CHAPTER 19

0 0 0
                                    

SHIN'S POV

Ngayon maaasikaso ko na si Candy at natapos na ang paghihirap ko. Ilang taon akong nagtiis na hindi lumalapit at nakatanaw lang sa malayo sakanya. Nalayo ako sakanya dahil sa kapatid niyang baliw, hindi ko akalain lumala na nang ganon ang pag-uutak ni Cindy.

Si Tita Candy ay pinalabas na nagkahiwalay sila para hindi na masyadong magtaka si Andy kapag lumaki siya at hindi sila magkakasama. Pero naging weird dahil hindi niya matandaan ang mukha ko at maging ang kapatid niyang si Cindy. Ang alam ko lang dahil daw ito sa trauma, life is so unfair Nang dahil sakin kaya ganon si Cindy, napapansin niya kasing mas malapit ako sa kapatid niya, nilamon ng selos at obssession si Cindy and habang lumalaki kami nagiging monster siya. That's our history kaya nagulo ang lahat nagkahiwalay kami ni Andy makes me miserable it's tearing me inside seeing her cryin and wala akong magawa.

ANDY'S POV

"Mom ? Dad? What's wrong?" Takang tanong ko nang hindi maipinta ang mga mukha nila pagpasok ng bahay. Si Cinds naman tulog nasa sofa.

"Dont go near to Cinds ,Andy understood?" Seryosong utos ni Dad.

"B-but why?"

"Your sister is sick!" And Mom started to cry.

Nanguguluhan ako sa mga nangyayari ayaw magfunction ng utak ko.

"Andy, your sister is sick.. nilamon siya ng selos at obssession.."

"T-that's the reason na nilayo ko siya nagpagamot siya sa Amerika, and naging okay naman kaya umuwi na kami dito,but things became worst than we thought.. kapag nakikita ka niya halos gusto ka niyang patayin" at naiyak ulit si Mommy.

"B-but why me? Kapatid niya ako di ba? Bakit siya nagseselos?"

"Dahil simula ng nagkahika ka nasa iyo ang atensyon namin ng Mommy mo, at hindi naging maganda ang epekto nun kay Cindy. Nung dumating si Shin, she likes Shin so much and Shin likes you ,mas gusto ka kalaro ni Shin Andy that's why inilayo namin si Cindy sayo dahil 18yrs ago pinagtangkaan ka patayin ng kapatid mo."

"At her age? 8yrs old? Lang kami nun ah? But why I cant remember it Dad?"

"Natrauma ka sabi ng doctor mo.. at kailangan ilayo si Cindy para gumaling ka"

"Stop it! Lagi nalang siya ang iniintindi niyo!! How bout my feelings? Paano naman ako Dad..?!" sobra ang iyak ni Cindy damang-dama ko ang bigat na dinadala niya. Now I know kung bakit siya galit sakin. Hindi namin napansing nagising siya.

Lumapit si Cindy sakin and She slaps me, feeling ko bumakat ang palad niya sa pisngi ko. Ang sakit pero alam kong mas masakit pa sa sampal na yun ang nararamdaman ng kapatid ko sakin.

"Cindy! Stop it!" At hinila ni Dad palayo sakin si Cindy.

"Bakit ba hindi niyo ako kayang mahalin?BAkit? Bakit?!"

sinaksakan ni Mommy ng pampakalma si Cindy at unti-unti itong nkalma at nakatulog.

"Its my fault!"

"No dear, hindi yan totoo.. its our fault hindi namin nagabayan ng maigi ang kapatid mo"

At naiwan akong mag-isa dahil dinala nila Mommy at Daddy ang kapatid ko sa Mental Hospital.

"Andy are you alright?!" Niyakap ako ni Shin at agad ding bumitaw para suriin ako.

"Masakit pa ba ang pisngi mo? Kukuha lang ako ng ice and towel"-Shin

Umupo muna ako sa sofa habang inaantay si Shin. Tinawagan siguro siya ni Dad dahil wala akong kasama dahil ang katulong namin ay nagday off. Nangmakabalik si Shin at malagyan ng gamot at scratches ko nagpahinga na ako.

Ang sakit ng ulo ko kakaisip, imposibleng dahil lang doon kaya nagkaganun ang kapatid ko. Then may biglang nagflash back sa utak ko..

"Mommy! I got 100% sa exam namin.." si Cindy sobrang excited ipakita ang test paper niya kay Mom

"Oh?talaga Cindy? Good job!" Mom said without looking at it. Yung expression nang mukha ni Cindy biglang lumungkot nakatitig lang siya sakin at kay Mom inaasikaso kasi ako ni Mommy nung lumipat sakin ang tingin ni Cindy biglang naging galit ang nakita ko sa mga mata niya. Umiiyak siyang naglakad palabas ng bahay..

"Oh my God!" Napabangon ako bigla. Sobrang kinilabutan ako, yung mga titig na yun.. hindi lang basta galit.

"Im so sorry Cindy.." pabulong ko.. hindi ko namalayang umiiyak na ako at nanginginig.. hindi ko alam kung sa takot or simpatya sa kapatid ko. Biglang bumukas ang ilaw ng kwarto ko bumungad si Shin na worried ang expression

"Candy, what's wrong?" At niyakap niya ako.

Hindi ko alam, pero hindi ko magawang magsalita napahagulgol ako nang iyak nung niyakap nya ako.

"Shh.. it's alright! Im here na please don't cry sweety" he kissed my forehead then hug me tighter.

NAkatulong naman yun para kumalma ako at makatulog

SHIN'S POV
Nagising ako nung marinig kong umiiyak si Candy, baka nanaginip siya ng masama kaya agad akong pumunta sa kwarto niya para macheck if she's okay..

Nang makita ko sya sobrang hinanghina na di ko maipaliwanag kung takot ba siya or worried.. hindi ko alam kung saan. Pinakalma ko siya nung makatulog siya habang yakap ko pinunasan ko ang mukha niya bago inayos sya sa higaan niya.

"Di ko na hahayaang masaktan ka niya.. "bulong ko. Habang nakatitig sa mukha niya.

It's all my fault! Hindi ko kasi talaga gusto noon pa si Cindy kahit anong approach niya sakin nun sinusungitan at dinededma ko lang siya. Lagi tuloy siya nakikipagkompetensya kay Candy para makalaro lang ako at dahil sakitin pa si Candy nun lagi ko inaalalayan sya pinapasan ko sa likod ko kapag inaatake ng hika pauwi sakanila. Matalino si Cindy at maganda rin halos parehas sila dahil kambal sila mas mukha lang matapang ang expression palagi ni Cindy at si Candy ay parang batang palaging takot sa tao. Naalala ko pa noon, kapag nasa park kami at may ibang bata na lumalapit samin para makipaglaro lumalayo siya at nagtatago sa ilalim ng slide, sinusundan ko nalang siya doon kapag hawak ko na ang kamay niya biglang sisigla ang itsura niya at ngingiti lang sakin. Hindi ko alam kung doon nagsimula na magkagusto ako sakanya or nung unang beses inimbitahan sila ng Mommy ko sa bahay, unang beses ko din sila makitang magkambal pero alam ko ang diffirences nila kahit magkamukha sila sa mata ng karamihan, same clothes sila lagi pero laging madungis si Candy dahil palagi siyang kumakain ng chocolates. Nung ipinakilala nga kami sa isa't-isa nakipagkamay ako kay Cindy then si Candy nakatitig lang sakin noon parang sinusuri nya ako kaya binigyan ko sya ng isang bar ng tobleron then bigla siyang nagsmile sakin doon kami naging close.

Ilang taon na ang lumipas marami ng nangyari pero si Candy pa din palagi nasa isip ko kahit maraming ipinapakilala si Mommy na mga anak ng kasosyo nila sa trabaho, magaganda at may class.. pero di ko sila makuhang magustuhan palagi silang nangungulit magdinner or lunch and palagi ko tinatanggihan.

"It's your birthday na this coming saturday, and marami akong ininvite na guests"-Mom

"Ayoko ng party!"

"Hindi pwede kasi pagnagdebut kana doon na natin iannounce ang magiging fiance mo, so habang hindi pa dumadating yun mag enjoy kana.."

"Mom,okay na invitations deliver ko nalang later"-HAnnah

"Mom.. ano bang plano nyo?"
Tanong ko kay Mommy

"Para makahanap ka nang girlfriend mo anak!"

Sabay pa silang tumawa nung sumimangot ako.

"Relax, dear kuya! We know naman kung sino ang tinitibok ng puso mo eh!"

"Stop teasing me" binato ko sya ng pillow.

"Ouch!"-Hannah

Mukhang mastress nanaman ako sa birthday ko.. Darn!

I have a twin-sister?[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon