HALOS liparin ni Gertrude ang distansya papunta sa entrance ng kompanya nang tumigil ang sinasakyang dyip. Kamuntik na syang tubuan ng talaba sa katawan sa sobrang traffic sa daan.
" Good morning Kuya Fred!" Bati niya sa security guard na malayo pa sya'y nakangiti na sa kaniya nang malawak. Nakipag-high five sya dito.
" Good morning po Ms. Gertrude!" Ngiti nito. Si Kuya Fred ay matagal ng nagtatrabaho bilang security guard sa kompanya ni Zerachiel. Malapit ito kay Erelah kung kaya't napalapit na rin ang kaniyang loob dito.
" Si Zerachiel- I mean si Sir Zerachiel, dumating na po ba?" Kinakabahang tanong niya dito.
Napatingin sya sa kaniyang wristwatch, ilang minuto na lang ay malapit na syang ma-late. Unang araw pa naman niya sa trabaho bilang isang pangkaraniwang empleyado.
" Wala pa po." Nakahinga sya nang maluwag sa naging kasagutan nito.
Pinagbuksan sya nito ng pinto.
" Salamat po." Napaatanda sya nang tuluyang makapasok sa kompanya ng lalaki. Kanina pa sya pilit na nilalamon ng kaba, nanlalambot din ang kaniyang tuhod. Mas dumoble pa ang kabang kaniyang nararamdaman nang lingunin sya ng halos lahat ng empleyado ni Zerachiel, wari'y hinihintay ng mga ito ang kaniyang pagdating.
Pasimple syang lumingon sa kaniyang likuran upang makumpirma kung sya ba talaga ang tinitingnan ng mga ito. Isang pamilyar na pabango ang kaniyang nasamyo. Ang paboritong pabango ni Zerachiel.
" Aray ko!" Napahawak sya sa tungki ng kaniyang ilong nang hindi sinasadyang tumama ito sa balikat ng lalaki. Hindi nga sya nagkamali ng hinala.
Mabilis syang napalayo mula dito. Bakas naman ang amusement sa mga mata nito nang makita sya.
Ang bango nitong tingnan sa suot na armani suit. Mukhang bagong gupit din ito kung kaya't mas naging maaliwalas ang mukha nito. Kung pagiging makisig lang naman kasi ang pag-uusapan ay hindi ito magpapatalo. Isa itong half Filipino at half Australian, matangkad, may matipunong pangangatawan, maamong mukha, nangungusap na mga mata, matangos na ilong, at manipis na hugis pusong mga labi. Kaya hindi nakapagtatakang ang daming nagkakandarapa at nahuhumaling sa lalaki.
" Good morning Sir." Pormal na bati niya dito.
Malawak sya nitong nginitian.
" Good morning Sir!" Halos sabay-sabay naman na bati dito ng mga empleyado nito.
" Good morning people, let's all break a leg today!" Masayang pahayag ni Zerachiel. Sumang-ayon naman sa lalaki ang kaniyang mga empleyado bago sabay na nagsipagbalik sa kanilang ginagawa.
Tahimik syang sumunod dito papunta sa elevator. Sa 20th floor pa ang office nito. Iniisip pa lang niya na araw-araw syang papasok sa ika-dalawampung palapag na 'yon ay nalulula na sya.
Naunang pumasok si Zerachiel sa kaniyang private elevator. Akmang papasok si Gertrude sa elevator na ginagamit ng katulad niyang karaniwang empleyado nang hatakin sya ni Zerachiel papunta sa kinaroroonan nito.
" You stay close to me." Napatanga sya sa tinuran nito.
" I mean we should get a long, right?" Namula ang ilong nito, dahilan upang lihim syang mapangiti. Same effect.
" Yes Sir, we should get a long just right." Tumatango niyang sang-ayon. Napatingin sya sa palapulsuhan na hawak ng lalaki.
Wari'y napapasong napalayo ito mula sa kaniya.
“ Are you okay Sir?" Nang-aasar niyang tanong dito.
" I'm just a little bit aflutter now that you're here with me,"
MATAPOS mai-briefing ng dating sekretarya ni Zerachiel ay nagsimula na sya sa kaniyang trabaho. Mukhang hindi naman sya gaanong mahihirapan dahil magagaan lang naman ang trabahong iniatang ng boss niya sa kaniya.
" Hey, Miss!"
" Yes, how may I help you?" Marahan niyang inalis ang salamin sa mata at maingat itong sinilid sa isang transparent na lalagyan.
" Who are you?" Maarteng tanong sa kaniya ng isang mestizang babae. Nakasuot ito ng white see-through sleeveless shirt kaya kitang-kita ang suot nitong push-up bra, naka-red lipstick, at nakakasilaw ang naglalakihang earrings nito. To sum it up, animo'y pupunta ito sa isang beach outing dagdag pa na nakasuot ito ng laichow.
" Obviously, I'm the new executive secretary of Mr. Guadarrama." Tinuro pa niya ang name plate na nakalagay sa kaniyang harapan. Napataas ang isang kilay nito, tila'y hindi natutuwa na makita sya sa posisyong iyon.
" I can't believe this. Are you making me laugh?" Mababakas ang inis sa tinig nito.
" Why would I humor you, Miss? I don't even know you in the first place." Kibit-balikat niya, isa na naman siguro ang babaeng 'to sa mga nagkakandarapa sa boss niya. Pang-apat na ito sa mga babaeng nagkakandarapa kay Zerachiel na nakalusot sa receptionist.
" Have you ever look at yourself in the mirror?" Tiningan sya nito mula ulo hanggang paa. Transparent ang mesa ni Gertrude kaya kitang-kita nito ang suot at ayos niya. Nakasuot sya ng cream colored button down long sleeve at beige pant suit matching with her nude stilettos. At wala syang nakikitang mali sa ayos niyang iyon.
" You don't even passed as an executive secretary to me." Anito, hindi niya rin mapigilang pagtaasan ito ng isang kilay.
" Again, Miss, I don't even know you and pleasing people like you is not even on my job description." Mas lalong sumama ang timpla ng mukha nito sa kaniyang tinuran.
" Who do you think you are para sagutin ako ng pabalang! You ugly-"
" Gertrude, kindly make me my favorite cup of coffee." Lumabas ang ulo ni Zerachiel mula sa pinto ng opisina nito. Bahagyang nataranta ang babae na nawalan ng poise dahil sa inis sa kaniya. Ngunit nagawa pa rin nitong ngumiti nang mapang-akit sa kaniyang boss.
" Hi love." Mabilis na nakalapit ang babae kay Zerachiel. Animo'y isa itong tuko na biglang yumapos sa kaniya, taranta namang napalayo sya mula dito.
" Who are you?" Pilit na kumakawala sya sa pagkakayapos nito.
Tumayo si Gertrude upang ipagtimpla ng kape ang kaniyang boss.
" Oh come on, I'm the only daughter of Mr. Salazar, the Senate President. Does it ring a bell?" Kaya pala masyadong malakas ang hangin na nagmumula dito.
Akmang tatalikuran niya na ang mga ito nang bigla syang hawakan sa kamay ni Zerachiel.
" Take me with you." Anito at biglang nagsumiksik sa kaniya.
" Ha?" Ibig niyang matawa sa nagmamakaawang mukha nito.
" She's harassing me." Nginuso nito ang babae na todo ang irap sa kaniya. Hindi niya mawari kung may problema ba ito sa mata o sa kaniya.
" Zerachiel, I'm your girlfriend, remember?" Nagpapadyak ito sa inis.
" I'm sorry, I don't date brats." Umayos ito ng tayo at seryosong tiningan ang babae.
" But I'm your girlfriend, right?" Tila'y naging maamong tupa ito.
" No." Walang paligoy-ligoy niyang sagot.
" I thought you love me." Nagsusumamong pilit na hinuhuli nito ang kamay niya.
" To be honest, I just met you today Miss." Ramdam niya ang pagkapahiya ng babae.
Bumagsak ang magkabilang balikat nito at bigong tinalikuran sila. Napatigil ito sa paglalakad at bahagya silang nilingon.
" I get what I want Mr. Guadarrama, please do remember that." Anito.
" A brat indeed." Bahagya niyang siniko si Zerachiel sa tinuran nito.
" You don't have to state the obvious Sir." Nag-apir sila at nagkatawanan na lang.

BINABASA MO ANG
Ever After Always (COMPLETED)
RomanceGertrude hid a secret, a secret that can either break or strengthen her relationship with Zerachiel.