasia at mga kapatid niya sa pagendorso ng shop niya hanggang sa lumaki ito at nagkaroon na rin ng branches sa Southeast Asia.

Malaki ang utang na loob niya sa lola niya at malapit sila nuon sa isa't-isa pero nang di niya nagustuhan ang nireto nitong mapapangasawa niya nung biyente-dos anyos pa siya. Sa araw ng pamamanhikan ay nagtangkang gahasain siya ng lalaki at aksidenting sinabuyan niya ng muriatic acid ang mukha nito nang hinabol siya sa cr. Pilit man niyang sabihin ang nangyari ay mas pinaniwalaan ng lola niya ang sabi ng lalaki, simula ng araw na yun ay kinakahiya na siya ng lola niya at lumayo na rin loob niya rito.

"Huy, tulala ka diyan ateng?" Napahinto siya sa pag-iisip at inirapan si Anndi. Tumingin siya sa wall clock malapit ng mag-alas onse ng gabi, mabilis na kinuha ang pouch na dadalhin at tiningnan ang sarili sa harap ng salamin bago kinuha ang cellphone niya. "Basta Luicita, pumili ka ng may magandang mata, pointed na ilong, mapupulang labi at----"

"Matangkad na lalaki dahil malaki ang rin ang---" hinintay niya na duduntungan ng kanyang kaibigan ang sinabi niya pero huminga lang ito malalim.

"Sure ka ba---"

"Malaki ang paa, malaki ang paa! Bye bye, see yah next week!" Tinapos na niya ang tawag dahil ayaw na niyang marinig ang sasabihin na naman ng kaibigan. Matagal na niyang pinagpaplanuhan ito. Na hindi siya hahanap ng mapapangasawa instead ay pupunta siya ng ibang bansa at hahanap ng gwapong lalaki at magpapabuntis.

Unfair sa bata no?

Pero yun lang ang nasa isip niya upang may makasama siya habang-buhay, ibibigay niya ang buong pagmamahal niya rito at handa siyang maging tatay at nanay sa magiging anak niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bachelorette's Series: LuicitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon