PROLOGUE

10 3 1
                                    

"Hindi ba sinabi ko ayusin ninyo 'to?!"

Padabog akong tumayo sa kinauupuan ko at inis na napatingin sa harapan ko, hindi ko alam ko may utak ba sila o bingi lang talaga sila.

Ilang beses kong pinaalala na kailangan ko ng isang gawa nila para makakuha ng idea para sa susunod na project namin.

"Ulitin ninyo! Bibigyan ko kayo ng 20 minutes para matapos!"

Agad silang nagsi-taguan mabilis nilang pinulot ang papel na sasahig, at lumabas sila sa opisina ko umupo ako at hinilot ko ang sentido. Kung kinakailangan kung kumalma ako gagawin ko hindi ko gustong paalisin sila pero kung gagawin nilang laro ang mga trabaho wala akong magagawa kundi ang paalisin sila.

Pumikit ako at pinakalma ang sarili.

"M-Ma'am, Mr. Teyamson is calling to meeting."

Napadilat ako nang marinig ko ang boses ng secretary. Nakayuko siya habang nanginginig ang sariling boses. Napaikot ko ang mata ko at kinuha ang suit ko na nakapatong sa likod ng upuan ko.

"Ready the meeting room." Seryoso kong wika.

Agad naman siyang tumango at lumabas ng opisina ko, kinuha ko ang laptop ko at papel na nakapatong sa lamesa ko.

Napasinghal ako nang makitang wala pa yung pinaoorder ko.

What the hell!? 5 days na nung pinaorder ko ang bag na gusto ko.

"SECRETARY LIM!" Sigaw ko.

"M-Ma'am? O-opo naandyan na po!" Rinig kong sigaw mula sa labas, muli akong napahilot sa sintido ko.

Nang makapasok siya tiningnan ko siya nang masama kaya naman napaiwas siya.

"Where is the bag I ordered? from canada?!" Sigaw ko. Nakita ko ang pag-pikit niya at napakamot sa batok niya.

"M-Ma'am kasi... naubusan daw sila ng stock kaya po baka daw sa susunod na linggo daw." Paliwanag niya.

Inis na hinubad ko ang suot ko at tinapon lang yun sa gilid ko.

"I want cancel that meeting. Ayokong makikipag-meeting ako ng masama ang loob." Mariin na wika ko agad naman siyang tumango at muling lumabas sa opisina ko.

Muli akong napapikit at napahilot sa sintido ko, kanina pa kumukulo ang dugo ko sa mga taong naandito hindi ko alam kong tama pa bang sigawan sila pero deserve nila dahil pakiramdam ko nilalaro lang nila ang trabaho'ng pinapagawa ko sakanila.

Para sa 'kanila din 'to, letche naman.

Bumuntong hininga ako at pinaikot ang kinauupuan ko, kaya naman napaharap ako sa malaking salamin.

Walang sa sarili akong napangiti dahil kitang-kita ko ang ganda na nasa labas, mas lalo akong lumapit at kinuhaan ko siya ng litrato. Mabilis ko naman ipinost yun sa social media account ko.

Hindi pa nag-tatagal ang post kong 'yun agad naman sumabog ang notifications ko, nilapag ko na lang ang cellphone ko sa lamesa at sinandal ang likod ko sa kinauupuan ko.

'Nang dahil sa tahimik kong buhay, nagulo na lang dun nang dumating si Angelo sa buhay ko.'

Agad akong napadilat nang marinig ko ang sariling boses, inis kong ginulo ang buhok ko at pinaikot ang kinauupuan ko sa harapan.

"M-Ma'am? Naandito na po 'yung order ninyo, nagkaroon daw po kasi sila ng stock." Rinig ko sa labas, pumikit ako.

"Come in." Mahinahon na wika ko.

Narinig ko ang pagkabukas ng pintuan ko kaya naman dumilat ako.

Para akong binuhosan ng malamig na tubig ng makita ko ang kasama ni Secretary Lim.

What the hell he's doing here?!

Mabilis akong umiwas dahil pakiramdam ko, kinuha niya ang kaluluwa ko sa matalim na titig niya. Kung meron pa siguro ako nararamdaman sa 'kanya sigurong mang-hihina ako.

Agad akong umiling at pina-blanko ang mukha ko at tumingin sa'kanila. Agad nag-salubong ang kilay ko nang makitang may binubulong si Secretary Lim sa lalaking kasunod niya.

"M-Ma'am this is Angelo Anderson, gusto ka daw pong makausap."

Agad nanliit ang mata ko dahil narinig ko ang panagalan na 'yun.


I hate that name.

•••

imyumirose

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon