Chapter 4
Kakagising ko lang pagtingin ko sa orasan, 12:30 na ng tanghali. Grabe. Di ako makatulog ng maayos kagabi sa kakaisip sa nangyare kagabi. Di ako makapaniwala. Tapos naalala ko pa yung ngiti ni Les--aish! Tumigil ka nga, Angel! Di ka pwedeng magkagusto don sa lalakeng yon okay?
"Magandang tanghali po lola." Narinig kong sabi ng isang lalake na parang nasa sala namin.
Hmmm. Sino kaya yon?
"Magandang tanghali din sayo, iho!" Narinig kong sabi ni Lola dun sa lalake.
"Kamusta na ho kayo?" Sabi nung lalake.
"Ayos naman. Maraming salamat sa pagligtas at paghatid mo sa apo ko kagabi ha!" Sabi ni Lola. Wait... WHAT?!? Andito si Les--wait! Ano nga ba ulit pangalan non? Leslie? Yun ba yun? Oo yun nga yata yon!
"Wala hong anuman. Sa susunod ho, pagsabihan nyo yung apo nyo na wag pagala gala sa daan ng madaling araw dahil ho madaming manyak sa tabi tabi."
"Wag kang mag-alala, iho! Di na makakalabas yun ng lagpas alas-singco ng hapon. Tara iho sabayan mo na kami kumaen ng tanghalian." Sabi ni Lola..
Ako naman, naisipan kong maligo muna bago bumaba.
*after 30 minutes*
Ayan! Tapos na ako maligo at mag-ayos pwede na akong bumaba.
Pagkababa ko nakita kong kumakaen pa din sila. Tagal naman nilang kumaen nakaligo na ko't lahat di pa din sila tapos. Naisipan kong sabayan sila. Wow! Ang sarap ng pagkaen! Yum! My favorite, Lengua. Yehey!!
"Oh apo! Gising ka na pala! Tara sumabay ka na saamin kumaen" sabi ni Lola. Umupo na ako sa tabi niya at kaharap ko yung Leslie. At nagsimula na akong kumaen.
*nom nom nom nom" hmmmm ang sarap!
"Nga pala, iho pwede mo bang ipasyal tong apo ko sa bayan? Balita ko kasi may perya don ngayon eh." Biglang nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Lola at napahinto ako sa pagkaen. At napatingin kay Lola.
"Oo naman po, Lola" nakangiting sabi ni Leslie. Aba! Kung makangiti naman to kala mo kung anong balak sakin eh. Mamaya kaya pala niya ako niligtas sa mga rapist kagabi dahil gusto niya siya ang mang-rape. Oh no no no noooooo!
"Lola, bat po kailangan siya pa ang kasama ko? Pwede naman pong kayo. Tsaka baka mamaya kung ano pang gawin sakin niyan." Pagproprotesta ko kay Lola.
"Apo, mabuting tao si Lester. Di ka aanuhin niyan. Tsaka may gagawin pa ako eh. Kaya si lester na muna bahala sayo. Diba Lester?" Sabi ni Lola at sabay kaming tumingin kay Leslie. Eh bat parang iba yung banggit ni Lola sa pangalan niya? Aish! Ewan.
"Oo naman po, lola!" Sabi ni Leslie sabay kindat pa sakin. Yuck!
Pagtapos kumaen, nagbihis na ako at umalis na kami ni Leslie. Hays! Wala naman akong magagawa
"Uhm.. Leslie, salamat nga pala ulit sa pagligtas mo sakin kagabi ha!"
"Huh? Anong leslie? PFFT HAHAHAHAHAHA! Di Leslie pangalan ko no! LESTER PO PANGALAN KO LESTER!! L E S T E R!" Sabi ni Leslie ay este Lester. Inispell pa. Para namang ang bobo bobo ko. Psh!
"Sorry naman! Mali lang ng pagkakaalala eh."
"Hahahahaha! Si Angel, ulyanin na! HAHAHAHAHAHA"
Lecheng lalake to! Aish. Nang-asar pa nakakainis!"
"Oo na, oo na! Tumigil ka na please...arghhhh!"
"Pikon siya oh. HAHAHAHAHA PIKON" sabi niya sabay kurot sa pisngi ko
"Ouch! Ano ba! Ang sakit kaya!"
"Sorry na haha"
Di na ako sumagot. Tapos bigla akong nakakita ng pink na teddy bear na malaki. Omg! Ang cute! KYAHHHHHH! Gusto ko non!!!! Omg.
"Lester, maglaro ka nga tas pag nanalo ka akin yung prize please gusto ko yung pink na teddy bear na malaki ha!"
"Ayoko nga. Di ba galit ka sakin? Bat ngayon ako papalaruin mo?"
"Eh sige na please. Di na ako galit promise!"
"Aish. Sige na nga"
*after a few minutes*
"oh! Ayan na yung teddy bear na gusto mo" sabi ni Lester sabay abot ng malaking pink na teddy bear. OMG! Sobrang lambot niya at ang cute!!
"OMG THANK YOU!!!"
"Ehem ehem" fake cough ni Lester..
Sabay nanlaki yung mata ko at narealize ko na nakayakap ako sa kanya. OMG! Nakakahiya. >///<
"Sorry. Uhmm..tara na!" sabi ko sabay talikod at sumunod naman siya sa likod ko. OKAY! THIS IS SO AWKWARD......
Pero kanina pagkatapos ko siyang yakapin. I swear! Nakita ko siyang nakangiti.....
BINABASA MO ANG
My Kargador Boyfriend
Teen Fiction-- Hindi lang mga sako o timbang puno ng isda ang kaya kong buhatin, pati ikaw kaya ko san man tayo dalhin ng mga paa ko.... Malay mo altar pala ito tutungo -- Mr. Kargador