Chapter 1
Maaga akong pumasok sa school hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong lumagi sa school kaysa sa bahay namin siguro nga dahil ako ang laging nakikita ng aking mama't papa lagi akong kontrabida sa bahay namin kahit na wala akong halos imik pag nadoon ako mas gusto kung magkulong nalang sa kwarto ko kaysa sumali sa halakhakan nila naiirita ako sa tuwing pinagkukumpara ako kay kuya Niko ang kapatid kong napakahambog ni ayaw kung makipagusap sa kanya kasi alam ko namang aasarin lang ako nun. dalawa na nga lang kaming magkakapatid pero napakalayo ng loob ko sa kanya dala na rin siguro na lagi akong pinagkukumpara sa kanya nila mama at papa dapat ko daw siyang tularan kasi napaka athletic at matinik sa mga babae at palakaibigan halos siya ang bida sa usapan sa tuwing may salo salo sa bahay. nasa huling taon na si kuya sa college at ako naman ay nasa ikatlong taon pa lamang sa highschool ni hindi ko narinig na proud sila sa akin sa mga matataas na marka ko sa school at laging class achiever lagi akong nakakatop sa boung klase sabi nga daw ni papa hindi naman daw kasi importante ang karangalan para sa kanya kahit hindi ka gaanong katalino basta marunong kang makisama sa tao ay mas mabuti pa.
Dahil sa maaga nga ako sa school sarado pa ang classroom namin pagdating ko tinungo ko ang canteen para doon tumambay at tapusin ang mga assignments ko sa ibang subject ko. marami naring estudyanting nakatambay doon ang iba ay masayang naguusap at ang iba naman ay tahimik na nagaalmusal tahimik akong gumagawa ng aking assignment ng may tumabi sa akin nakita ko si kevin ang kaibigan ko mula first year na napakabait sa akin nakatingin sa aking ginagawa at nakangiti.
"Ang aga mo naman yata tol.." tanong nya sa akin sabay kuha ng kanyang notebook at ballpen sa kanyang bag.
"Maaga naman talaga ako palagi ah...ikaw lang naman ang laging nahuhuli..." sagot ko sa kanya hindi ko manlang siya binaling ng aking tingin.
"kasi nga...kasi nga" nahihiya niyang sabi naparang may hinihinging pabor.
"Hay nalang..alam ko nayan wala ka nanaman assignment noh?..o heto kopyahin mo na." pagpatuloy ko sa kanyang sasabihin sana. inabot ko sa kanya ang note book kung saan nakasulat ang mga sagot sa aming assignment.
"Salamat talaga Francis ah..kahit talaga kailan maaasahan ka ang swerte ko naman at nagkaroon ako ng bestfriend na walang kasing ubod ng bait...hayaan mo babawi ako sayo mamaya ililibre kita"
"Uh tol..tama na yan lumilitaw na naman ang pagkakorne mo eh. komopya ka na nga lang diyan at maibalik mo na sa akin ang notebook ko."pagputol ko sa kanyang mga walang kasing korne na mga hirit.
Sa mahigit tatlong taon namin bilang matalik na magkaibigan ay kabisado na namin ang isa't isa at sa lahat ng panahong iyon ay wala siyang ginawang bagay na makakasira sa aming magkaibigan at ni hindi niya ako binigyan ng rason para magalit sa kanya ni hindi ko na nga mabilang ang mga bagay na nagawa ko na lagi niyang ikinagagalit pero madali niya itong nalilimot sa tuwing humihingi ako ng sorry sa kanya, ganun kami kaclose. May katangkaran si Kevin sa taas niyang 6'1 ay halos lagi akong nakatango sa tuwing nag uusap kami, may mapupula't maninipis na mga labi, matangos ang ilong na perpekto sa hugis ng kanyang mukha at
mapupungay na mata na kung iyong titigang mabuti ay parang nangaakit, maputi din at makinis ang kanyang kutis natural lang iyon sa kanya kasi half american ang kanyang ama napakaganda din ng katawan ni kevin dahil sa angking tangkad niya ay kasama siya sa varsity ng basketball sa school namin kaya napaka athletic ng katawan niya.Ako naman ay may taas lang na 5'7 maputi singkit ang aking mga mata at nasa medium built lang na pangangatawan sabi nga ng aking mga kaklase ay mala korean pop icon daw ang dating ko matangos din ang aking ilong na katulad ng kay kevin ay bumagay din sa maliit kong mukha lagi akong pinagdidiskitahan ng iba naming mga kaklase kasi daw sa aking itsura ay gwapong gwapo sila pag iniisip daw nila akong babae maganda din daw ako kahit saan daw mapababae o mapalalaki daw ako eh swak na swak ang aking
mukha.
BINABASA MO ANG
A Love In An Island
RandomPaano mo pipigilan ang puso mong mahalin ang taong kinasusuklaman mo? paano kung dahil sa isang trahedya kayo'y pinag isa?