Chapter 11

16 4 0
                                    

CHAPTER 11

PAIGE'S POV

WALA akong nagawa nang hilahin ako ni Yoshiro palabas ng campus hanggang sakayn ng jeep. Kainis! Bakit nya ba ako pinigilan? I swear to God, gusto kong kalbuhin ang babaeng iyon! How dare she kissed Yoshiro in front of me.

"Pwede mo na akong bitiwan," sinubukan kong hilahin ang kamay ko ngunit napangiwi lang ako dahil mas humigpit ang hawak nya doon.

Napasulyap naman ako sa kanya. Nakatalikod sya sa akin kaya hindi ko makita ang reaksyon nya. I want to see his face. I want to know what he's thinking about that kiss!

Teka, sa labi iyon. First kiss kaya iyon ni Yoshiro?

Mas lalong kumulo ang aking dugo. I've never kissed someone and I bet Yoshiro haven't kissed a girl as well. Parang bula na nawala ang pangarap ko na magkaroon ng espesyal na unang halik. I was planning on giving my first kiss to him but after what happened, I don't think it'll be the same.

"Teka—" kamuntikan na akong matisod nang hilahin na naman nya ako.

We both went inside the jeep. Nang makaupo ay doon lang nya binitawan ang kamay ko. Umandar naman ang jeep kaya gustuhin ko mang bumaba at balikan si Celestine ay di ko na magagawa.

Bwisit na babae iyon! Pasalamat sya at hinila ako ni Yoshiro, kung hindi ay manghihiram sya ng mukha sa aso!

Pasimple ko namang sinulyapan si Yoshiro. He's still silent as before. Well, lagi naman syang tahimik.

Ano kayang tumatakbo sa utak nya? Galit ba sya?

Napabuntong hininga na lang ako. Nadamay na naman sya dahil sa akin. Una kay dave, ngayon naman ay kay Celestine.

"Let's go," aniya saka muling hinawakan ang kamay ko.

Hindi na ako nakapagsalita nang hilahin na naman nya ako. Ganoon pa din ang ginawa nya hanggang makarating kami sa tinutuluyan nya.

Nang nakapasok sa kanyang silid ay walang imik na naghubad na naman sya ng suot na uniporme. Napatalikod na lang ako. Hay! Ano ba ang iniisip nya at basta na lang sya naghuhubad sa harapan ko.

"Tatayo ka na lang ba d'yan?" narinig kong tanong nya.

Agad naman akong napaharap. He's now dressed and was picking some books on the floor.

Walang imik na nagtanggal na lang ako ng sapatos saka ibinaba ang aking bag sa lamesa. I then remembered that I still have his test papers.

"Oo nga pala!" kinalkal ko naman ang laman ng bag ko. "Nasa akin nga pala ang test papers mo. Nalimutan kong ibigay sa'yo."

Itinaas ko naman ang papel. Sinulyapan lang nya iyon saka nagpatuloy sa ginagawa.

Eh? Hindi ba sya excited makita ang grades nya?

"Pakilagay na lang sa study table ko," aniya saka nagtungo sa lababo.

"O-okay," clueless kong sagot.

Nagtungo na lang ako sa study table nya para ilagay iyon doon. Ngunit natigilan ako nang makita ang ilang papel na naroon. Nagsalubong ang aking kilay nang makita na mga quizzes at long test pala ang mga iyon.

Nilingon ko si Yoshiro. He's now busy washing the dishes. Binalingan ko muli ang mga papel doon at isa-isang binuklat iyon

I was surprised to see his scores. Lahat ng tests nya at quizzes ay lima lang ang mali. Maging ang entrance exam paper nya ay naroon. It's the same. Kinakabahan na iniangat ko iyon saka tiningnan ang mga mali nyang sagot.

I'm Dating a Superstar (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon