Chapter 11

321 6 2
                                    

John's POV

"Ma? Ma??? Ang ingay ni Miel ano ba!"

itong batang to! natutulog pa yung tao. Nakakainis!

Si Miel, pamangkin ko na napaka likot at ingay. Bawi naman sa pag ka cute nito! Syempre! Mana sa tito eh!

" Tituuuuu! Giching ka! Tituuuu! " 

ang kulit talaga ng batang to! Ng may biglang sumampal sakin,

"Ano ba yan ma!!!" nagtatawanan lahat. teka, tinitignan nila akong matulog? May narinig akong boses,

"Gumising ka na daw sabi ni Miel, huhugas ka pa daw pupu nya!"

si Ma'am? Teka, asan ba ko? binuksan ko yung mga mata ko. Hawak nya si Miel, malapit sa mukha ko.

Andito si Agot, Miel, Mama at si Ma'am???

"Ma'am? Teka, asan ba ko?"

nako! Oo nga pala. Nasaksak ako dahil sa c.p kong bulok ! HAHA. eh kasi naman andun yung reply ni Ma'am.

" Amnesia lang kuya? HAHA! Nasa ospital ka! Nasaksak ka lang naman, Di mo pa kasi binigay yung c.p mong bulok! "

asar si Agot! nangaalaska nanaman, si Agot ang nagiisa kong kapatid. Napaka maldita, kalog at makulit. Eh san pa ba nagmana si Miel di ba?

"Si Nathan, sino nag aalaga?"

iniba ko nalang yung usapan.

" si tita ! teka? Change topic? HAHA, oh ayan yung c.p mo. Nakakainggit mga txt nyo ha, pang telenovela ganyan ka pala mainlove kuya?

Alam ko na kung bakit di mo binigay yung c.p mo sa holdaper! hahahaha >:> "

loko tong si Agot, namumula na si Ma'am pero tumatawa.

" Anak, wag kang mauuna sakin ha. Di ko pa nakikita lahi mo :)! "  

si mama talaga palabiro, kaya mahal na mahal ko to eh.

" Mama! " 

si mama nakikisali din. haay nako, Sana nandito si papa.

Kung nandito pa siguro si papa, siguro di nya titigilan yung mga nanakit sakin.

Sana, sya din yung unang pagsasabihan ko ng problema tungkol samin ni Gcel. Nakakamiss si Papa.

Si Ma'am tahimik lang, di nakibo pero natawa sa mga biruan namin nila mama.

" Oh sya, teka. May bibilhin lang kami ni Agot. Tara Princess ko, "

kinuha ni Mama si Miel. Eto na siguro yung oras. Nakaalis na sila Mama,

Kaya mo yan John kaya mo!!! Palapit si Ma'am sakin.

---

Gcel's POV

Simula kahapon nung nakita at nakilala ko yung Mama ni Sir, hindi na ko makatulog ng maayos. Iniisip ko kasi kung gusto nya ko o hindi. Nung nakita nya ko ng malapit sa mukha ni John nakangiti sya.

Ako naman nahiya ako, syempre naman! Ang lapit ng mukha ko sakanya, baka sabihin ni tita pinagpapantasyahan ko yung anak nya HAHA. Sa hospital palang nagkwentuhan na kami kagad.

She was very pretty, mas makinis pa nga si tita sakin eh! Haay, I have to sleep na. Pumunta daw ako ng maaga sa Hospital para maabutan ko si Miel and Agot.

Kapatid daw ni John si Agot and Miel was the first-born child of Agot. Matutuwa daw si Agot pag nakita ako, sana nga po! Haay, si Miel naman daw eh super pretty.

Tuwang tuwa si tita nung kinukwento nya yung mag-ina. But, nung pag dating sa story ni tita about sa Papa ni John nangingilid yung luha nya. Ramdam ko yung pain inside her! Then, she started to cry.

Akala ko yung term na iniwan sila is may other family si tito. Pero hindi, John's father died. May Lymphoma daw si tito. Di nila akalain na magkakaroon si tito ng ganung sakit, malakas at masipag daw si tito.

Tita describe him as a wonderful man, super protective and caring father sa kids nila. Alam ni tito na nahihigpitan nya masyado yung magkapatid, pero sabi nya para naman daw sakanila yun.

Lagi nyang pinapangaralan yung only and first-born son nya, si John. Tito taught him how to respect a girl & how to be a good man. Pinagbilin ni tito na alagaan sila tita, lalo na si Agot.

"Sayang, you two didn't had a chance to meet each other, for sure he'll like you for John."

I smile, masarap sa feeling yung sinabi ni tita pero alam ko nasasaktan talaga sya. Nakakatuwa si tita, nakukuha nya pang mag smile kahit durog na durog na sya.

" Please, take good care of my son. Ang dami nyang pinag bago nung dumating ka sa buhay nya. "

di ko alam magiging reaction ko. I'm overwhelmed.

" Tita, I will po. Sya po yung reason kung bakit ganito yung smile ko ngayon. "

hala ! Lumabas bigla sa bibig ko yung mga yun. I was blushing :) 

*****

Author's Note

Hi guys, sorry kung ngayon lang nakapag U.D . Tapos maikli pa :( Di ko alam kung itutuloy ko pa eh di ko din po alam kasi mga feedbacks nyo sa story ko ehhh. Maganda po ba? paki leave a Comment naman po and Vote ! :** Salamat po.

Tangkad + Liit = <3 (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon