"O. M. G." tanging nasabi ni Gilbert este Trixie nang makita ang isang Lalaki.
Gwapo. May pagkaMoreno. Matangkad. Hot. Halatang batak sa sports. Tall, Dark and Handsome ika nga, hindi yung Tulad ng mga Tol, sa Dark ka lang handsome.
"Grabe to akala ko naman kung ano na nakita! Mukha namang Ulupong yan eh!" sabi ko sabay irap sakanya. Pero Infairness, ang gwapo nya huh."
"Miss, pwede bang makiupo? may aantayin lang ako saglit lang naman." sabi ng isang lalaki malapit sa likod ko.
"Damn. Ang gwapo pala nya lalo sa malapitan! Anlamig pa ng boses nya hihimatayin ata ako.. Gosh. Laine, stay calm. Okay? STAY. CALM."
"Miss?" muling sabi nya.
"Oo! Pwedeng pwede! Dito ka sa tabi ko oh! Share tayo dito sa Frappe ko oh! upo ka dito dali!" singit ni Trixie. Landi talaga netong baklang to.
"Bakit dito kapa naupo ang dami daming bakante jan sumiksik kapa dito?" tanong ko sa kanya sabay taas ng kilay.
"Ah.. ehh.. ah.. I-im s-sorry i have t-to go." Nauutal na sabi ng lalaki sakin. Sino ba namang di matatakot pag nagtaray ako. Haha!
Di sya yung tipo na mayabang, Yung maangas magsalita. Sya yung Mahiyain kahit astig pumorma. Pero tingin ko lang yun, kase bago ko lang naman sya na meet. But wait!? Bat di ko nalang tinanong pangalan nya kesa tarayan ko!? Hays. See you again Baby!
"ARAY KO!" isang malakas na batok ang naramdaman ko.
"Shunga shunga talaga naku! Gwapo na naging bato pa! kaya ayaw kita isama eh!" sigaw nya sakin.
"Kapal mo naman ikaw na nga lang nagpalibre ganyan kapa!" galit kong sabi sakanya.
"Joke lang bebe loves na loves kita eh Mwaaaah "
Kapal talaga. Pasalamat sya bestfriend ko sya kung hindi baka ipinatapon ko na to sa Pluto!
-----