CHAPTER 1

1.2K 85 15
                                    

Chapter 1

Leinne Pov


"Waah! Lampa! Lampa!"

"Haha! Bading! Bading! Bading! Leinne bading!"

Tahimik akong umiiyak habang pinupulot ko ang mga notebooks ko na naglakat sa lupa. Ayaw kong isipin ang mga kantyaw nilang sa akin na lampa at bading kasi sanay na ako na laging ginaganoon kaso masakit pa rin kasi.

Nais ko silang gantihan. Nais ko silang sumabatan din kaso malalaki sila kumpara sa akin. Matatas sila kumpara sa maliit kong katawan at patpatin.

Hapon na at uwian na namin. Nagmamadali akong lumabas sa aming classroom dahil alam kong naghihintay na sa akin si Zadkiel sa labas ng gate pero sa kasamaang palad ay nabundol ko pa isa sa mga siga dito sa aming school. Grade six din naman sila tulad ko kaso sila matatangkad, mataba at maraming kasama. Samantalang ako nag-iisa lang payat at maliit pa.

May kaibigan naman ako dito sa school namin na si Vivian kaso umabsent siya ngayon kasi masakit daw ang tiyan sabi ni teacher kanina. Nagpadala kasi siya ng excuse letter kaya tinanong ko si teacher kung bakit absent si Vivian. Iyong si Vivian lagi rin akong pinagtatanggol noon. Maldita kasi siya at kahit na mga boys namin na classmates tiklop kay Vivian.

"Ano? Iiyak ka lang ba d'yan, bading? Asan na iyong kaibigan mong tomboy?" asar pa sa akin ni June.

Si June talaga ang bully sa buong grade six. Palibhasa kasi mataba at pabalik-balik na sa school kaya ganyan ang lakas na mambully. Sabay-sabay na tumawa ang mga kasama ni June. Nasa apat sila ngayon at pinagtutulungan akong inasar at kinantyaw ng kung ano-ano.

"Absent si Vivian ngayon bossing kasi sumakit ang tiyan." anang naman ng isa sa mga kagrupo ni June sa kanya.

"Hahahaha! Kinarma iyong malditang tomboy. Mabuti nga sa kanya." Maangas naman na untag ni June, animo'y mature na kung makaasta.

Masama ko silang tiningnan dahil sa kanilang sinabi tungkol kay Vivian. Anong karapatan nilang sabihin iyon sa kaibigan ko? Ang sama-sama talaga nila.

"H'wag ninyong sabihan ng ganyan ang kaibigan ko!" untag ko at napangisi si June sa akin at saka tinulak ang ulo ko kaya naman upo ako ng tuluyan sa lupa.

Napangiwi ako dahil iyong lupa ay may mga maliliit na bato at nasagi ang hita ko doon. Navy blue na shorts at polo ang uniform namin kaya naman naramdaman ko agad ang paghapdi ng hita ko.

Tumingin ako doon at nakita kong nagkagalos ang hita ko.

"Ha! Lampa ka talaga, Leinne! Bading na bading! Wahahahaha!" Kantyaw na naman nila at napapunas ako sa luha ko gamit ang braso ko.

Nanlalabo ang paningin ko sa luha saka ko kinuha ang huling notebook ko na nasa lupa at sinilid ko iyon sa bag ko na kulay pink at madumi na. Tinapak-tapakan kasi nila ito kanina pagkatapos nilang itapon ang mga notebooks, ballpens, at crayons ko.

Nag-aalala ako kapag iyong crayons ko nagkabali-bali na. Bigay pa naman iyon ni Zadkiel saka iyong mga ballpens ko bigay niya rin. Marami kasi siya noon kaya binigyan niya ako.

"Isusumbong ko kayo sa mama ko!" sigaw ko sa kanila at dahil sa sinabi ko nagalit ng husto si June sa akin.

Itinaas ni June ang kanyang paa para sipain na sana ako nang may sumigaw sa pangalan ko galing sa likuran nila.

"Leinne!"

Mabilis kong pinalis ang luha ko at pinulot ang bag ko.

"Zadkiel!!" Malakas kong sigaw. Parang saklulo na iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Boundaries #2: Drawing BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon