Ang Boyfriend Kong Famous [Chapter 1: Ania's Life]

5 0 0
                                    

Ania's POV


May nakita akong liwanag, sobra liwanag halos hindi ko na nga mamulat ung mata ko.

Maya maya may naaninag akong isang lalaki. Matangkad sya pero di ko pa nakikita mukha nya. Papalapit sya sakin nung palapit na sya tinawag nya pangalan ko


"Ania."

Ang baba ng boses nya, pero di ko pa rin makita mukha nya


Tinawag nya ulit pangalan ko


"Ania."

"Sino ka?"


Humarap sya kaso hindi ko talaga sya mamukaan

Ngumiti sya. Ang pogi nang ngiti pero hindi ko parin mamukaan


"Ako ung Prince Charming mo"

Huh? Prince Charming?? Pinagsasabi neto??


Tinawag nya ulit pangalan ko


"Ania"

Kaso parang may kakaiba. Bat parang habang tumatagal kaboses nya si mama

"Ania" tawag nya ulit


"ANIA!"


Nagising ako sa sigaw ni mama


"Ba-bakit??"


"Kanina pa kita ginigising ayaw mo nmn gumising! Nandito na tayo oh. Gusto mo iwan kita??"

"Hah? ay. Oo nga pala tara na!" bumaba kami sa jeep

Jusko! Panaginip lang pala! May Prince Charming Prince Charming pang nalalaman.

Ako si Seania Dela Cruz. 17 years old, Nagtatrabaho si mama sa palengke. Tinutulungan ko nalang si mama magbuhat ng itinitinda nya, si papa nmn magsasaka. Kaya malayo si papa samin nandun sya sa probinsya namin para magtrabaho pero bumibisita nmn samin si papa tuwing may okasyon at bakasayon. Lalo na pag may isa samin may birthday or what.


Tatlo kaming magkakapatid. Si Kuya Matt ung panganay samin sumunod ako sunod nmn pinakabunsong kong kapatid na babae. Si Kuya nasa 2nd Year Collage na. Ako nmn 3rd Year Highschool. Si Chealsea nmn Grade 4.


Nakatira kami sa bahay ng Tita ko. Dito na daw kami tumira kesa maghanap pa daw kami ng mauupahan dagdag gastos lang daw. Mayaman si Tita sobrang yaman. Mansion ung bahay na tinitirahan namin. Syempre mayaman nga eh.. Parang 2nd mommy na rin namin si Tita kasi nung bata palang kami sya ung nag-aalaga samin. Nahihiya na nga daw si mama kasi pati pampers at pagkain sagot ni Tita

Mommy rin ung pinapatawag nya samin. Para na rin daw kasi nya kaming anak.

"Sige na ma. Uwi na ko! Tutulong pa ko sa bahay"

"Sige anak, ingat ka hah? Wala ka bang assingmets?"


"Tapos na ma! Kagabi pa"


"Ang talino talaga ng anak ko, sige na uwi ka na. Ingat ka"

"Opo"

Ang Boyfriend Kong FamousWhere stories live. Discover now