So ito ang errand namin ngayong gabi, ang magpunta sa bar. Ang dami ko na sanang natapos ngayon na gawain pero ito, nandito ako nakaupo lang habang si Persia ay all-out ngayong gabi. Kung sino-sino na ang nilalapitan at kinakausap.
Kanina pa siguro nakakunot ang noo ko sa inis dahil walang lumalapit sa akin at dahil nayayamot na ako kakaantay, as if namang may lalapit.
Itinaas ko ang baso ko para umorder ulit ng isa pang lemonade juice. Yep, nakakailang baso na ako ng lemonade juice. Wala ako sa mood na mag-alcoholic drinks dahil baka magwala ako rito sa inis ko kay Persia.
"Here you go, ma'am." Inabot sa akin ng bartender ang baso at nagpasalamat naman ako. Pero hindi siya bumalik kung saan siya nakatayo kanina at tiningnan lang ako nang may pag-aalala.
"Bakit?"
"Napansin ko lang po kasi na nakakailang order na kayo, may inaantay po ba kayo?"
Gusto ko mang sagutin yung bartender to mind their own business pero halata ang pag-aalala sa boses at mukha niya.
"Thanks sa concern pero no, I'm not waiting for anyone." Dinaan ko ang tingin ko kay Persia na sumasayaw sa dance floor kasama ang isang babae na pang sampo na niya siguro.
"Ah, girlfriend niyo po?"
Muntik na ako mabulunan sa lemonade juice dahil sa sinabi ng bartender.
"What? No way. That's my boss."
Tumango naman ito at pumunta ulit ang mga mata niya kay Persia.
"Hmm, pero bagay po kayo."
Ayon ang huling sinabi niya bago ako bigyan ng kindat at pumunta sa customer na tumatawag sa kaniya kanina pa.
Isinantabi ko nalang yung sinabi ng bartender. Binuksan ko ang phone ko para i-check kung may message ba na galing kay papa pero wala. Inubos ko nalang yung lemonade juice habang tumitingin sa paligid ko.
"Jess! Tara!"
Napataas ako ng tingin sa tumawag ng pangalan ko at nakita ang lasing na Persia.
Umiling ako at bumalik sa pag-inom. Pero hindi siya nanahimik dahil siya na mismo ang naglakad papunta sa akin.
"You need to loosen up! Come on!" Akmang hinihila na niya ang braso ko pero nanatili akong nakaupo.
"No thanks. Mauuna na rin naman ako umuwi maya-maya."
"Aww..." Malungkot niyang sinabi.
Uupo na sana siya sa tabi ko nang biglang bumagsak ang katawan niya at huli na bago ko pa masalo ang katawan niya. Sumenyas yung bartender kanina sa may entrance ng bar, kaya may dalawang lalaki na lumapit kay Persia at tinulungan itong tumayo.
Inabot ko ang bayad sa bartender at tumango ito sa akin. "Sundan mo na sila. Have a good night."
"Thanks."
Nagmadali akong lumabas ng bar para humabol sa dalawang lalaki. Itinuro ko sa kanila yung sasakyan ko at maigi naman nilang pinasok si Persia sa loob ng kotse.
"Salamat po."
Pumunta na ako sa driver's seat at sinimulang paandarin ang sasakyan. Binigyan ko muna ng huling tingin si Persia para tingnan ang kalagayan niya.
It's really bad. She looks messy, which isn't her usual look.
Gulo-gulo ang buhok niya at yung outfit niya kanina na sobrang ayos ay may mantsa at gusot na.
Ang uto-uto ko talaga.
BINABASA MO ANG
Indebted (GXG)
RomantikGraduation? Done. Work? Mayroon. Financially Stable? Yes. Married? No... Ito ang storya ni Jessica Tuazon, o mas kilala bilang isang palabirong kaibigan sa kanilang magtotropa. Habang ang mga kaibigan niya ay kasal na, naninirahan sa ibang bansa, ma...