Kabanata 2 : Suspects
El Casa
Kinabukasan
"Tito!" gulat na sabi ni Amon ng makita si Autumn kasama si Chhaya na bumungad sa opisina nito sa El Casa.
"Si Aj?" tanong ni Autumn.
"Si AJ po? Umuwi na po." sabi ni Amon na napatingin kay Chhaya.
"Hindi siya umuwi. Si Hestia nandito ba?" tanong ni Autumn.
"Si Hestia po?" nagtatakang sabi ni Amon.
Napatingin si Autumn kay Amon, halatang nagulat ito ng dumating siya kaya nagtaka siya dahil si Amon ang taong tulad niya hindi ito basta-basta nagugulat kung wala itong kakaibang ginagawa na nasaktuhan.
"Wala po dito." nakabawing sabi ni Amon ng mabasa ang nasa isip ni Autumn.
Napangisi si Autumn, ng mapansin nabasa ni Amon ang nasa isip niya na inasahan naman niya.
"Wala sila sa bahay." sabi ni Chhaya.
"Baka po pinasyal lang ni Aj." sabi ni Amon.
"Hindi niya gagawin iyon." sabi ni Autumn pero napangisi ito sa naisip dahil alam niyang gagawin ni AJ kapag naisipan nito bigla.
"Oppps. May tao." sabi ni Alex ng humungad ito sa pintuan at makita ang tiyuhin at ang asawa nito.
Napatingin si Autumn kay Alex kamukhang kamukha ito ng ama nitong si Ash na kapatid ni Autumn at habang tumatagal nagiging kamukha lalo ito ni Burn. Napabaling ang tingin ni Autumn kay Amon at napakunot ang noo nito dahil kamukha niya ito na ipinagtataka niya talaga hanggang ngayon.
Magkahawig naman sila ni Ash kaso mas prominent ang itsura ng Valiente sa kanya. Si Ash kasi na kapatid niya pinaghalo ang mukha nito sa Cheung o pinaghalong Ramon at Rod ang mukha ni Ash.
"May dumi po ba?" sabi ni Amon kay Autumn ng titigan siya nito sa mukha.
"Hanapin niyo si Aj at si Hestia." sabi ni Autumn na napailing sa naiisip.
"Okay po." sabi ni Amon.
Napabaling muli ang tingin ni Autumn kay Alex kaya nagsalita ang pamangkin ng makuha nito ang atensyon niya uli.
"Tito, sakto po kayo kasi wala na si Tita Adira sa hospital then iyong baby at si Tito Shadow." sabi ni Alex.
"Ano?" sabi ni Autumn.
"Paano iyong mga labi nila Joey at Martein?" sabi ni Chhaya.
"May kumuha na po at kay Lola Joyce. Saka po iyong nakalibing na labi ni Lolo Arthur, wala na si mausoleo nila." sabi ni Alex
"Paano nangyari iyon?" sabi ni Autumn.
"Sinong kumuha?"sabi ni Chhaya.
"Wala pong nakakaalam at wala rin nakakaalam kung saan dinala." sabi ni Alex.
Napaisip si Autumn, hindi ito nagsalita at naglakad-lakad sa loob ng opisina habang nakatingin lang ang tatlo dito.
Napatingin si Autumn sa labas ng salaming pader kung saan tanaw doon ang malawak ng karagatan.
"Hanapin niyo si AJ." seryosong sabi ni Autumn.
"Opo." sabi ni Amon saka nito kinuha ang cellphone at inutusan ang mga tauhan.

BINABASA MO ANG
H 17 : Forever : Book 3: H6.3 - Autumn and Chhaya : Completed
RomanceHanggang kailan ang walang hanggan? CCTO; Images, photos, videos, lyrics Original novel bay Rose Chua Plagiarism is a Crime Do NOT Copy date Started : May 10, 2022 date ended : May 24, 2022