Chapter 3: Turtle

4 1 0
                                    

Zyla's

Ilang linggo na din akong napasok dito sa Grimson. Napapalapit na ako lalo sa barkada ni Julia at marami na din akong kakilala.

"Hi Zyla."

Oh. Example yan. Umaga pa lang may nabati sa akin. Madaming friendly dito kaya nag-eenjoy din ako.

"Zaaaaaaaai!"

Umagang umaga may nag-iingay na naman. As usual, si Andrea yun. Siya ang pinakanakaclose ko sa barkada kasi sobrang daldal niya at napakajolly.

"Bakit?"

"Sama ulit ako sa bahay niyo ha." - Andrea

Isa pa, laging nasama sakin si Andrea sa bahay. Lagi kasi siyang nasimoy kay Kuya. Nung isang beses nga, pinipilit niya akong pumunta kami sa kwarto ni Kuya.

"Wala si Kuya mamaya."

"Hindi yun! Ano ka ba! Pupunta tayo mamaya ng perya. Dun sa kabilang bayan."

"Magpapaalam pa ko kay Daddy saka kay Kuya."

"Kaya nga ko pupunta. Isasama ko din yung boys para pumayag ang Daddy mo."

"Ready talaga kayo no?"

"Oo naman. O pano? Mamayang uwian ha."

"Sige."

--

Uwian na kaya pumunta na agad kami sa bahay. Tulad nga ng sabi ni Andrea, sinama niya ang boys. Si Julia at Reese naman umuwi muna para magpaalam.

"Andrea, di ka ba magpapaalam?" tanong ko sa kanya. Si Julia at Reese kasi nagpaalam pa.

"Magtetext na lang ako kila Tita. Sanay naman sila sakin."

"Ah. May pamalit ka dyan?"

"Oo naman. Ready yata 'to."

Pumasok naman kami sa bahay. Wala pa si Daddy. Siguro mamayang 5:30 pa yun. Nadatnan ko naman si Kuya sa sala hawak yung gitara niya.

"Oh. Ang aga mo ata ngayon."

"Magpapaalam ako kay Daddy e." Tinabihan ko naman siya. "Kuya, si Andrea. Kilala mo na siya, di ba?"

Si Andrea kinikilig na naman yan. Halata e. Tinanguan naman siya ni Kuya.

"Si Aldrich, Marco at North. Kaklase ko."

Nakipagkamay naman si Kuya sa kanila.

"Zai." tawag sakin ni Andrea

"Bakit?"

"Bakit si Zion ang sungit sakin? Kila Marco naman hindi." Nakikipag-usap kasi si Kuya sa tatlong lalaki. Naglolokohan pa sila. Parang magkakakilala na ng matagal na panahon.

"Ewan ko dyan. Haha."

--

As expected, 5:30 dumating si Daddy. Binati siya ng boys at ni Andrea. Pinagpaalam na din nila ko at buti na lang pumayag. Basta hanggang 11 lang kami at ihahatid ako. Pumayag naman sila kasi malapit lang samin ang bahay ni Aldrich.

Inaya na rin ni Daddy yung apat na sa bahay na lang magdinner. Tutal 7 pa naman daw kami pupunta sa perya. Nagpalit na lang kami ng damit tapos nung 7 umalis na kami.

--

"Waaaaaaaaah! Caterpillar! Dun tayo!"

Pumunta naman kami doon. Next naman dun sa color game. Si Reese lang ang hindi sumali. Hindi niya daw alam kung pano maglaro nun. All in all, masaya naman. Kahit hindi ako nanalo ng kahit anong prize.

Hinatid naman namin si Reese. Sa kanila yung una e. Sunod yung kay Andrea tapos kila Julia. Last yung sa amin.

"Salamat sa paghatid."

"Wala yun, Zai. Next time ulit ha." -Aldrich

"Oo naman." Nagbabye na sila sa akin kaso biglang bumalik si North.

"Bakit?" May kinuha siya sa bag niya.

"Para sayo." Inabot niya sakin yung  pagong.

"Eto yung nakuha mo kanina, di ba? Bat mo binibigay sakin?"

"Ang cute masyado. Di bagay sa kwarto ko. Sayo na lang. Haha."

Tinignan ko naman yung turtle. Ang cute nga.

"Salamat ha."

"Wala yun. Sige. Uwi na ko. Bye."

"Babay."

Sorry. Sabaw na update. Wala talagang pumapasok sa isip ko ngayon. :( Busy din sa enrollment. Waaaaaah. D:

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If This Was a MovieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon