Zach's POV
Ako nga pala si Zach Andrei Castro. 15 years old. 3rd year sa St. Joanna Academy. Scholar lang ako dito. Hindi ko naman kayang mag-aral sa mayamang eskwelahan na ito. Mahirap lang ako. Buti nga at nakapasa ako dahil ako lang ang inaasahan ng pamilya ko. Labandera ang nanay ko at Jeepney driver ang tatay ko. Tatlo lang kaming magkakapatid. Ako at kakambal kong si Zacharia at si Zander.
*Boogsh*
"Aray." Tinamaan kasi ako ng babaeng naglalakad.
"Hindi ka kasi tumabi eh." medyo inis na sabi niya. Nagpakumbaba nalang ako kasi wala naman akong laban sakanila eh.
"Sorry." sabi ko at umalis siya.
Minsan nga iniisip ko, bakit ganun ang mayayaman? porke ba mahihirap kami eh aalipustahin nila ang katulad namin? lahat naman tayo pantay pantay sa mata ni boss.
Pumasok na ko sa classroom ko. Ilang minuto nalang magsisimula na ang klase. Uupo nalang muna ako sa upuan ko.
"Zach!" bati sakin ng isang babae, si Angeline. Kaibigan ko siya at kapitbahay na rin. Parehas lang kaming scholar dito.
"Ui Ange. Kamusta?" Masayang sagot ko sakanya. Umupo siya sa tabi kong upuan kung saan upuan niya rin naman talaga.
"Parang hindi naman tayo nagkita kanina haha. Okay lang buhay pa naman ikaw ba?" Minsan nga natutuwa ako dito kay Angeline eh lagi siyang masiyahin akala mo walang problema palagi.
"Ayos lang din. Library tayo mamaya ah?" Lagi kaming nasa library ni Angeline kapag recess dun kasi kami kumakain at minsan hindi talaga kumakain. Wala kasi kami minsan pambili ng pagkain.
"Sige tamang tama babasahin ko yung libro na Romeo and Juliet sabi ni nanay maganda daw yun" tuwang tuwa na sabi niya.
Nginitian ko nalang siya at tinuon ang pansin sa babaeng papasok. Siya yung bumunggo sakin kanina, kaklase ko pala siya? teka parang hindi ko naman siya nakikita or di ko lang siya napapansin.
"Good morning." bati ni Mr. Franco. Adviser namin siya, lahat ng estudyante kinakatakutan siya.
"Good morning sir." bati namin lahat.
"Miss Santiago, buti naman pumasok ka na." sabi niya dun sa babaeng nabunggo ko kanina. Kaya pala hindi ko nakikita, hindi pala pumapasok. Teka, di ba bawal yun? dito kasi makalimang absent lang suspend ng 1 week kapag isang buwang absent naman eh drop out.
Hindi niya lang pinansin si sir. Si sir naman nag-discuss nalang.
×~×~×~×~×~×~×~~~
Hi there :) another story again.
Itutuloy ko pa o hindi? Sagot! HAHAHAHA djk :>
Comment kayo kung itutuloy ko pa o hindi.
BINABASA MO ANG
Walk Away
RomanceIniwan mo ako sa kalagitnaan ng ulan Iniwan mo ako ng hindi sinasabi ang dahilan Iniwan mo ko ng hindi ko naiintindihan Naglakad ka sa malayo Hindi man lang lumingon sa aking pwesto Kahit ikaw ay lumayo Ikaw pa rin ang mahal ko. Binigay ko naman a...