"Help me, please." Lapit ko sa isang lalaki na nasa gilid ng daan pero iniwasan lang niya ako at naglakad paalis.
Tumingin ako sa likod at nakita ko ang humahabol sa akin kaya tumakbo ako ulit para takasan siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil kanina pa ako tumatakbo at napapagod na ako.
"Ah!"
Hindi ko napansin ang nakausling bato kaya natapilok ako at nasugatan. Hirap akong tumayo dahil bumigay na ang mga paa ko.
Naramdaman ko ang kamay na humila sa braso ko para tumayo ako at hinila ako palapit sa kanya.
"You're not that fast, Miss Hamilton." Bulong niya sa tenga ko.
"Please... Please let me go. I-Ibibigay ko lahat ng gusto mo, just please, pakawalan mo na ako." nanghihinang sagot ko.
"Pag-iisipan ko. Hmm, ayoko." Tumatawang sagot niya bago ko maramdaman ang karayom sa leeg ko.
This is it. This is the end of me.
--
"Ang sinabi ko, pasok!" Tulak niya sa akin papasok sa kwarto. I just stood there while tiredly looking at the closed door.
"Magpalit ka na. Meron kang tatlong minuto." Malakas na hampas niya sa pinto kaya nagulat ako at bumalik sa wisyo ko. Tinignan ko ang damit na nasa kama at nanghihinang umupo sa tabi nito. It is a really short red revealing dress and a pair of high heels. I picked up the dress and started to change dahil wala naman akong magagawa.
I can't even breathe properly here. Para bang kapag huminga ako ng malalim mawawalan na ako ng buhay dahil may nakatanim nang bala sa ulo ko.
The dress doesn't look cheap but definitely looks obscene for someone like me.
Nang matapos ako, tinignan ko lang ang sarili ko sa salamin. I look thin, tired, and lifeless. It feels like I'm just alive because I'm breathing and my heart is beating.
"Ang sabi ko tatlong minuto lang." Malakas na bukas ng pinto at hinila na niya ako palabas.
"Nasasaktan ako." mahinang reklamo ko dahil sobrang higpit ng hawak niya at hinihila niya ako kaya natatapilok ako.
"Talagang masasaktan ka kung hindi ka susunod. Sakay." Tulak niya sa akin papasok ng van.
"Are you okay?" Tanong sa akin nina Camila kaya tumango ako.
Of course not. Of course, I'm not okay. Are they?
Lumipas ang ilang minuto at tumigil na ang sinasakyan namin.
"Baba" Utos nila sa amin at hinihila pa kami para mabilis na makababa. When we all got out, they instructed us to follow them and of course, to walk faster. Sobrang minamadali nila ang lahat na akala mo naman sila ang nahihirapan sa mga ipinapagawa nila sa amin.
YOU ARE READING
Eventually
General Fiction"It took me a long way to find my home, but I found you just in time." Everleigh grew up learning to fend for herself, shaped by her many trials. Despite the difficulties, she persevered, carving out a life marked by her independence. Archer was hau...