Chapter 26 (Loss And Return)

62 4 57
                                    

CHAPTER 26 [Loss And Return]:

Macy's POV.

Dalawang araw na ang nakalipas simula nang matapos ang celebration para sa birthday ko. Nakalulungkot man na hindi naka-attend ang mga kaibigan kong nasa malayo sa araw na 'yon ay naiintindihan ko naman kung bakit.

Nasa loob ako ng isang branch ng starbucks dito sa Pasay. Nakapila na ko para umorder habang hinihintay ko si Porsha na nag-punta pa muna sa restroom.

"Margaux?" rinig ko pang tawag ng kung sinumang taong nasa likod ko ngunit hindi ako lumingon dahil tinitiyak ko na hindi lang naman ako ang may gan'ung pangalan. Sanay ako sa karaniwang tawag sa'kin bilang 'Macy.'

"Hey, Margaux!"

Gulat na lamang akong napalingon nang biglang may kumalabit sa'kin. Nanlaki ang mata ko nang makilala ko kung sino ang lalaking nasa harap ko ngayon.

"M-Micko?"

Lumawak ang ngiti niya. "Akala ko... hindi mo na ko makikilala!" Nag-sad face pa siya na parang bata.

Natawa ako.

"Paano ko makakalimutan ang taong nagsilbing superhero ko mula sa mga bullies noon ha, Micko Alvear?" taas noong wika ko.

First year high school ay classmates kami ni Micko. Tuwing wala ang mga kaibigan ko sa tabi ko ay siya naman ang nan'jan para ipagtanggol ako sa mga nambubully sa'kin. Suking-suki ako sa mga bullies noon sa school dahil nga sa pagka-mahiyain ko.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya kaya't iniwas niya saglit ang kaniyang tingin ngunit ibinalik niya rin.

"Wow! Hindi ka pa rin talaga nagbabago." Marahan siyang lumapit sa'kin at tinignan ako sa mata. "Pero mas lalo kang... gumanda" bulong niya at mabilis na umiwas ng tingin. Kita ko pa ang pamumula ng tainga at pisngi niya.

Napangiti ako. "Salamat..."

"Gosh! Ang haba ng pila sa restroom, nakakaloka!" rant ng kadarating lang na si Porsha.

Napatingin siya sa lalaking nasa likod ko. Napanganga at nanlaki ang bibig niya nang makilala niya kung sino ito. "Omygosh! Hindi ba siya 'yung kine-kwento mo sa'min noon! Ano nga ulit name mo? Mikoy? Makoy? Miki? Mickey Mouse?"

Kumunot ang noo ko sa mga sinabi niya. "Micko 'yon Porsh. 'Micko'" paglilinaw ko.

Ako 'yung nahihiya para sa kaniya.

"A-Ay hehe! Micko pala" nahihiyang sabi niya. "O-Oy! Natatandaan mo pa ba 'ko?" nakaturo sa sariling tanong ni Porsha kay Micko.

Ngumiti si Micko. "Oo naman Porsha! Kilalang kilala pa rin kita. How can I forget the ultimate crush ng lahat ng boys sa section namin."

Nagmamalaking hinawi ni Porsha ang buhok niya. "See! But anyway, hindi ka maniniwala sa sasabihin ko Micko! Guess what? Friend na namin si Hanz! 'Yung kapitbahay niyo dati na madalas na nambubully naman kay Pearl" ani Porsha.

"What?! Hindi na sila d'on nakatira ha?" nagtatakang tanong ni Micko.

"Oo nga. Pero nag-condo na siya d'on sa probinsya" pamamalita ni Porsha.

My Goddess Princess (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon