Chapter 1

106 3 0
                                    

W
ishing well (A short story)

Ako si Krystel isa lang naman akong sa milyong-milyong tao na humihilig ng lalaki na mamahalin ko at mamahalin din nya ko.

Mahirap kami at sa awa ng diyos ay pumasa ako ng scholarship sa mataas na eskwelahan

Naglalakad lang ako papunta doon sa eskwelahan ko dahil baon ko na ang pamasahe sayang pangkain ko na rin yun.
at kapag may natitira sa baon ko ay pumupunta ako sa wishing well sa may simbahan para matupad ang hiling ko.

Pero ilang araw narin ako nag babato ng barya pero parang wala parin.

Isa lang naman ang lalaki na nagugustuhan ko at sya lang naman si Ford, at tuwing nakikita ko sya parang nangangarera ang puso ko sa bilis.

Pano nya ko mamahalin kung hindi nya ako kilala Ni-hindi nga ako nag eexist sa mundo nya eh.

~*~

"Hoy, gumising ka na ma-lelate ka na" pagsigaw ni mama sakin, tiningnan ko ang orasan
5:30am, Ang aga papala eh si mama talaga, nahiga ulit ako pero maynarinig akong sumigaw, "hoy maligo ka na"
Habang pina plantsa niya ang uniporme ko.

Pagtapos ko maligo dumiretso na ako sa hapag kainan para kumain ng almusal.

Napansin ko na nakanganga na ang sapatos ko, ilang taon ko na kasi ginagamit to.

"Ma, may extra ba kayong pera dyan" sabi ko kay mama habang nag luluto siya ng ulam
"Bakit?" Tanong niya,
"Nakanganga na po kasi ang sapatos ko eh"
"Ganun ba anak, wala pa kasi akong pera nag iipon kasi ako ng pera para sa tuition ng kapatid mo."

"O sige po pagtsa-tsagaan ko muna." Malungkot kong sabi,
"Didikitan ko nalang yan ng rugby." Pagpapaliwanag nya

Pagkatapos kong mag almusal ay umalis na ko sa bahay namin.

~*~

Tapos na ang klase ko at pauwi na ako kasama ko si Janna bestfriend ko sya lang ang katangi-tanging kaibigan ko sa eskwelahang to, parehas lang kami ng estado sa buhay scholar din sya katulad ko, pero sya rin ang lagi kong katungali pagdating sa mga grado pero hindi na Bigdeal yun samin.

"Tara kain tayo ng fishball libre ko" aya nya sakin.
Tumango ako sakanya at hinila nya ako.

Habang nakaupo kami at kumakain nakita ko si Ford kasama niya ang barkada nya at bigla nanamang bumilis ng tibok ng puso ko, at agad na silang pumunta sa katabing basketball court.

"Krystel sige uwi na ako bukas uli." Paalam nya sakin,
Kumaway ako sakanya sabay ngiti.

Naglalakad ako pauwe at nung dumaan ako sa labas ng court may nakita akong Wallet hindi ko alam kung kanino at mag gagabi na nag desisyon nalang ako na bukas ko nalang i bibigay.

Pagkarating ko sa kwarto agad akong nag bihis at ginawa ang mga nakatambak na
homework ko pag katapos kung tapusin ang homework ko ay bigla kong naalala yung wallet, agad ko itong kinuha sa bag ko.

Pagkabukas ko ng wallet, Anak ng tokwa!! Wallet to ni Ford at ang pogi nya kainlab!!.

May nakita akong tatlong libo at may nakaipit na number.
siguro celphone number to ni ford.

Agad kong hiniram ang celphone ni mama at pumunta ako sa kwarto para tawagan,
Nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko kasi kapag naririnig ko ang boses nya ay kinikilig ako, kaya nag desisyon nalang akong itext.

"Nasaakin po yung wallet nyo ibibigay ko nalang po sainyo."
*message sent*

Mga ilang minuto ay tumawag sya, hindi ko alam kung sasagutin ko ba, mga ilang sigundo ay sinagot ko na "H-hello"
"Hello, Thank you dahil nasayo ang wallet ko"
"W-welcome ibabalik k-ko nalang sayo b-bukas gabi na kasi ."
"ok thank you alam mo ba kung saan ako nag aaral?."
"Oo U-um s-schoolmate nga tayo eh."
"Ah ok thank you talaga kailangan ko na ibaba see you tomorrow bye."
"B-bye", at binaba ko na ang celphone namin.

Hindi ko alam kung bakit ako nauutal dahil ba kinikilig ako pag nakakausap nya.

Pagkatapis nun ay kumain na ako hindi pa rin maalis saakin ang ngiti sa mukha ko nagtataka na nga si mama.

Gabi-gabi na pero hindi pa ako makatulog dahil doon sa boses ni Ford, excited na akong makita siya.

To be continued

A/n
Hangang chapter 3 po ito thank you

Wishing well (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon