Prologue
"Sure ka na ba Amaris na uuwi ka sa pilipinas?" napairap ako sa aking pinsan na si Gabby habang nag-iimpake ako ng mga damit at pasalubong na ibibigay ko sa aking mga naging kaibigan at para sa mga pinsan namin ding iba.
"Gab, ilang beses mo na ba tinanong yan? Kung nag-aalala ka saaking kung sakaling makita ko siya ay baka mapabalik pa ulit ako dito sa Chicago. Pero, wag kang mag-alala naka move on na ako" sabay sarado ng isang maleta na puno ng mga pasalubong.
"Bakit kasi ngayon ka pa pupunta, ayaw mo ba sumabay saamin ni Troy? At kailangan mo pang umuwi mag-isa, talaga bang naka move on ka na? Baka mamaya makita mo lang siya, mapapatawag ka saakin" napa-halakhak ako sa sinabi ng aking pinsan habang papunta ako sa kusina para kumuha ng jam at tinapay.
"Huh! Baka umiyak ako, sorry cous pero naka move on na ako...at naka move on na din siya" habang nilalapag yung kinuha kong jam at tinapay. Napangisi si Gabby sa mga sinabi ko. Ano nga bang mali sa sinabi ko?
"Naka move on na nga ba talaga o hanggang ngayon hinahanap mo pa din ang kanyang presensya?" napataas ang kilay ko sa sinabi ng aking pinsan, naka-move on na nga ba talaga ako? Di ko alam kung oo ba o hindi. Pero, alam ko sa isip ko na naka move on na ako.
"It's been two years Gab, kaya alam ko naka move on sa isipan ko. At s-siya... siya din naka-move on na din at alam ko sila na ni Rhea, yun ang pagkaka-alam ko" Damn it! Bat parang ayaw sumang-ayon ng puso ko na naka- move on na ako, at parang sumisikip yung puso ko ng mabanggit ko ang pangalan ni Rhea..
"Naka-move on na nga yang isipan mo, pero yang puso mo (sabay turo niya sa kaliwang dibdib ko) tanggap niya pa din ba? Mahal mo pa din ba si Harley Jagger Sarmiento?"
dubdubdubdudub...
Shet! Bakit ganon bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko ng binanggit ni Gab ang buong pangalan ni Harley. Oh no! Bawal 'tong nararamdaman ko
"A-ano... kasi ano.. Sye-syemp—-"
"Andyan na yung cab!" biglang pasok ni Troy at hinihingal pang pumasok sa kwarto ko. Thank God! At bigla siyang pumasok baka mamaya kung ano na maisagot ko kay Gab. Napatingin ako sa gawi ni Gab na ngayon ay napapangisi saakin.
"Pasalamat ka at dumating ang kapatid kong baliw" napangiti nalang talaga ako. Habang isa-isang binaba ni Troy ay dalawang maletang dadalhin ko. At bago pa ako tuluyan pumasok sa cab ng biglang nagsalita si Gab
"Oh, cous! Ingat ka don, sabi ko naman kasi sa'yo sabay na tayong pumuntang reunion. Pero, alam ko namang atat na atat ka ng umiwi. Basta cous, mag-ingat ka doon at ingatan mo din yang puso mo baka masugatan ulit."
"Baliw! Oo na, mag-iingat na po madam. Hahaha, antayin ko nalang kayo nitong Troy na pumunta ulit sa Pilipinas. Bye!" agad na akong sumakay ng cab at medyo malayu-layo pa yung airport. Kumaway sila Gab at lalo na si Troy na may patalon-talon pa.
Hayss, ito na at makakauwi na ako sa Pilipinas. Makikita ko na din ang mga pinsan kong makukulit at..
Handa na ba akong makita siya?
xx
All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without permission in writing from the copyright owner.fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of the author's imaginationor are used fictitiously, and any resemblance to any actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.Copyright ©2015 Ermbeks
-May 29, 2015-