Sina Kundol, Patola at Ako

90 3 3
                                    

Sina Kundol, Patola at Ako

YsunnY

© 2013

~~~~~~~~~~~

"Lapit ng Valentine's. Anong plano? Aaminin mo na ba sa kanya ngayong taon?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Ewan ko. Wala pa rin akong lakas ng loob eh." Sagot ni Kyle.

"Natatakot pa rin ako sa isasagot nya. Alam mo naman yung sitwasyon di ba?" sabi ni Patola.

'Heyneko! Kung di mo pa sasabihin mas masasaktan ka. Alam mo naman yun di ba? Baka maunahan ka pa ng kung sino dyan" sabi ko sa kanila.

"Haaaaaay" sabi nila pareho. Sinundan namin ng tingin yung babaeng dumaan sa harap namin.

"Oh, ano pang hinihintay mo? Gora na!" halos itulak ko sya papunta sa babae. Humakbang sya ng dalawa bago tumingin ulit sakin "Ajah!" bulong ko sa kanya.

Pero bago sya makalapit dun sa babae may tumawag dito kaya napatingin ito sa direksyon ni Kyle. Nasa likod lang pala nya yung lalakeng tumawag.

"Alyssa, will you be my date on valentine's?." Sabi nung lalake ng medyo malapit na sya kay Alyssa.

~~~

"Tengenget ka, alam mo yun?! Ba't di mo pa kasi sinabi? Andun ka na oh!" sabi ko sa kanila. "Takte! Ang arte mo!"

"Eh ikaw kaya!" sabi ni Patola.

"Shatap!" sabi ko sa kanya.

"Yaan mo na. Meron na rin namang syang date eh. Wala na rin kung sasabihin ko pa. Panira lang ako ng araw."

"Alam mo nakakainis ka na talaga!" hinila ko yung kwelyo nya, "Gusto mo bang ako na magsabi sa kanya para sayo?"

Hinila nya yung damit nya mula sa hawak ko, "Syempre hindi! Para namang di ako lalake nun!"

"Eh sa tingin mo sa ginagawa mo di pa mas maarte sa babae?"

"Tss.." sagot nila pareho.

"Nagsalita ang babaeng maarte!" si Patola.

"Sabi nang shatap eh!" sigaw ko sa kanya, "Thirteen na bukas. Last chance mo nang sabihin. Uupakan talaga kita pag di mo pa sinabi." >(#`皿')<

"Bakit pa? May date na rin naman sya. May gusto syang iba. Masasaktan lang ako."

"Eh kung di ka ba naman insecurity na tinubuan ng mukha! Eh ano kung may date na sya? Eh ano kung masaktan ka? Ang mahalaga nasabi mo sa kanya. Regret is worse than pain kasi you will forever asks what ifs."

"Wow! Expert lang sa love ang peg?" sabi ni Kyle.

"Talaga! May masteral na, may doctorate na, licensed at accredited pa ako!" pagsakay ko sa joke nya.

"Weh? Accredited nino aber?"

"Ni kataas-taasang Kupido."

"Ewan ko sayo!" (-_\)

~~~

Next Day~

"Sige na lapit ka na." Eto naman po kami sa pagtulak sa kanya.

"Oo na! Eto na nga oh!" tinalikuran nya ako at nilapitan si Alyssa. "Alyssa-"

"Aly, may date ka na?" tanong nung isang lalake. Halatang inuunahan si Kyle.

Ano bang meron sa babaeng toh at ang daming nagaayang maging date nila sa valentine's day? Pati tong si Kyle. Tsk. Tsk. Tsk. Kataas-taasang Kupido baka kailangan mo ng mag-retire. Sablay-sablay ka na eh, dapat...

Sina Kundol, Patola at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon