Chapter 2

55 1 0
                                    

Maaga ako nagising, baka masigawan nanaman ako, agad naman akong pumunta sa banyo para maligo.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng pagkain napansin ko na wala si mama, at ang kapatid ko ay tulog pa.

May nakita akong sulat sa lamesa, binasa ko ito.
"Anak ikaw muna ang bahala sa kapatid mo pumunta lang ako sa marikina para bumili ng mga gulay at prutas, at yung baon mo kunin mo nalang sa cabinet mo."

Nagtitinda kasi si mama ng gulay at prutas sa palengke, agad kung inubos ang pagkain ko at dumeretso sa kwarto para gisingin yung kapatid ko at kunin ko ang baon ko.

"Hoy Lara gumising ka na at maligo hintayin mo nalang si mama papasok na ako"
Agad naman syang dumiretso sa banyo.

Inihanda ko na ang gamit ko at lumabas na rin ako sa bahay namin at naglakad ako papunta sa eskwelahan.

~*~

Pag karating ko sa eskwelahan nakasalubong ko na si Janna, agad naman kami pumunta sa classroom namin.

Mga ilang minuto dumating na si Ms.Dimacunlan at ang subject niya ay history, nakakaantok pa naman to.

Habang nag didiskas si Ms.Dima ay unti-unti naman pumipikit ang mga mata ko yun na nga nakatulog na ako.

Habang nasa panaginip ako may naririnig akong tumatawag sa pangalan ko,
"Ms.Krystel Herboso" paulit ulit niyang tawag at yun nagising ako at nakita ko si Ms.Dima
Anak ng Tokwa naman ohh!!

"Ms.Herboso bakit mo tinutulogan ang klase ko ha??"
Pag susungit nya sakin, puyat kasi ako kakaisip kay Ford.

"Pasensya na po sorry po talaga"
"Your running for honor, sige papalagpasin ko muna to pero pag naulit alam mo na mangyayari"
"Opo sorry po talaga" napa buntong hininga nalang ako.
At umalis na sya sa pwesto ko.

~*~

Tapos na ang klase ko at umuwi na si Janna at bigla kong naalala yung wallet.

Nakita ko si Ford na pumasok sa library kaninang uwian at gusto ko nang ibalik ang wallet nya.

Pagkarating ko sa library at hinanap sya buti nalang at naabutan ko sya.
Ang gwapo talaga bumilis nanaman ang tibok nang puso ko, lalakasan ko ang loob ko, pumunta ako sa pwesto niya at dun ako pumwesto sa harap niya.

"H-hi ako nga pala yung nakapulot ng wallet mo heto oh." Sabay abot ko sa wallet ko habang nanginginig ang mga tuhod ko.
"Ah ikaw pala s-salamat dahil ikaw ang nakakuha importante kasi to eh utang ko sayo to" Sabay ngiti, wag kang ngumiti baka lalo ako mainlab nyan.
Ngumiti narin ako at lalo pa bumilis ang tibok ng puso ko.

"Sige mauna na ko." Pag papaalam ko sa kanya, pero bigla nyang hinawakan ang braso ko at napalingon ako sa kanya. Bigla niya ako inabutan ng isang libo, tinitigan ko muna kung tatangapin ko marami na rin akong mabibili nyan, pero nagdesisyon ako na wag nalang, at hinawi ko ang kamay niya, pagkita ko sa mukha nya na nagulat siya.

"Wag na pagtamang gawa lang naman yung ginawa ko, okay lang naman kahit walang kapalit" nakangiti kong sabi sa kanya
"S-sigurado ka, o sige" halatang nagulat siya
"K-krystel salamat talaga ha"
Dugtong niya at agad naman akong umalis ng library, ANO KRYSTEL pano niya nalaman ang pangalan ko eh hindi ko naman sinasabi yun sa kanya eh pano niya ako nakilala.

"Krystel salamat talaga ha"

"Krystel salamat talaga ha"

"Krystel salamat talaga ha"
Paulit ulit pumapasok sa isip, paano nangyari yon hindi niya ako kilala.

Nagtataka ako habang nag lalakad ako pauwe pero nung sinabi nya ang pangalan ko nanginig ang buong katawan ko imposible mangyari yon hindi talaga ako makapaniwala.

Siguro may kakilala lang ako tapos kakilala nya rin kaya nya nalaman ang pangalan ko.

Ano ba krystel wag kang praning ano ba tong nararamdaman to siguro huwag ko muna siyang isipin ba ka mawala ang katinuan ko charot!

Pero ano to iba na to Krystel
Iba na.

To be continued..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wishing well (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon