PAGKATAPOS lagyan ng alcohol ay hinipan ni Zerachiel ang paltos niya sa paa at marahan itong nilagyan ng bandaid. Napaiwas sya ng tingin nang hayagan sya nitong titigan. Nakakapaso ang titig nito sa totoo lang. Ramdam niya ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi.
" Feel better?" Masuyong tanong sa kaniya ng lalaki.
Tumango sya bilang tugon sabay alis ng binti sa pagkakapatong sa kandungan nito. Kapwa sila nakaupo sa four setter chair. Samantalang si Erelah naman ay nakaupo sa carpeted floor at nakangising pinagmamasdan sila.
Umalis ang lalaki sa kaniyang tabi at may kung anong kinuha sa likuran ng inuupuan nila. Inilapag nito sa kaniyang paanan ang isang pares ng bunny slippers.
" Wear this instead of that killer heels of yours." Anito, napataas ang isang kilay ni Gertrude nang marinig ang paghagikhik ni Erelah.
Pag-aari kasi ng dalaga ang heels na suot niya, may kaliitan ang paa nito sa kaniya. At wala na silang ibang mapagpipilian sa sobrang pagmamadali kanina kaya iyon na lang ang isinuot niya. Dagdag pa na hindi sya sanay magsuot ng heels, mas pipiliin niya pang magsuot ng running shoes o di kaya naman ay sneakers.
" Have you eaten?"
" Hindi pa." Sinabayan niya pa ng pag-iling. Kanina pa nagtatalo ang mga bulate niya sa tiyan.
" Sumabay na lang kayo sa'kin." Ngiti nitong paanyaya.
" Pwedeng pera na lang?" Tanong ni Erelah habang nakataas ang isang kamay, animo'y sasagot sa isang graded recitation.
" And as for you young lady, umuwi ka na sa bahay, Mom is worried sick about you." Nasa tinig nito ang pag-aalala sa kapatid.
Magkapatid sina Zerachiel at Erelah sa ama. Ngunit hindi katulad sa mga napapanood na telenovela sa telebisyon, mabait ang naging pangalawang asawa ng ama ni Zerachiel na si Tita Erina.
" Here we go again, I told you I need more time to heal." Inis na saad ng dalaga.
" Fine, but at least you asked for Mom and Dad's permission first before leaving the house for them not to get worried." Nakapamulsang sermon nito. Tahimik namang pinagmamasdan ni Gertrude ang dalawa, piping humihiling sa Maykapal na sana'y mayroon din syang kapatid na mag-aalala at pagagalitan sya.
Ngunit kahit anong gawin niya, hindi na magbabago ang katotohanang mag-isa lang sya sa buhay at walang kadugo na maaaring masandalan. Maaaring nariyan nga ang kaniyang matalik na kaibigan ngunit iba pa rin talaga kapag kapamilya at lalong-lalo na tunay na pamilya.
" Kuya naglayas ako, hindi na paglalayas ang tawag dun kung sakali man na nagpaalam ako." Tawa ni Erelah. Umiiral na naman ang pagiging pilosopo nito.
" Yeah, you and your reason. As if you didn't bring with you half of Mom's stocks in her cupboard." Ibig niyang matawa nang pumasok sa kaniyang gunita ang nahihirapang mukha nito habang bitbit ang kinuhang pagkain sa cupboard ni Tita Erina.
Napailing na lang si Gertrude bago iginala ang tingin sa opisina ni Zerachiel. Namamangha pa rin sya kahit ilang beses na syang nakapasok sa makabagong opisina nito.
Sa edad na dalawampu't pito marami ng napatunayan si Zerachiel Guadarrama, nakapagpatayo na sya ng isang business empire at kilala ang pangalan niya sa larangan ng business world. Tanyag hindi lang sa buong Pilipinas kundi sa ibang bansa, lalong-lalo na sa Europa ang tinayo niyang telecommunication company. Mula sa sariling sikap at pagtitiyaga, nagbunga ang pagod at lumago nang higit pa sa inaasahan nito ang kaniyang kompanya.
Mabuti na lang talaga at hindi sya nagsawa kakukulit dito noon na ipagpatuloy lang ang ginagawa nito. Hindi niya mawari kung bakit pinagdududahan nito ang kagila-gilas na galing sa larangan ng makabagong teknolohiya.
Ibinaling niya ang tingin dito na ngayon ay nakikipagtalo pa rin sa kapatid. Bagama't mas naging matipuno ang pangangatawan at mas naging domineering ang awra nito, bakas pa rin ang binatilyong si Zerachiel sa kaniyang paningin.
Napatingin ito sa kaniya ngunit agad na napaiwas ng tingin nang magtama ang kanilang mga mata. Namula ang magkabilang pisngi at tenga nito. Napangiti na lang sya sa naging epekto niya dito.
Natigil sa pagsasalita si Erelah at pabalik-balik silang tiningan. Napangisi ito at tila'y may nakakatuwang ideya na pumasok sa kaniyang isipan.
" Kuya, uuwi ako kina Mommy sa isang kondisyon..." Nakangisi niyang saad.
" What is it?"
" Sa tingin ko hindi ka pa nakakahanap ng ipapalit sa dati mong tampalasan na sekretarya. Hire Gertrude instead and I'll be home an hour from now."
" Okay." Walang pag-aalinlangan nitong sagot.
" Where's my Gucci shoes pala from Vienna?" Maarteng hinawi ni Erelah ang tumabing na buhok sa kaniyang mukha.
" Sorry, it slipped out of my mind."
" Kuya!" Kulang na lang ay magpapadyak ito dahil sa inis sa kapatid.
NAPAANGAT sya ng tingin nang ilapag ni Sandy sa kaniyang harapan ang isang bottled water. Kinuha niya ito at kinalahati ang laman. Pakiwari niya'y tumakbo sya ng isang daang taon sa desyerto sa panunuyo ng kaniyang lalamunan.
Hindi niya mawari kung anong sumagi sa kaniyang isipan at nagawa niyang lakarin ang distansya mula sa tinutuluyang apartment hanggang sa pinagtatrabahuhang kainan. Halos inabot sya ng dalawang oras sa paglalakad.
" Are you sure na magre-resign ka na?" Tumango sya. Si Sandy ay isa sa masasabi niyang malapit na sa kaniya sa pinagtatrabahuhang fastfood chain. Mabait ito at magaang kasama kaya ito lang ang madalas niyang sinasamahan at kinakausap.
" Sayang, ikaw pa naman ang gusto kong i-recommend na pumalit sa'kin," Ito ang kanilang manager, ngunit ibig na ring mag-resign nito dahil isasama na ito sa susunod na buwan ng napangasawang Aussie sa Austrilia.
" Ikaw naman dapat kasi ang nasa katungkulan ko ngayon." Bakas ang panghihinayang sa tinig nito.
" Alam mo namang mas gusto ko ang magsilbi sa mga customer kaysa makipag-areglo lang." Mahina itong natawa.
" Titigil ka na rin ba muna sa pagsusulat?"
" Ah, oo." Nagpadala na rin sya ng resignation letter via email sa kaniyang immediate supervisor.
" Sabagay, kung mabibigyan naman talaga ako ng pagkakataong makapagtrabaho sa kompanya ni Mr. Zerachiel Guadarrama malamang ay doon ko lang itutuon ang aking pansin." Lihim syang sumang-ayon sa pahayag nito.
" Ger, let's go." Pag-aya sa kaniya ni Erelah na wari'y isang kabute na bigla na lang sumulpot sa kaniyang tabi.
" Sige Sandy mauuna na kami." Paalam niya sa kaibigang nakatuon na ang pansin sa bagong dating.
" Ms. Erelah?" Manghang wika ni Sandy.
" Yes, do I know you?" Taas kilay na tanong ni Erelah.
" Ako po 'to, ang dating executive assistant ni Sir Lucan." Marahang hinawakan ni Sandy ang kamay ni Erelah.
" Totoo nga po kayo." Impit na tumili ito. Nahihiwagaang nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Gertrude sa dalawa. Muntik ng mawaglit sa kaniyang isipan na isa nga palang A-list celebrity ang kaniyang kaibigan, hindi lang halata pero magaling ito sa larangan ng pag-arte at pagkanta.
" Fan na fan niyo po kami ni Sir Lucan." Napangiwi si Erelah nang muling marinig ang pangalan ng dating kasintahan. Tarantang kinuha ni Sandy ang tissue sa mesa at ang ballpen na nakaipit sa kaniyang uniporme.
" Pwede pong pakipirmahan, ibibigay ko lang po sa dati kong boss." Nanginginig pa ang kamay nito habang inilalahad kay Erelah ang tissue at ballpen.
" Okay." Kulang na lang ay mapatalon si Sandy sa tuwa.
" Alam niyo po ba na lahat ng events at shooting location na pinupuntahan niyo ay pinupuntahan din po namin ni Sir Lucan. Patay na patay po kasi ang isang 'yon sa'yo." Ayon sa paraan ng paglalarawan nito sa binata mukhang malapit ang mga ito sa isa't isa. Ngunit mukhang nakaligtaang aminin dito ni Lucan na matagal na silang magkasintahan ni Erelah. Lingid iyon sa kaalaman ng nakararami, ayon na rin sa kagustuhan ng dalaga.
" Talaga?" Ani Erelah na may naglalarong ngiti sa kaniyang labi ngunit kababakasan ng lungkot ang mga mata nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/309653535-288-k731207.jpg)
BINABASA MO ANG
Ever After Always (COMPLETED)
RomanceGertrude hid a secret, a secret that can either break or strengthen her relationship with Zerachiel.