14

43 18 0
                                        

Olivia's Point of View

Nag-aayos ako ngayon sa harap ng malaking salamin dito sa kwarto ko habang pinagmamasdan ang kasuotan ko ngayon. Ito ang pinaka-magandang dress ko sa lahat. Ang dress na puti at para bang anghel ako sa ganda at puti nito, inayos ko rin ang buhok ko at nilagyan ito ng hairclip na perlas ang disenyo.



Hindi rin naman ganun kakapal ang makeup ko dahil ayaw ko naman magmukhang clown sa harap ni je. Naalala ko tuloy yung pag-paint niya dati sa mukha ko. Natawa nalang ako mag-isa na parang ewan.



Gusto ko maging maganda sa paningin ni je ngayon dahil ito na ang unang pagkakataon na inaaya niya ako mag-date. Napangiti nalang ako sa sarili ko at hinawakan ang pisngi ko.



Ilang sandali pa ay agad ko ng hinablot ang puting shoulder bag ko sa kama na may kaliitan din at agad na huminga ng malalim at saka agad na binuksan ang pinto.



Nang makalabas na ako sa kwarto ay bumaba narin ako sa hagdan. Sakto namang nandoon si mama at napansin ang suot ko ngayon.



"Oh? where are you going?" tanong nito sa'kin. Dumeretso lamang ako sa pinto ng bahay at hinawakan ang door knob bago mag-salita.



"Meeting someone i've been waiting for so long." sabi ko rito at tumingin kay mama at ngumiti ng malawak. Napangiti nalang din siya pabalik.



"Okay, be careful." paalala nito sa'kin bago ako makalabas ng bahay at agad na sumakay sa loob ng kotse ko. Pinaharurot ko na ito at nasasabik na'ko sa gabing makaka-date ko na siya, ito narin naman ang matagal ko ng hinihintay.

---



Nang makarating ako sa Cafe legarda ay agad akong lumabas sa kotse at huminga muna ng malalim at inayos ang sarili ko, ngumiti ako ng matamis at agad na naglakad papunta sa loob.



Pag-tapak ko sa pinto ay nakita ko agad si je na napaka-presintable ng suot at mukhang pinaghandaan niya rin ang date namin na'to. napahawi nalang ako sa buhok ko dahil sa kilig na aking nadarama.



Nakita ko pang kinausap niya ang tumutugtog ng piano upang mas lalong maging romantic ang Cafe na'to at lalo na ang mga nag-dadate dito.



Nakangiti parin akong pinagmamasdan siya, ngunit nawala ang ngiti sa mga labi ko't pati ang sabik at kilig na nararamdaman ko ay bigla nalang agad naglaho ng makita kong naglakad siya papunta sa isang table na kasama sila Elaine at Charles.



"Angtagal ni olivia." rinig kong sabi ni elaine at nakapatong pa ang baba nito sa kamay niya.



Nakaramdam ako ng pagkadismaya at pagkabigo ng makita ko silang magkakasama. Naloko ako ni je, Naloko niya ako. Akala ko ay totoo na ang lahat, Akala ko ay ito na ang unang pagkakataon na aayain niya akong mag-date, Akala ko ay ito na ang gabing mapag-uusapan namin ang mga bagay na kami lang. Ngunit mali pala, ang lahat ng ito pala ay patibong lamang niya para maka-date ko si Charles.



Double date pala ha.



Sakto namang napalingon sa gawi ko si je at sinabi pa kila elaine at charles na nandito ako. Agad na tumayo si je sa kinauupoan niya ngunit dahil sa pagkadismaya ko ay agad ko silang tinalikuran at naglakad ng mabilis palabas ng Cafe Legarda.



"Oleng sandali!" rinig kong tawag sa'kin ni je kung kaya't napatigil ako at inis na napakuyom sa'king kamao at napapikit na lamang.



Starting Over Again (CDH Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon