Nung una . Tinatarayan niya ako pero alam ko at ramdam ko crush niya narin ako . Kaya mas lalo akong nag karoon ng chance . Isang araw kinuha ko ang number niya . May cp kasi siya dati . Lagi ko siyang tinatawagan at ni ttxt . Isang araw , Tinawagan ko siya . At nag tapat ako sa kaniya . Sabi ko gusto ko siya . Nung una ayaw niyang maniwala . Pinapunta ko siyang court sabi ko punta ka at may sasabihin ako sayo . Nag punta siya pero nahihiya siyang lumapit sakin kaya niligawan ko na lang siya through call . At masayang masaya ako nung araw na yun dahil sinagot niya ako April 7, 2014. Ewan ko kung bakit ang bilis ko siyang na pasagot siguro nga dahil nagustuhan niya na rin ako .Kapag may laro kami ng basketball lagi siyang nanunood . Hawak niya cp ko lagi . Wallet at tshirt. Malakas mag cheer ang barkada niya kaya ganado ako lagi mag laro . Lalo na kapag na kapag nakatingin sakin siya . Hindi siya sweet minsan . Dahil nahihiya pa siya dahil nga ang edad namin . Malayo ang agwat . Pero lagi ko naman sinasabi sa kaniya na wag niyang isipin ang edad namin . Sabi ko wala sa edad yun sa pagmamahalan yun . Lagi ko siyang pinupuntahan sa bahay nila . Lagi ako dun sa bintana nila ..kasi kwarto nila yun eh kaya dun ko na lang siya kinakausap . Kinukulit. Halos araw-araw at gabi-gabi kami dun nakatamabay ni pipoy at ni rolando Kasi hindi pa alam ng magulang at lola niya na kami na. Binigyan ko siya ng hikaw nung nag monthsary kami. Ewan ko kng na saan na yun ngaun sabi ko ingatan niya . Kasi may sentimental value yun parin sakin . Nag daan pa ang ilang monthsary namin . May away dito . May tampuhan at minsan may break up pang nangyayari pero nag kakabalikan din naman agad .sino nga naman ba ang hindi mag kakaintindihan sa ganung lagay . Kasi ako matured na ang isip at siya hindi pa kaya Kailangan ko talagang mag adjust . Lagi akong sweet sa kaniya . Sa totoo lang hindi ko siya inaaway siya lang itong laging hindi ko maintindihan kung seryoso ba o hindi kasi parang feeling ko . Ako lang ang may alam na girlfriend ko siya . Kasi never niya akong nasasabihan ng i love you in person . Lagi lang through chat siya nag sasabi ng i love you sakin . Never niya rin . Hinawakan ang kamay ko . Ako lang naman tong humawak lagi ng kamay niya . Lagi pa niyang binibitiwan pag hawak ko na parang ayaw niyang makipag holding hands man lang . Never ko rin siyang nayakap . At nahalikan . Nag karoon ng time na ako na ang gumawa ng paraan para mahalikan siya . Tinawag ko siya nun nakatambay ako mag isa sa tindahan nila ate joy . Sabi ko may ibubulong lang ako sa kaniya . Pero hindi ko siya binulungan. Hinalikan ko ang pisnge niya . Nagulat siya at nagalit . Pero ramdam ko nagustuhan niya kahit nan didiri siya. Hehehe . Pero sabi ko sa sarili ko Yes! Naka score na rin ako hehehe.. At simula nun hindi ko na na ulet yun inulet kasi alam niya na eh. Kapag nakikita ko siyang nag lalaro . Pinag sasabihan ko siya kasi puro bata na lang yun kalaro niya eh. Sabi ko mag matured ka naman chai . Minsan kasi nakayapak pa siya kung mag laro kaya pinag tsi-tsinelas ko siya. In fairness sumusunod naman siya sakin . At pati pag lalaro unti- unti niya na ring na itigil . Siguro dahil napansin niya na rin na malaki na siya para mag laro pa ng mga ganun. Hindi ko naman sinasabi na mali ang maglaro syempre . Kailangan niya naman din mag matured di ba . Kasi mga kaibigan niya na ka edaran niya hindi na nag lalaro eh. Puros pag iikot na lang ang ginagawa dito sa subdivision . Marami pang araw . Buwan ang lumipas minsan masaya . Minsan malungkot .
- Next part naman hahaha..
BINABASA MO ANG
Age doesn't matter
RomanceSabi nila hindi daw hadlang ang edad sa pag ibig . Oo tama naman sila . Age doest matter nga di ba. Kaya basahin niyo po ang lovestory ng buhay ko . Sensya na po kung medyo maikli lang . Dagdagan ko na lang sa susunod .