Matthew

13 1 10
                                    

AN: Kalandian lang to. Pero basahin mo na din para masaya. At ivote mo na rin para mas masaya. :*

Pati WAG KA MAGEXPECT! Hahaha. Ge. Enjoysxx. Love you~
-

Maganda ako.

Charot.

Ganto kasi 'yon. I'm bored. Really really really bored. Hindi pa kasi naguupdate si ate Alyloony, e. Kapag bored ako, nagrarandom search ako tapos ifafollow ko.

Wala lang, just for fun.

'Dun ko nakita yung profile mo. Ikaw si Matthew Kim. Takte, gwapo ng dp (display picture) mo a. Dahil talandi ako, finollow kita. Kekekeke. At inistalk kita, syempre. Ako pa ba. Binasa ko yung MB (message board) mo hanggang dulo. I wonder kung may girlfriend ka na. Or poser ka? Nye.

Grabe naman kasi. Ang dami mong kaCS! (call sign) Babe, Baby, Sweetheart, Love, whatever. Yung mga nababasa ko sa MB mo, "Good Morning Baby Matthew!" Pwe! Kadiri. Mukhang hindi lang ako ang malanding nilalang dito. Tsk.

Nakakunot yung noo ko sa mga nababasa ko. Tapos natapatingin ako sa gilid. Aba bakit hindi ko pa nababasa ang Bio/About Me mo?

Nawala yung kunot ng noo ko at napatawa ako bigla nang mabasa ko 'yon. Magpapakilala ka lang may kabastusan pang kasama?! Hahaha. Lupit ng bio mo, bro.

Kaya naman nagPM ako sayo. Sabi ko "Hiii~". O diba. Bongga lang. Buti nalang talaga may private messaging na ang wattpad. Kaso bawal ang emoji. Tsk. Labo.

Hindi pa natatapos ang araw nung magreply ka. You said "Hello :)" at 'dun tayo nag-umpisa. Nagkwentuhan tayo hanggang gabi. Yiheee. Getting to know each other ang peg. De, joke lang. HAHA

Pero 'tol, di ko talaga maalis sa maganda at puri kong isipan kung poser ka ba o ano. Alam mo naman, wattpad 'to. Madaming fake. Kaya naman nagtanong ako sa'yo. Buti di ka nagalit! Tumawa ka pa nga, e! Phew. Pero ito 'yung sabi mo.

"May deal ako sa'yo. Magbabago ako ng dp mamayang 1AM. Kung gising ka pa. Deal?"

Mukhang papatunayan mo ang sarili mo, huh. Ako pa hinamon mo! Piece of cake yang deal mo sa mga tulad kong may insomnia. Bwahahaha. Easy, bro! Eaaaaasyyy.

So dumating ang 1AM. And yep, nagbago ka ng dp. Tatlong beses pa nga, e. Eto masasabi ko. Ang gwapo mo. Beng! Hahaha. Sabi mo Half Korean ka. Well, okay. Sabi mo, e. At least Half Filipino ka kaya marunong ka magtagalog.

At pagkatapos 'nun, nagkwentuhan tayo. Alam mo 'yung feeling na ang dami dami nating something in common kaya 'di tayo nauubusan ng pag-uusapan. Hahaha. Dahil maganda ako, nahiya pa ko sa'yo. Pinatulog kita kahit alas kwatro na ng umaga. Hahaha.

And what do you expect? Mga 9AM magkachat na uli tayo. Can't get enough of each other ang peg natin? Hahaha joke lang ulit. This time, magkachat tayo maghapon, magdamag. Oo walang tulog. Pinapatulog kasi kita e, ayaw mo naman. Edi 'yan, wala tayong tulog. Pero ayos lang. Maganda pa rin naman ako. Bwahahaha.

Lumipas ang ilang linggo, ganun pa rin tayo. Magkachat maghapon. Saya mo kausap, e. Ayaw mo sa mga pabebe. Kaya tayo nagkasundo kasi hindi ako ganun at ayaw ko din sa kanila. Minsan lang din tayo magkaron ng tulog. Hahaha. Lumalim nga lalo'yung eyebags ko. And hey, meet my eyebags. I named them Huang Zi Tao. Nyehehe. Okay. Whatever.

He who named MatthewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon