Prologue

124 9 0
                                    

PROLOGUE

BAHAGYA ko pang inayos ang suot kong uniporme saka sumulyap sa hawak kong compact mirror. I want to make sure that I look presentable. Tiningnan ko pa ang kilay ko kung pantay ang pagkakaayos.

"Anak, may balak ka bang bumaba?"

I heard my dad's voice.

"Wait lang dad," kinuha ko naman sa aking bag ang bago kong liptint saka muling naglagay noon sa labi.

"Bumaba ka na at baka ako naman ang ma-late sa trabaho," wika ulit ni dad.

"Dad naman," maktol ko. "Hindi mo pa nga ako binibigyan ng allowance eh!"

Nakita ko naman na tumawa sya saka dumukot ng pera sa wallet. Akala nya yata ay makakalimutan ko!

"Thanks dad!" nakangiti kong tinanggap ang pera saka binuksan ang pintuan ng aming kotse. "Oo nga pala," sumilip ako sa bintana dahil may nakalimutan akong sabihin. "Wag nyo na po akong sunduin mamaya. Magbabyahe na lang ako."

"Okay. Mag-aral kang mabuti."

Matapos kumaway ay pinanood ko na lang si dad na mag-drive palabas ng pinapasukan kong school. Nang wala na sya sa paningin ko ay saka lang ako nagsimulang maglakad papasok ng campus.

Bahagya pa akong napangiti nang matanaw ang napakalaking bandera sa entrance.

"Welcome to Central Valley High," mahina kong basa sa nakasulat doon.

Marami na din estudyante sa paligid. Napupuno ang paligid ng kanilang mga tawanan. For sure, na-miss nila ang bawat isa sa nagdaang summer break.

Inayos ko na lang ang buhok ko saka nagpatuloy sa paglalakad. I was looking for my friends. Nasaan na kaya sila? Ang usapan namin kagabi sa chat ay dito kami sa gate magkikita-kita pero ni anino nila ay wala.

Nang masigurong wala sila sa paligid ay dumiretso na lang ako sa registrar's window para kunin ang bago kong schedule. Nakakatuwa lang. Ito na nga pala ang huli kong taon sa high school.

"Here's your schedule," inabot naman sa akin ng registrar ang isang card.

"Salamat po!" nakangiting binasa ko ang nakasulat doon.

Kagaya ng inaasahan ko ay nasa section one pa din ako. Wala naman halos pinagkaiba ang subjects kumpara noong isang taon. Ang bago lang ngayon ay sa ibang classroom na kami mag-aaral.

Excited na naglakad ako patungo sa senior's building. Gusto kong kiligin. Senior high na ako! This is the most exciting part of being a high school.

Ilang sandali pa at nakarating din ako sa bago naming classroom. Iilang estuyante pa lang ang nadatnan ko at lahat sila ay naging kaklase ko na.

"Yo!" salubong ni Noah na isa din sa mga kaibigan.

"Yo!" I gave him a high five. "Nasaan na sina Molly?"

Nagkibit-balikat naman sya. "Baka tinanghali na naman ng gising. First day of school ngayon, wag mo munang asahan na maaga syang papasok."

Naiiling na naupo na lang ako sa sa isang silya na nasa sulok habang pinagmamasdan ang unti-unting pagdating ng mga kaklase ko. Same old face, same old voices.

"Paige Barton!"

Isang tili mula sa pintuan ang umagaw ng pansin ko. Agad akong napangiti nang makitang dumating na pala si Molly kasunod si Hope. Pareho pa silang hindi naka-uniform at pawang maliliit na bag lang ang dala.

"Kailangan talagang ipagsigawan ang buo kong pangalan?" mahina ko syang tinampal sa balikat.

"Kamusta?"

I'm Dating a Superstar (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon