HULI

109 3 0
                                    

Pagkabasa ko ng message ni Sir. Jin ay agad ko nang tinapos yung hinuhugasan ko. Tinawagan ko na rin si Mommy, upang ipaalam sa kanya na aalis ako.

Umakyat na ako sa taas para mag-ayos. Sandali lang ako naligo at binlower ko yung buhok ko para matuyo agad.

Simpleng jeans at croptop lang ang suot ko, tapos ay naka-sneakers ako. Hinayaan ko lang na nakaladlad ang buhok ko at kinuha ko na yung bag ko.

Sinigurado ko na naka-lock yung pintuan namin bago ako sumakay sa kotse ko.

Bago ako tuluyang makaalis ay nakatanggap ako ulit ng new message galing kay Sir. Jin.

Jin Tamayo

Are you coming?

Yumi Capili

Yes po, I'm on my way na po

Jin Tamayo

Okay, take care.

Hindi naman traffic kaya naman nakarating agad ako sa school namin. Nag-park ako sa malapit sa exit, para mabili nalang kapag pauwi na ako.

Tiningnan ko muna ang mukha ko sa may salamin bago ako tuluyang bumaba.

Tahimik ang buong school, obviously wala naman na kasing pasok. May ilan na dumadaan pero sure ako na mga staffs lang yon dito sa school.

Tinahak ko na ang daan papunta sa may faculty room, nakasalubong ko pa si Sir. Sanchez.

"Yumi, anong ginagawa mo dito?"tanong niya sa akin. Ano nga ba? Pinapunta ako ni Sir. Jin pero hindi ko naman alam ang rason.

"May need lang po akong isubmit na last assessment."sagot ko sa kanya. Kahit ang totoo ay naipasa ko na yon.

"Osige mauna na ako sayo, see you next school year."sambit niya. Tumango lang ako sa kanya at nagpaalam sa kanya.

Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob ng faculty room. Doon ay naabutan ko si Sir. Jin na nag-aayos ng kanyang gamit.

"Sawadee kha, Prof."bati ko sa kanya.

"Come here."tawag niya sa akin. Agad naman akong lumapit sa kanya.

Nag-usap lang kami about sa mga subjects ng engineering. Nakwento niya sa akin na muntik na siya bumagsak non, pero buti nalang ay nakabawi siya nung finals.

"Ang ganda pala ng smile mo."biglang sabit niya. Napahinto naman ako sa pagkuha ng mga papers niya. Tinutulungan ko rin kasi siya na mag-ayos ng gamit niya.

"When I first saw you, poker face lang mukha mo. Mysterious , I never saw you smile or laugh. Ngayon lang."sambit sabay ngiti sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Aminado naman ako, mahirap akong pangitiin. Sa school kasi ako yung nerd na nakaupo sa may unahan sa gilid , sa may bintana.

Talagang ang focus ko lang ay mag-aral nang mag-aral. Yes, I have friends pero more on academic related ko lang sila nakakausap. I don't have a chance na makipag-usap as in asaran or harutan.

"You should smile often."nakangiting sabi ni Sir. Jin. Ngumiti nalang ako sa kanya at pinagpatuloy na ang ginagawa namin.

Saktong 12nn ay natapos na kami. Lumabas kami ng faculty, habang bitbit ni Sir. Jin yung isang box na may lamang gamit niya.

"Let's have a lunch."sambit niya.

"Gusto ko man po, pero ayoko naman po na magkaroon ng bad impression yung mga matao. Sure po ako na maraming students ang pwedeng makakakita sa atin sa labas."sambit ko sa kanya.

Ayoko lang na may makakita sa amin at pag-isipan kami ng masama. Sa panahon ngayon may makita lang yung tao, lalagyan na agad nila ng malisya at gagawan pa ng issue.

"Then, let's eat inside my car, tinted yung sasakyan ko at sure walang makakakita satin."sambit niya. Tumango nalang ako sa kanya.

Nag-drive thru kami sa mcdo at nag-park siya sa may pinakadulo. Sandwich lang and fries ang inorder ko, tapos siya ay kanin at fillet.

"How old are you again?"tanong ulit niya sa akin. Sobra namang napaka-malilimutin nito.

"20 po."sagot ko. Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Kaya naman bahagya akong napa-atras.

Pinunasan niya gamit yung thumb niya yung labi ko.

"You look like a kid. Ang kalat mo kumain."natatawang sabi niya. Agad akong umatras at ako na ang nagpunas ng labi ko.

Nakakahiya!

"I had fun, thank you for coming, Yumi."biglang sambit niya.

"You're welcome po, Sir."

Ngumiti siya sa akin at lumabas siya. Nagtaka naman ako, pero hindi na ako nagtanong. Inubos ko nalang yung pagkain ko, habang nakikinig sa music.

Maya maya ay bumalik na si Sir. Jin. May dala siyang isang makapal na libro.

"Here."abot niya sa akin. Agad ko iyong kinuha at binasa yung title.

"The Beginning."basa ko doon.

"Inside that book, you will read different kind of story. You will know the real meaning of Love."sambit niya sa akin.

Nagsimula na siyang magmaneho pabalik sa school. Nakatingin pa rin ako doon sa libro na bigay niya. Sobrang kapal non at sobrang kulay nung book cover.

"Thank you for being with me today. Always take care, Yumi. Finish your study with Latin Honors, I know you can do it. See you again next time."sambit niya sa akin.

"Thank you, Sir. Ingat din po and Godbless sa new journey niyo."sambit ko sa kanya.

Bumaba na ako sa may sasakyan niya at pumunta sa may sasakyan ko.

Papasok pa lamang ako sa loob ay narinig kong nagsalita ulit si Sir. Jin.

"I like you, Yumi."saad niya sa akin. Muntik ko ng mabitawan yung libro na hawak ko. Hindi ko ineexpect na sasabihin niya yon.

"But, this is not the right time. Read all the story inside that book to know the different kind of love. I will come back when you finish it. Take care, Yumi!"huling sabi niya bago siya umalis.

Habang ako ay tulala at hindi makapaniwala sa mga narinig ko. Muli kong tiningnan yung libro na hawak ko.

"The Beginning."basa ko ulit.

Her Professor  [Completed]Where stories live. Discover now