PROLOGUE

5 2 0
                                    

Nabalot na ng usok ang paligid.
Marami na ring nakabulagtang mga bangkay na kanina'y ang babagsig at matapang na nakipaglaban.

Wala pa ring tigil ang mga pana sa kakalipad mula sa iba't- ibang direksyon.
Ang mga iyak ng mga kabayo,ang tagingting ng mga espada.

At heto ako,nakatayo,habang hawak ang espada.
Hingal.
Pansin ko rin ang dugong dumadaloy sa kaliwang hita ko.

Papahakbang na sana ako nang maaninag ko ang mortal kong kalaban.
Ang prinsipe ng kabilang kaharian.

Bakas ang saya sa mukha neto dahil alam niyang nanghihina na ako.

Nabitawan ko ang aking espada dahil sa kirot ng aking nadadarama.

Tumigil sa harapan ko ang prinsipe at pinulot ang espadang nahulog ko kanina.

"Magpahinga ka muna,simulan mo na ring tanggapin na mapapasaamin na tong kaharian niyo,"

VALDA  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon