Hangin, Lupa, Tubig at Apoy. Ang apat na nangungunang elemento na nagagamit natin sa atin buhay.
Simula nung magkaisip ako inakala ko na normal lang ang buhay ko. Nakatira ako kasama ang mga Lolo at Lola ko. Malaki ang bahay nila at parang ito lumang mansyon na nasa gitna ng kagubatan. May malawak na sakahan ang aking Lolo na iyun pinagkukunan namin ng makakain at mapagkakakitaan. Di ko na nakita ang mga magulang ko at hindi ko na rin sila nakikilala pa.
Ang sabi sa akin ng mga Lolo at Lola ko namatay sila sa isang aksidente nung mga sanggol pa lamang ako.
Mahilig ako magsaliksik di ako naniniwala sa sinabi sa akin ng mga lolo at lola ko. Nagsaliksik ako ng nagsaliksik naghanap ng butas upang malaman ko kung sino ba talaga ako. Hanggang isang araw may nadiskubre akong libro na sinulat ng aking ina. Tinanong ko sa mga lolo at lola ko kung totoo ba ang nakasulat sa libro. Kung totoo nga ba na anak ako ng isang pinakamasamang wizard. Nagsinungaling muli sila at sinabing nahihibang lang daw ako. Sumuko na lang ako.
Napasok ako sa isang pribadong paaralan para lang sa mga kababaihan. Inakala ko nung una na normal na paaralan lang yun pinapasukan ko. Pero ang paaralan ito ay hindi lang pala sa mga normal na tao.
Nadiskubre ko yun nung sinundan ko si Senyora Olivia. At sa isang malaking pinto sa ground floor ng paaralan ay nabuksan ko yun dahil may binulong ang hangin ng salitang di ko maintindihan. At aksidente kong nasabi iyon at biglang bumukas ang pinto.
Bumungad sa akin ang isang napakagandang binibini na nakalaunan ang magandang babae na iyon ay ang matandang Senyora na si Senyora Olivia pala. Nung una ay natakot ako at walang nagawa kundi mag-tapat sa kanya at sabihin ang ginawa ko.
Isang magaling na mangkukulam si Senyora Olivia. Siya nag-bukas sa akin isipan na isa akong pinanganak na mahotsokai. Mabait din siya at tinuruan ako ng mga bagay bagay ukol sa Ekaladia. Ang malaking pinto sa groud floor ng paaralan ay isa palang portal mula sa mundo ng mga tao.
Pagdating ko sa Ekaladia madami akong nakilala na katulad ko rin Mahotsokai. Ngunit magkahiwalay ang paaralan para sa babae at lalaki. May diskriminasyon ang kasarian sa lugar na ito. Ituturing kang Hari ng mga ibang lahi kapag isa kang WIZARD (lalaking mahotsokai). At katatakutan at lalayuan ka naman ng ibang lahi kapag nalaman nilang isa kang WITCH (babaeng mahotsokai).
May malagim na karanasan kasi ang mga ibang lahi sa mga WITCHES. Malaking tulong naman sa mga ibang lahi ang mga Wizards.
May mga ranggo ang mga mahotsokai. Common Wizards sila yun mga wizards na isang elemento lang ang kapangyarihan. Ultimate Wizards sila ang mga wizards na may dalawa o higit lang uri ng elemento kayang gamitin. At ang Mage tatlo lang sa mga pinanganak na mahotsokai ang pinagkalooban ng ganitong biyaya mula sa Diyos na gumawa ng mahika.
Maraming nakakamanghang bagay ang tungkol sa mga Wizards samantalang ang mga Witches ay maituturing pinakamababang uri ng babae sa lipunan. Mas mababa pa sa babaeng bayaran kung ituring ng ibang lahi.
Bilang isang babaeng pinagkalooban ng kapangyarihan. Di ko matitiis ang ganitong panunuya.
Makakakaya ko kayang baguhin ang pananaw ng lahat tungkol sa Witches.
BINABASA MO ANG
Sorcery Complex
RandomMagic?? Isang bagay na di ko pinaniniwalaan. Magical World?? Isang dimension space o lugar na punong puno ng magic. Well, sa mga libro lang nag-eexist yun. Pero isang kagimbal-gimbal na pangyayari ang nangyari sa buhay ko. Isang libro ang nakapagpa...