Chapter 4
Nagising ako kinaumagahan na masakit ang aking ulo tiningnan ko ang kwarto kung saan ako nakatulog hindi pamilyar sa akin iyon inisip kong mabuti kung ano ba ang nangyari sa akin kagabi at bakit ako nandito, kinabahan ako noong naalala kong nabangga ako ng isang kotse mabilis kong kinapa ang lahat ng parte ng aking katawan para masigurado kong walang nawala o walang sugat mabuti nalang at puro galos lang ang nakita ko sa aking tuhod at sa aking dalawang siko.
Tatayo na sana ako ng magbukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito ang isang babae nakangiti at tila masaya dahil nagising na ako.
"salamat at gising kana, wala bang masakit sayo france?"
"Kim?, bakit nandito ako sa inyo?" nabigla ako ng si kim ang pumasok sa kwarto kaklase ko siya pero minsan lang kami nagkakausap kasi kasi nga mailap ako tanging si kevin lagi ang kasama ko.
"Hay naku, muntik ka na naming masagasaan ni Daddy kagabi buti nalang at nakapreno na siya agad bago paman nabangga sayo ang harapan ng kotse namin pero nawalan ka ng malay kaya inuwi ka nalang namin dito at tinawagan nalang namin ang aming family doctor at pina-check-up ka kagabi, ano ba kasi ang pinagagaw mo sa lugar na iyon?" mahaba niyang litanya, likas na madaldal si kim sa school kaya kahit papano kilala ko narin siya, bumalik sa akin ang alaala kagabi nakaramdam na naman ako ng matinding
lungkot hindi ko napansin na tumulo na naman ang aking mga luha.
"France?, may problima kaba?, I know I don't have the right to ask you this but I just want you to know i'm willing to help you, kahit na hindi tayo gaanong kaclose but i know you're a good person and I'd like you to be my friend too, you can count on me" Sa pagkakataong iyon ay nahabag ako sa kanyang sinabi hindi ko napigilang mapayakap sa kanya at tuluyang umiyak hinaplos niya ang aking likod ng marahan.
Ng mahimasmasan na ako boung tapang kong sinabi sa kanya ang lahat alam kong mapagkatiwalaan siya at hindi niya ako bibiguin medyo gumaan din kahit papaano ang bigat na aking dinadala noong matapos ko nang sabihin kay kim ang lahat matiyaga niya akong pinakinggan at alam kong bou ang pakikisimpatya niya sa akin.
"Don't worry friend kung ayaw na niya sayo then I'm here wala ka nang hahanapin pa" tugon niya matapos kong inilahad sa kanya ang nangyari sabay ngiti.
"Salamat kim ha, kahit paano napagaan mo ang kalooban ko" malungkot kong sabi.
"wala yun, basta wag ka nang malungkot don't push yourself too much to those people who don't like you and the worst rejected you remember there are eight billion people here on earth you can always find one and I'm one of them, so friends?" masigla niyang sabi sabay lahad ng kanyang kamay para makipaghandshake para sa aming bagong friendship.
"FRIENDS" sagot ko saka inabot ang kamay niya at nginitian ito.
"Late na tayo friend, so absent na muna tayo?, punta nalang tayo sa mall para makapagbond tayo para bukas handa ka ng pumasok" pumayag naman ako sa kanyang gusto nagpahatid muna ako sa bahay para makaligo hinintay muna ako ni kim sa aming sala ng matapos na ako ay sabay kaming pumunta sa Mall.
Napawi ang lahat ng lungkot ko dahil kay kim akala ko kasi noon hindi siya mabait mataray kasi ang dating niya, nasa kanya na kasi ang lahat ng pisikal na katangian na pinapangarap ng mga kababaihan, likas na maganda si kim matangkad at well proportion ang kanyang katawan kung hindi nila ako nabangga marahil ay hindi ko siya lubos na makikilala.
kumain kami sa labas nanoud ng sine at naglaro sa quantum kwento dito kwento doon halos sulit na sulit ang boung araw namin doon ko lang na unawaan na hindi mo makikilala ang isang tao kung hindi mo susubukang kilalanin sila kung nagawa akong pagtabuyan ni kevin kaya ko ring palitan siya sinayang niya ang ibinigay kong pagpapahalaga sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Love In An Island
RandomPaano mo pipigilan ang puso mong mahalin ang taong kinasusuklaman mo? paano kung dahil sa isang trahedya kayo'y pinag isa?