Entry Unknown

120 13 11
                                    

Malapit na ang New Year at wala manlang handa sa bahay kaya naman lumabas ako upang dumiskarte ng pera.

"Kuya Jack, pa extra naman ako oh."wika ko bago sumandal sa pader ng talyer nila.

"Oh Grace tamang-tama ang dating mo ah, sige ako bahala sayo."wika n'ya at napangiti ako sa tuwa.

May makakain na kami mamaya.

"Kuya half half ulit tayo."pahayag ko bago punusan ang noo kong tagaktak na sa pawis kakavulcanize ng mga sasakyan.

"Nako hindi na, ikaw naghirap d'yan kaya sayo na yan."sagot n'ya habang may inaayos na sasakyan.

"Hindi po pwede yun-"sagot ko pabalik pero inisnob n'ya ko.

Ay wow.

"Dali na kuya nang maka-alis na'ko."pagpupumilit ko.

Kailangan ko ng pumunta sa bayan at alam kong makapal na ang tao doon, baka maubos yung paninda.

"Wala akong naririnig."sagot n'ya.

At dumali nanaman pagkakalog n'ya.

"Caloy pasabi nga kay Grace na umalis na s'ya, kanya na yung pera papasko ko na."wika ni kuya Jack na parang hindi ako malapit sa kanya.

Nasa harapan mo lang ako oh.

"Grace kunin mo na, baka magbago pa isip n'yan."wika ni kuya Caloy at kahit anong gawin ko hindi ako mananalo dito.

Baka isampal neto sa mukha ko yung mga artikulo.

Lawyer nga naman, char.

"Hayyss sabi ko nga akin na'to, sige po una na'ko maraming salamat po mga kuya."wika ko bago tumatakbong umuwi sa bahay namin.

May pang graham na ako BWAHHAHAHAHHA.

"Grace, naku ikaw bata ka kanina ka pang hinahanap, saan ka nanaman galing?"si lola agad ang bumungad sa'kin.

"D'yan lang po sa may labas, rumaket po ako."sagot ko.

"Ikaw talaga, nagpadala na yung mama mo kahapon, eto nga pupunta tayong bayan upang mamili ng panghanda."sagot n'ya

Kaya pala gayak na gayak na s'ya.

Isa itong pang-aalipusta.

Ems.

Ok lang atleast may pera ako, graham pa rin naman patutunguhan neto.


"Ayusin mo nga yang upo mo parang di ka dalaga."saway sa'kin ni lola.

Bakit, naka pants naman ako ah, buti na nga lang napilit ko s'ya na hindi na magskirt dahil kung nagkataon may isang nilalang na naka-bihis pambabae pero lakad lalaki.

"Oh ito na po ibaba na."wika ko at nagtingin-tingin na lang sa paligid.

Kasalukuyang nasa tricycle kami papuntang bayan, flat yung sasakyan naming tricycle din kaya naman tamang commute lang kami.

Wala naman akong makitang mapakikinabangan kaya naman pinikit ko na lang ang mga mata ko bago sumandal sa sandalan ng tricycle.

At aray mas matigas pa sa hollow blocks, kaya naman napamulat ako.

Kung masakit na yun ano pa ng mapadaan kami sa rough road.

Shuta ang sakit ng balakang at bandang pwetan ko.

Kung ako ay tamang inda ng sakit aba, tamang chill lang yung kasama ko.

#slay

"Saan po tayo?"tanong nung tricycle driver.

Random EntryWhere stories live. Discover now